Nasa backseat ako ng sasakyan, nakatingin kay Sebastian na tahimik lang na nagda-drive. Katabi niya si mama na tahimik lang din at hindi ko alam kung nakatulog na ba sa pagod o sadyang pinili lang niyang ‘wag magsalita. Awkward. Everything is so awkward. Pakiramdam ko’y masasakal ako sa bigat ng hangin sa paligid naming tatlo. Idagdag mo pa ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko gaya ng: ‘natatandaan niya kaya ako?’ This isn’t the homecoming I imagined. Akala ko’y magiging maayos ang pag-uwi ko at ang pagkikita namin ng lalaking mapapangasawa ni mama, pero malayong-malayo sa inaasahan ko ang nangyari. Or baka ako lang talaga ang nag-iisip? Baka sa kanila ay normal at maayos lang ang lahat, at ako lang itong nahihirapan at naaasiwa sa sitwasyon. “Tahnia...” Napaayos ako ng upo na

