Chapter 3

1584 Words
Imbes na gamitin ang ibinigay na first aid kit ni Mama, ibinalik ko na lang iyon sa kusina saka balis na umakyat sa kwarto. I only washed my wounds tapos humiga na sa higaan, ginawa ang ritual na pag tulala sa kisame. I'm wondering, ano kaya ang magiging reaction niya kung umuwi akong puno ng tae sa mukha? Kung hindi ko naitukod ang kamay ko ay siguradong ganoon ang itsura ko kanina. Mag-aalala kaya siya? She should, right? Ang dumi-dumi ng tae and pwede akong makakuha ng kung ano-anong microbes doon na maaaring mag cause ng pagkakasakit ko so, mag aalala naman siguro siya, hindi ba? Hindi ko alam kung ilang minuto kong tinitigan ang kisame, iniisip ang mga maaaring mangyari kung hindi nasuportahan ng kamay ko ang katawan ko kanina, pero nagising na lang ako na madilim na ang paligid. Kahit inaantok pa ay pinilit kong tumayo dahil nagwawala na ang mga dragon sa tiyan ko. Isa pa, hindi na rin naman ako makakatulog niyan kahit gustuhin ko. Masyadong naging mahaba ang tulog ko kanina kaya siguradong aabutin ako ng madaling araw mamaya bago makatulog ulit. Tahimik ang buong bahay pagkalabas ko ng kuwarto. Siguro ay nasa library pa rin si Mama, naggagawa ng exam. Ganoon naman kasi siya mula pa noon, halos abutin ng madaling araw kakagawa ng mga paperworks. Isa iyon sa rason kung bakit ayokong maging guro, eh. Hindi natatapos ang pag-aaral. Dumiretso ako sa kusina at tahimik na nagsandok ng pagkain. Hindi naman puwedeng magsalita ako gayong wala naman akong kasama. Lonely ako, kulang sa pansin, pero hindi pa naman umaabot sa puntong kakausapin ko na ang sarili ko. May spaghetti akong nakita sa ref na hindi ko alam kung kailan pa nandoon pero kinuha ko na lang saka mabilis na ipinasok sa microwave para painitin. Kakainin ko iyon pagkatapos kumain ng kanin o 'di kaya ay mamaya kung ma-trip-an kong manood ng movies. Pagkatapos kumain ay dumiretso ako sa kwarto bitbit ang bagong init na spaghetti. Tinikman ko ito kanina at mukha namang hindi pa sira kaya kakainin ko na. Kung hahayaan kog masira lang, sayang. Hindi bale na kung sumakit ang tiyan ko atleast, hindi nasayang ang pagkain. Inilapag ko iyon sa study table ko na katapan lang ng malaking bintana ng aking kwarto bago lumapit sa kama kung saan nakapatong ang laptop na ginamit ko kagabi. Alas nuwebe na ng gabi nang matapos ako sa panonood ngunit kahit kaunting antok ay wala pa akong nararamdaman. Ito na nga ba ang sinasabi ko, napahaba ang tulog ko kanina kaya naman siguradong madaing araw na akong makakatulog nito. O baka hindi na lang ako matulog. I played games, watch tv series, reity shows, read a book, ngunit talagang walang antok na dumarating. Nang mag-eleven na ay nagpasya akong bumalik sa study table ko na ginagawa ko lang namang tambayan at hindi para mag-aral, saka kinuha ang sketchpad kong kulang na lang ay agiwin dahil hindi nagagalaw. Sa pagbukas ay bumungad sa akin ang isang simpleng sketch ko. May tatlong tao roon, dalawang babae at sa kaliwang banda ay isang lalaki. Magkakahawak kamay ang tatlo at masayang nakangiti sa isa't isa na pawang walang problema. Sa ibabang parte ng draawing ay may maliit akong pirma roon at ang date na nakasulat ay two years ago pa, araw ng pasko. Hindi ko na maalala na iginuhit ko ito noon ngunit ngayong nakita ko ulit ito, tila nagbalik bigla ang alaala nang kung anong nararamdaman ko noong iginuguhit ko pa lang ito. I can clearly remember what my christmas that year is. Malungkot at malamig na pasko iyon. Hindi ako tinawagan ni daddy para batiin gaya nang nakagawian at kinagabihan, bago matapos ang mismong araw ng pasko, nalaman ko na buntis nag bagong asawa ni daddy. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o matutuwa dahil may bagong kapatid na ako. Natakot ako noong nalaman ko iyon dahil alam kong wala na akong magagawa kundi tanggapin na may kahati na ako sa oras ni daddy. Well, wala na rin naman siyang ors kahit noong wala pa siyang bagong baby kaso, piramdam ko ay lalo siyang mawawalan ng oras sa akin ngayon. Tipong mag ne-negative zero attention na, ganoon. Bawat araw na dumadaan ay para akong napapraning dito sa bahay. Hindi ako gaanonglumalabas dahil inaasar lang ako ng mga bata, hindi pa nakakalimutan ang pagkakadapa ko. Para tuloy nagsisisi akong suspension ang hiningi ko. Sana pala ay pumayag na ko sa community service edi sana, hindi ganito ka-boring. Hindi ko na rin maasar si Aling Marta dahil hindi kami nagpapang-abot. Wala siya sa kanilang tindahan tuwing lumalabas ako kaya malungkot tuloy ang buhay ko. Sa sobrang inip ay hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin ang baby ni daddy. Dalawang taon na yata ang bata at hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Hindi siya isinasama ni daddy tuwing nagkikita kami noong mga nakaraang buwan sa kabila ng mga pangako niyang ipapakilala niya ako sa kapatid ko. Hula ko ay hindi pumapayag ang kaniyang asawa kaya hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilala ang bata. Ayos lang dahil hindi ko pa rin naman sigurado kung gusto ko nga bang makita ang batang iyon. Alam ko namang hindi ko dapat siya isali sa inis ko dahil malay ba niyang sa ganitong pamilya siya ipanganak pero...hindi ko kasi maiwasan. Biyernes ng haapon, maag-isa akong nakatunganga sa sala, nakaharap sa tv'ng kanina pa nakabukas pero wala naman akong maintindihan sa palabas. Hawak ko ang cellphone at panay ang titig sa numero ni daddy. Kagabi ay napanaginipan ko siya, may nangyari 'di umanong masama sa kaniya kaya ngayon ay gusto ko sana siyang tawagan kaso, natatakot ako. Sa aming dalawa, palaging siya ang unang tumatawag o nagte-text sa akin. Bilang lang sa daliri ko ang mga panahong ako ang unang nag reach out sa kaniya sa kadahilanang naiilang ako. Hindi ko alam kung paano at ano ang mga dapat kong sabihin sa tuwing gusto kong ako ang unang mag-aproach sa kaniya. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng aking kamay habang pinakikinggan ang maingay na pag-ring ng aking cellphone. I can see "ringing" flasing on my screen, just underneath the name and phone number of my father. Kung tutuusin ay wala naman akong dapat na ikakab dahil tatay ko naman siya at hindi naman siya malupit sa akin pero ewan ko ba. Hindi ako komportable. Nanlaki ang mga mata ko nang maputol ang pag ri-ring at napalitan ng isang masungit na "hello?". Boses iyon ng bagong asawa ni daddy...well, hindi asawa dahil si mommy naman talaga ang asawa niya pero...ewan ko, ang gulo! "Tita, si daddy po?" I tried my best to hide my nervousness. Ayokong mapansin niya sa boses niya ang kaba ko at baka lalo lang siyang magsungit. "Who's this? Sinong dadd ang hinahanap mo? Wrong number ka." Bago pa man ako makapagsalita ay narinig ko na lang ang sunod-sunod na tunog ng naputol na tawag. What was that? I tried calling them again pero hindi ko na ma-contact. It looks like she already blocked my number. The hell? Inakala ba niyang na-wrong number ako o sinasadya nyang magpanggap na hindi niya kilala ang numero ko? She's eveil and I'm pretty sure na kayang-kaya niyang gawin iyon. Inabot na lang ulit ng lunes, araw ng pagbabalik ko sa eskuwela, ay hindi ko parin matawagan si daddy. Hindi rin nman siya nag text o tumawag man lang sa akin. I kept on calling him every morning at every night bago matulog pero talaga yatang ni-block ni Tita ang numero ko. I even asked my mom kung may iba pa ba siyang number ni daddy pero pang-i-ignora lang ang inabot ko. I tried to ask permission kung pwede ko bang puntahan si daddy but she did not dare to answer me. "Baka naman hindi sinasadyang na-block ka? Try to message him kaya sa socmed?" Inilingan ko si Mika. Kanina ay ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari at hanggang ngayon, hindi siya maka-move on. She kept on giving me encourageents or ideas on how I can contact my dad again. Kahit noong uwian na ay hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iisip ng paraan. She even suggested na magpapaalam siya kay mommy na gagala kami but we'll go to my dad's place instead. Hindi ako pumayag dahil mananatili ang desisyon kong gagawa ako ng mga kalokohan pero never kong idadamay si Mika. She's too good para madamay sa mga kalokohan ko. Palabas na sana ako ng gate nang humarag ang tatlong lalaki sa harap ko. Mahigpit kong hinawakan ang stap ng backpack ko at matalim silang tinitigan. Sa kanilang likuran ay biglang sumulpot si Leosa na masama rin ang tingin sa akin. "Ano na namang trip mo, leon na walang pangil?" "Brat," she said, looking so, so mad. "Gaganti lang naman ako sa lahat ng ginawa mo sa akin, lalong lalo na 'yung pagpapainom mo ng alak!" "Malay ko bang ganoon ka katanga para hindi amn lang maamoy na alak iyon. At ininom mo talaga kahit hindi ka sigurado kung kay Ronnie nga ba galing iyon." Nagulat ako nang bigla akong itulak ng isa sa mga lalaking kasama ni Leosa dahilan ng biglaang pagkakabagsak at pagkakadiin ko sa kamay ko. Ramdam ko ang biglaang hapdi nito na unti-unting lumalala habang tumatagal. Hinwakan ko iyon gamit ang isang kamay. Kitang-kita ang pamumula nito. Leche, nabalian pa yata ako! Isang masamang tingin ang ipinukol ko na agad ding napalitan ng impit na sigaw nang bahagya iyong sipain ni Leosa. Leche.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD