Episode 4

2123 Words
Naitulak ko bigla ang lalaking humalik sa akin. Ngunit hindi niya binitawan ang beywang ko. Napasulyap ako kay Mon na galit na galit. Parang papatay na sa hitsura niya. Hindi ko inaasahan hinila ako  ni Mon sa braso kaya nabitawan ako ng lalaki. Hindi ako makapagsalita para magreklamo, tanging tingin na may pagtataka ang nagawa ko. Nawiwindang ako sa nangyayari. Naglakad palayo si Mon habang hila hila niya ako. Hindi pa kami nakakalayong dalawa nang higitin ako ng lalaki. Para silang nagtatug of war. " Who are you to kiss her?! " galit na sabi ni Mon sa lalaki. Itinulak ni Mon ang lalaki sa kanyang dibdib. Napaatras ang lalaki sa ginawa ni Mon. Isang nakaka insultong tawa lang ang ginawa ng lalaki sa tanong ni Mon. " I am her fiance so I have the right to kiss her!" Sabi nito napatingin ako bigla sa lalaki. Anong fiance? Paano nangyari yun ni hindi ko nga siya kilala? Paanong naging kami wala naman kaming relasyon. Baliw ba ang lalaking ito? Nagdrodroga ba siya? Pati ba naman dito sa Italy may mga addict? " I don't believe you asshole!" galit na sabi ni Mon. Parehong nagpupuyos sa galit ang dalawa. " C'mon amore mio we're going home!" ha ano daw going home saan? Hinila ako ng lalaki pero hinila din ako ni Mon. Diyos ko mapuputulan yata ako ng mga braso sa ginagawa ng dalawang ito. I wiggled my hands and I freed myself from them. " Will you both shut up!" saway ko sa dalawang parang toro na umuusok na sa galit. Para ngang magsusuntukan na sila. " At ikaw Mon hindi ba ayaw mo na akong makita? Bakit kailangan hilahin mo pa ako! Hindi ba sabi mo gold digger ako at scammer pa!" hindi ko siya maintinidihan. Kanina lang galit na galit siya sa akin. Muntik na niya akong saktan. Tapos ngayon may concern pa siyang pinapakita sa akin. Niloloko niya ba ako? " Bakit kilala mo ba itong lalaking ito?Para sumama sa kanya?!" napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ano naman pakialam niya kung sumama ako sa estrangherong lalaking ito? Atleast siya kaya niya akong ipagtanggol kahit hindi niya ako lubos na kilala. Pero siya naging kami, dalawang taon pero ni hindi niya ako pinagtanggol ng apihin ako ng pamilya niya. Tapos sasabihan ako ng mga salita na masasakit. Ni hindi niya ako pinaniwalaan noon. Kilala niya ako hindi ko siya minahal dahil lang sa pera. Pero siya niloko lang niya ako. " Totoo sinasabi niya magkasintahan kami. Kaya puwede ba Mon huwag ka ng manggulo! Hindi ba ito naman ang gusto mo? Umalis ako sa buhay mo!" tumulo ang mga luha ko. Hanggang ngayon nasasaktan pa din ako kapag naalala ko ang sakit na idinulot niya sa akin. Minahal ko siya ng totoo nagpakatanga sa dalawang taon. Kahit harap harapan niya akong niloloko. Tinanggap ko lahat ng yun dahil mahal ko siya. " Martha let's talk please?" pakiusap ni Mon. Nagdadalawang-isip akong kausapin siya. Wala din naman mangyayari nasaktan na ako. Kahit gustuhin man niyang magkabalikan kami. Wala na akong tiwala at may mga taong ayaw sa relasyon namin. Ayoko ng apihin pa nila ako. " No Mon wala na tayong dapat pag-usapan pa." sabi ko. " Bakit dahil mas mapera ang lalaking yan kaysa sa akin?! Well mukha ka naman palang pera. Talagang matalino ka dahil ginagamit mo ang utak mo. Tsk hindi na dapat ako nagpapadala sa mga katulad mo!" kapal ng mukha niyang sabihin sa akin na pera lang ang gusto ko. Umigkas ang palad ko papunta sa kanyang pisngi. Napa tabingi ang mukha ni Mon sa ginawa kong sampal. Galit na hinaklit niya ang braso ko kaya napaigik ako sa sobrang sakit. Biglang itinulak ng lalaki si Mon kaya nabitawan niya ako. Napaupo si Mon sa semento. " Don't you dare hurt her! I will smash your face!" galit na sabi ng lalaki. Dahil sa laki ng katawan at matangkad pa ang lalaki hindi nakakilos si Mon ng kuwelyuhan siya ng lalaki at ginawaran ng suntok sa panga. Tumalsik si Mon kaya napasigaw na ako. " Stop it per favore/ please.." pakiusap ko ng akmang susuntukin niya muli si Mon. Napayakap na ako sa beywang ng lalaki upang pigilan siya. Habol hininga ang lalaki habang galit na