Olivia Pov. Dalawang Oras na ng umalis sina Kuya Dale. Hahanapin daw nila ang Lab, may nakita rin naman sila na Parang map na maaring magturo sa kanila kung saan iyon. Pupunta ako ngayon ay Kuya Carl para linisin ang sugat niya. Tinuruan ako ni Ate Lian kung paano to gawin. Siya kasi ang gumagawa nito nang andito pa siya. Nalaman rin namin na Dati pala siyang Nurse. Dala ang Medicine Kit ay pumasok na ako sa Tent kung saan si Kuya Carl. "Hello, po Kuya. Lilinisin kolang po ang sugat mo" ani ko. Nilapag ko sa sahig ang kit na dala ko at tinaas ang pants sa Binti niya. Unti unti kong tinanggal ang Bandage at nakita ko ang sugat niya. Pinahiran ko nang malinis ni Guaze ang Sugat niya. Pagkatapos ko linisan ang sugat niya ay binalot kona ulit ito ng malinis na bandage. Pinakain ko narin s

