Tahnia's Point of View Tulala akong nakatingin sa bintana habang pinagmamasdan ang papasikat na araw. Maluha-luha ako dahil sa hapdi ng aking mga mata dala ng sobrang kakulangan sa tulog. I don't even know kung umabot ba nang tatlong oras ang tulog ko. That dàmned Sebastian kept me awake for hours. Ano ba talagang iniisip niya? Why would he even do that to me—kiss me even after knowing I am his future wife's daughter? Sabog ba siya? Napabuga na lang ako ng hangin saka ako tuluyang bumangon sa kama at nagtungo sa banyo para maghilamos at maghanda. I'll leave today. I can't stay here any longer. Baka masiraan ako ng bait sa sobrang nerbyos at overthinking. Nang matapos ako ay ihahanda ko na sana ang mga gamit ko, pero biglang dumating si mama. "Anak, tara na't mag-umagahan. Nandoon n