galit na nakatingin kay Mon na nakasalampak na sa semento. May dugo ang kanyang labi. Tumayo si Mon pinunasan nito ang labi ng may dugo. " This is the last time I will see your f*****g face! Get out or I'll call security to get you!" pagbabanta ng lalaki kay Mon. Tumingin sa akin si Mon ng masama. "Hindi pa tayo tapos Martha! Hinding hindi ka mapapasa kamay ng kahit sinong lalaki. Dahil ako lang ang nararapat sa iyo!" pagbabanta niya sa akin. Pagkasabi niyon umalis na si Mon kasama ang kapatid at ang dalawang babae na sobrang sama ng tingin sa akin. " Amore mio." hinawakan niya ang braso ko at tiningnan niya ito. Namumula ang braso ko dahil sa pagkakahawak ni Mon kanina. Halos pigain na niya kasi. Pag-aalala ang nakikita ko sa kilos ng lalaki. Bakit naman siya mag-aalala sa isang estrangherong katulad ko? Hindi ko talaga siya kilala. Wala akong maalala na nameet ko na siya dati.  Pasimple kong inalis ang kamay nitong nakahawak na sa kamay ko.  "I'm okay thank you for helping me." pasasalamat ko sa lalaki. Napaatras ako ng lalapit na naman siya sa akin. Feeling ko kasi hahalikan na naman niya ako. Kung makatitig naman kasi ang lagkit. Kaya napahinto sa paglapit ang lalaki.  "Where do you live?"tanong ng lalaki sa akin. Hindi ko alam kung sasabihin ko mukha naman siyang matino.  Narinig ko kanina na isang modelo ang lalaking ito. At tiga pagmana ng isang mayaman dito sa Italy. "I'm living in Genoa with my employer." sabi ko. Napangiti ang lalaki sa akin. Siguro kagaya din ito ni Mon ayaw sa mga katulong na kagaya ko.  Ayoko ng makipag commit sa mga katulad nilang mayaman. Mas pipiliin ko pa ang katulad kong mahirap. Atleast magkakasundo kami sa lahat ng bagay. Hindi katulad ng mayayaman na walang napapansin kung hindi ang katayuan ko sa buhay.  "Signore, tuo padre ti sta cercando. Loro sono qui./ Sir, your father is looking for you. They're here." Sabi ng isang lalaking naka formal ng kasuotan. Napasulyap sa akin ang lalaki.  "Di 'loro che sto arrivando/Tell them that I'm coming" sabi nito. Kailangan ko ng makaalis. Habang kinakausap nito ang lalaki. Kinuha ko na ang pagkakataon na makaalis. Nakihalubilo ako sa mga taong naglalakad para hindi niya ako makita. Nakita kong napalingon sa akin ang lalaki. Nagpalinga linga ito tila hinahanap niya ako.  Nakahinga ako ng maluwag ng matakasan ko ang lalaki. Ano ba kasing kailangan niya sa katulad ko? Kagaya din siya ni Mon aapihin lang nila ako. Hindi na dapat ako nagpapaapekto sa mga kakisigan nila. Mas gusto ko na yata ang hindi kaguwapuhan pero mahal naman ako at tanggap kung ano ako. Kinagabihan naghanda na ako para sa party na pupuntahan namin. Nakaayos na ako ng tawagin nila ako. Simple lang ang ginawa ko sa mukha ko. Hindi naman kasi ako ang invited kung hindi ang mga amo ko. Kunbaga sabit lang ako dito. Hawak ko ang alaga kong si Luna samantalang si Lucio ay nasa kanyang ama.  Pumasok kami sa isang hotel. Mukhang mas mahal ito kaysa sa tinuluyan namin. Pinakita ng mga amo ko ang invitation sa babaeng nasa bungad ng hotel. Pinapasok naman kami. Napatingin ako sa mga bisita mukhang may mga kaya at kilala sa lipunan ang nandito. Isang malaking bulwagan ginanap ang party. Ayon sa mga narinig ko mula sa mga bisita dito. Ipapakilala na sa media ang hahalili sa may-ari ng isa sa pinakamalaking pangalan sa larangan ng pagnenegosyo dito sa Italy. Anak daw nito ang papalit sa puwesto. Bakit may ganito pang pagpapakilala. Puwede naman na wala na. Ano naman kasi ang pakialam ko kung gusto nilang malaman ng buong mundo kung sino ang ipapalit. Pakialaman ko ang sarili kong buhay. Saway ko sa sarili ko.  Napapahikab na ako dahil sa tagal ng programa. Tumayo muna ako upang pumunta sa table na may pagkain. Kumuha lang ako ng makakain ko at maiinom. Kanina pa ako nagugutom at nauuhaw. Wala naman akong napiling pagkain na matino. Kaya uminom na lamang ako ng juice. Nagpasya akong kunin ang cellphone ko. Kausapin ko na lamang si Jane. Wala din naman akong pakialam sa magiging bagong CEO.  "Oh Martha napatawag ka?" sabi ni Jane.  "Wala lang naiinip lang ako dito nagpapawala ng bagot sa buhay. Gusto ko ng matulog." napahikab ako. Natawa si Jane sa sinabi ko. "Hindi ka naman kasi mahilig mag-party malamang maiinip ka talaga diyan" napaikot ang mata ko sa sinabi ni Jane.  "Alam ko naman no. Siya nga pala nakita ko sila Mon dito. Hindi maganda ang pagkikita namin." nagsimula na naman sumakit ang dibdib ko ng maalala ko ang pinagsasabi nila sa akin.  "Anong nangyari? Naku kung sinaktan ka reresbakan natin! Mga walanghiyang yun sila na nga itong nang-api sa iyo. Sila pa may ganang manakit! Grabe ha?!" naiimagine ko na ang mukha ni Jane na umuusok na sa galit. Hindi ko siya masisi dahil nakaranas din siya ng pang-aapi kagaya ko. "Muntikan na buti na lamang may dumating na Italyano. Siya ang tumulong sa akin. Kinabahan nga ako kanina akala ko magpapatayan na ang dalawa. Nasapak kasi ng Italyano si Mon." naalala ko na naman yung lalaki. Nakalimutan ko na ang pangalan niya.  " Ano pogi ba?! Naku ang bait naman ng italyano na yan! Beshy baka siya na ang the one mo! Ayie!! Sana nawasak ang mukha ni Mon. Para naman makaganti ka no!" sabi niya. "Well okay naman. Ano ka ba tumulong lang yun tao the one na kaagad." napanguso ako. Hindi ko na kinuwento ng halikan ako ng Italyano. Kilala ko itong si Jane. Tutuksuhin lang ako. " Jane tinatawag na ako ng amo ko." sabi ko kay Jane. Kinawayan na ako ng amo kong babae. Pinapalapit niya ako sa table na nakalaan sa amin. " Sige enjoy mo na lang ang party." pagkatapos nuntimapos ko na ang tawag. Lumapit na ako sa mga amo ko. May kausap na silang lalaki may edad na din. Nakaka intimadate ang tindig nito. Mukhang mayaman ang taong kausap ng mga amo ko. Napasulyap sa akin ang lalaking may edad na. Siguro naglalaro sa 60's ang edad ng lalaki. " A proposito, il signor Moretti è Martha/By the way Mr. Moretti she's Martha." pakilala ng amo kong babae. Sinulyapan ako ng lalaki na kung makatitig ay parang sinusuri niya ang buo kong pagkatao. Kulang na lang halukayin niya pati ang kaluluwa ko. Inabot ko ang kamay nito at nakipagkamay. We shook hands. " Piacere di conoscerti, signor Moretti/ Nice meeting you Mr. Moretti." pagbati ko. Napangiti ito ngunit hindi umabot sa mata. Nagulat ako ng sumulpot sa harapan namin ang estrangherong lalaki na nagligtas sa akin kanina. Napalunok ako ng laway dahil may kasalanan ako sa kanya. Dahil tinakasan ko siya kanina. Dapat nga magpasalamat ako sa kanya dahil pinagtanggol niya ako kay Mon. Tapos umalis ako ng walang paalam. Teka ano'ng ginagawa ng lalaki dito? Malamang Martha guest siya dito. Sabi ng isip ko. "Oh, nice to meet you, Mr. Leri Moretti. And congratulation.." bati ng amo kong lalaki. " Thank you Mr. Gabriele Conti."pasasalamat ng nagnga-ngalang Leri. Siya pala ang sinasabi nilang bagong CEO ng Moretti Group of Company. Hindi ako nagkamali ng sapantaha. Totoo ngang mayaman ang lalaking ito. Leri pala ang pangalan niya. Base kasi sa kasuotan niyang pormal may mga bodyguard pa. " Oh, Mrs. Adelina Conti who's this beautiful lady behind you?" tanong ni Mr. Leri sa amo kong babae. " By the way she is Martha Rivera." pakilala sa akin. Gusto kong mapaatras ng kunin nito ang kamay ko at hagkan ang likod nito. Nag-init ang pisngi ko. Pero teka bakit kanina hinagkan niya ako sa labi pero hindi naman nag-init ang pisngi ko? Kasi nagustuhan mo ang halik niya. Biro ko sa sarili ko. Napatikhim ang ama ni Mr. Leri. " Let's go Leri we have some visitors to talk. Let's excuse us Mr. and Mrs. Conti." paalam nito sa mga amo ko. Hindi ako tinapunan ng  tingin ng ama ni Leri. Pero itong isa ang lagkit ng tingin sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang mga mata namin. Ganito ang epekto niya sa akin. Nakakaramdam ako ng kakaiba sa sarili ko. Ayokong maramdaman muli ito sa mga taong katulad nila. Ayoko ng masaktan muli at apihin dahil sa katayuan ko sa buhay. Umiba ako ng tingin. Ayokong salubungin ang mga tingin niyang nakakadala.Copyright © 2021 by coalchamber13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD