"Here are the files that you have to work on." Ibinagsak ni Sebastian ang napakakapal na pile ng mga papel sa gilid ng mesa ko. "You need to sort this chronologically, and decide what documents should be signed first," dagdag niya pa. "You think you can do it?" "Yes, gov," tipid na sagot ko sa kanya saka sinipat ang mga papel na inilapag niya. "Good. I need them by 5:00 PM," aniya saka siya bumalik sa desk niya at itinuloy ang ginagawa. Napatingin ako sa kanya. If there's one thing that surprised me for the past few hours of working in his office, that would be seeing him do his work seriously. Akala ko balasubas siyang tao, but he's taking his work seriously. Kanina pa siya nakadukdok sa desk niya at binabasa ang mga dokumentong nakapatong sa mesa niya. Nakatupi ang sleeves ng puting

