Olivia Pov.
Tumulong ako kay Ate Mari sa pagbibilang ng mga Pagkain na mayroon kami. Ako ang naglilista ng mga expiration date at si Ate ang nagbibilang. Napansin ko sina Ate Lian at Kuya Dale na nag uusap. Hindi ko nga lang marinig kong ano ang pinag uusapan nila dahil malayo sila saamin.
Napatingin naman ako kay Kuya Rex na nakatingin kay Ate Lian. Lumapit ako kay Ate Mari.
"Uhmm, Ate Mari.." bulong ko.
"Oh? Bakit?" Ani niya habang nagbibilang.
"Ano po ang relasyon nina Kuya Rex at Ate Lian?" Lumingon muna siya kina Ate at Kuya bago tumingin sakin.
"Ahh sila ba? May ex sila.." ani niya.
"Talaga po? Bakit sila naghiwalay?" Takang tanong ko.
"Hindi ko makwekwento sayo dahil mahabang storya iyon. Bakit kaba interesado?" Ani niya.
"Wala lang po. Minsan kasi iba kung tumingin si Kuya Rex at Lian. Siguro may gusto parin siya kay ate." Ani ko.
"Well, hindi naman natin malalalam yun hanggang sa hindi pa nagsasalita si Rex. Pero alam ko parang bagay tong Kuya mo kay Lian." Ani niya. Tumingin ako sa dalawang nag uusap.
Hmm, bagay nga siya. Maganda at Mabait si Ate Lian parang gusto korin siyang maging Sister in Law. Pero depende naman yun kay kuya.
Hindi kami nabagot sa ginagawa namin ni Ate Mari dahil nag kwekwentuhan kami habang gumagawa ng mga gawain. Hanggang sa napunta samin ni Alex ang Usapan.
"Matagal na po kaming magkaibigan. Magkaibigan rin kasi ang mga magulang namin at magkalapit lang ang mga bahay namin kaya close kami." Ani ko.
"Eh, mukhang matalino naman itong si Alex tapos Gwapo at Mabait pa. Wala bang pagkakataon na nagkakagusto ka sa kanya? Sabi mo nga matagal na kayong magkaibigan."
"Sa ngayon po, Magkaibigan po talaga kami Ate-"
"Sa ngayon? So may chance ba na magbago yun?" Ani niya at ngumisi.
"Hay naku Ate, tumigil ka dyan" ani ko.
.
.
.
"Ibigsabihin, kailangan natin dumaan dito sa Court ng Barangay para makadating agad dun?" Ani ni kuya Rex.
"Oo, dyan kami dumaan. Mas mapapabilis ang pagdating natin doon kung dyan tayo dadaan" sabi ko Kuya Dale.
"Hindi ba delikado? Baka may makasunod satin papunta ng military Base?" Ani ni Kuya Gio.
"May Dalawang Gate ang Court, yung isa ay yung papasukan natin at yung pangalawa ay ang lalabasan namin. Haharangan muna natin ang Pinasukan natin na Gate at Gayundin ang Nilabasan natin para hindi sila maka sunod satin." Ani ni Kuya Mark.
"Wala masyadong nagbabantay sa Likod ng Military Base kaya pwede tayong Pumasok doon" sabi ni Kuya Carl.
"Permission to Speak po" ani ko at tinaan ang kamay ko.
"Sure, Liv" sabi ni Kuya.
"Pero bakit pa natin kailangan pumuslit? Pwede naman tayong dumaan sa main door. Tutulungan naman siguro tayo ng mga Sundalo."
"Noon, nung hindi pa malala ang sitwasyon ay hinahayaan mag labas-pasok ang mga sibilyan. Pero ngayon ay hindi na ganun ka dali. Susuriin pa ng Maayos ang Bawat Tao. Kung sakaling Infected na ito o hindi" paliwanag ni Kuya Dale.
"Wala naman pong Infected satin dito, Alam naman natin na Safe tayong lahat. Makakapasok rin naman tayo" ani ni Mike.
"Yes makakapasok nga tayo. Pero kapag nalaman nila kung saan tayo galing. Mag Co- Conclude sila na infected na tayo. Hindi tayo madaling makakapasok. Kung may makakapasok nga satin for sure ay may ma iiwan rin sa atin, and i think ayaw naman nating mangyari yun." Ani ni niya.
"Pagpasok natin, ano na ang plano natin?" Tanong ni Ate Mari.
"Bago kami umalis, narinig ko na nagpaplano sila na dalhin ang mga survivors sa mga America upang doon muna pansamantala. May darating na mga Helecopter galing doon kung saan sasakay ang lahat. Pagdating natin doon ay susubukan kong kausapin ang isa kong katrabaho upang mapasama tayong lahat" paliwanag ni kuya.
Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako dito. Hindi ko mapigilan na mapaisip sa maaring mangyari saamin. Lumayo muna ako at umupo sa sulok.
"Okay kalang?" Ani ni Alex at umupo sa tabi ko.
"Yes, I'm Fine. Medjo natatakot lang ako" alam ko naman na lahat kami natatakot.
"Don't worry, Magiging maayos rin ang lahat. Magtiwala lang tayo sa Kuya mo ha" ani niya. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya.
.
.
Shelly Pov.
Napatingin ako kina Alex at Olivia na nag uusap. Nakakatuwa lang silang Tignan. Bumuntong Hininga ako at napatingin sa Labas.
Tsk, di ko man lang napatapos ang Ang Sweet Home. Ano na kaya ang nangyari sa mga yun.
"Ang lalim naman nun.." napatingin ako kay Mike. Tama nga si Olivia, Babalik nga si Mike.
"Oh" tipid kong sabi.
"Ang cute nilang tignan noh" ani niya at napatingin kina Alex at Olivia.
"Yeah, I like how they protect and help each other" ani ko.
"I'm here naman kaya to Protect and Help you ah" ani niya.
"Nagawa mo ngang magpaiwan noon. How can you protect me if lagi mong sinasakripisyo ang sarili mo." Ani ko.
"Shelly, Sometimes we need to Sacrifice to Protect others. Yet, I'm still alive. Don't be upset.." ani niya.
"Pero, wag mo na ulit yun gagawin. You need to survive also, Mike. Sometimes, we need to be selfish to protect our self also."
"I'm Sorry, Okay?" Tiningnan niya ako kaya nahiya tuloy ako. Naramdaman ko na namumula ang pisngi ko.
'I think I'm falling deeper than you, Mike.'