TAOZ- 8

1065 Words
Olivia Pov. "A-anong Nangyayari?" Ani ni Nika at mahigpit na kumapit sa kamay ko. "Tignan natin sa labas" ani ni Shelly. "H-hoy, wag na Shelly.." -Nika. "Wag ka ngang duwag diyan, Diyan kalang kong ayaw mo. Tsk." Ani niya at Dahan dahan na lumapit sa Gate. Sumunod naman kami sa likod niya. Binuksan namin ng kaunti ang Gate at nakita namin na sobrang g**o sa labas. "Bitiwan mo ako!" "Tumabi kayo!" "Ryza! Tulungan mo ako!" "Tulong!" "Ahhhhhh!" Nagsisigawan ang lahat at marami nang duguan. "I-Isara mo ang pinto! May paparating Bilis!" Ani ni Nika. Lahat kami ay lumayo sa Pinto at pumunta sa gitna. "What the hell is happening?!" Ani ni Shelly. "Z-Zombies?" Ani ni Alex. "Hindi totoo ang mga Zombies, Alex. Kakapanood mo yan ng mga Series" ani ni Mike. "Eh ano ang tawag mo sa nangyayari sa labas? Ano yon ha? Nagmamahalan lang sila kaya sila nagkakagatan?!" Bago pa magmasuntokan ay pumagitna na ako. "Pwede ba, wala tayong oras ngayon para sa away niyo. Okay? Kailangan muna natin ngayong mag isip kong ano ang dapat nating gawin" ani ko. "T-Tama si Olivia, Ano na ang gagawin natin?" "Hindi ganun ka tibay ang Gate natin, Siguradong masisira yan sa dami nila. Kailangan natin makalabas dito bago pa makapasok sila dito" ani ko. "Pano naman tayo makakalabas dito? Makikipag patintero tayo sa mga yun?" Ani ni Shelly. "May isa pang pinto doon. May mga Baseball bat rin na naka tago dun para sa Baseball Team. Pwede nating gamitin yun para pang depensa" ani ko. *Zombies Growls* "L-liv, Kailangan na nating bilisan. Nasisira na nila ang Gate" lahat kami ay napatingin sa Gate at nasisira na nga. "Tara na!" Tumakbo kami sa maliit na kwarto sa sulok ng Gym. Mabuti nalang at hindi lock kaya napabilis lang ang pagpasok namin. Chineck narin namin kung may tao sa loob, pero wala. "I lock niyo ang Pinto" ani ni Alex. Chineck namin kung bukas ang pinto na lalabasan namin at bukas siya. Kumuha kami ng tag iisang Baseball bat at naglagay ng mga protection gear na nasa loob. May narinig kami na malakas na pagbagsak sa Gym. "Mukhang nasira na ang Gate..." ani ni shelly. "Okay, Maghanda na kayo.. lalabas na tayo" ani ko. "Ako ang magbabantay sa Unahan, Then ikaw Mike ang bahala sa likod" ani ni Alex. Tumango naman si Mike sign na okay sa kanya. "Slowly..." pabulong na ani ko. Binuksan namin ng dahan dahan ang pinto at tiningnan ang paligid. "Clear... Let's go" mahinang ani ni Alex. Nang nasa Hallway na kami ng Unang Floor ng Building ay may nakasalubong na kami na iilang zombies. "Oh my ghod! Ayan na sila!" Ani ni Nika. Lumapit Ko sa isang zombie at hinampas siya ng baseball bat. Ganun rin ang ginawa nina Alex at Mike. Patakbo kaming Umakyat sa Second Floor at may nakasalubong rin kaming mga zombies. Dali dali naming hinarangan sila ay pinanghahampas ng baseball bat. "Shelly! Mag hanap kayo ng ligtas na pagtataguan natin! Bilis!" Ani ni Alex. Tumakbo sina Shelly at Tiningnan ang mga classroom. "Mag ingat kayo! Baka makagat kayo!" Sigaw ni Mike. "Meron naba?!" Sigaw ko. "Dito! Bilis!" Ani ni Nika. "On three, okay?" Ani ni Mike. Tumango kami ni Alex at nag handa. "One...." Binuksan na nina Nika ang Pinto. "Two..." Tiningnan ko si Alex at sinenyasan na. "Three! Pasok bilis!" Sinipa ko ng malakas ang Zombie at Tumakbo papasok sa Classroom. "Gumawa tayo ng harang!" Pinagkukuha namin ang mga Upuan at pinag patong patong. Mabuti nalang at may Kurtina ang Classroom na napasukan namin at Gumagana pa ang Aircon. Lahat kami ay napa upo sa pagod. "Grabe, di ko inaasahan na ganun sila karami..." ani ni Alex. "Siguradong mas marami pa sila..." ni Mike. "What if may mga buhay pa sa labas?" Ani ko. "Sana naman mayroon" Tumahimik kami ng ilang minuto at binabawi ang lakas namin. "Cellphone... We need to call the police or others that we may help us" ani ni Shelly. Kinapa ko ang bulsa ko. "Nasa bag ko ang phone ko..." ani ko. Tiningnan naman ako ni shelly ng masama. "Me too.. iniiwan ko sa bag ko ang phone ko tuwing lalabas ako" ani ni Nika.. "Eto nalang ang gamitin natin" ani ni Alex at binigay sakin ang phone. "Susubukan kong tawagan si Kuya Dale" ani ko. Isang Sundalo si Kuya at minsan lang kong umuwi. ~Ring~Ring~ Naka ilang dial na kami pero walang sumasagot. "Bakit walang sumasagot?" Ani ni Shelly. "Baka Kumalat narin pati sa labas" ani ni Nika. Nakita naming kinuha narin ni Mike ang Phone niya at lumapit naman sa kanya si Shelly. "Oh, Wait.. May tumatawag" ani ni Alex. Lumapit kami ulit sa kanya at tumingin sa Phone screen. Mama Ang mama niya ang tumatawag sa kanya. "Hello? Alex?" Ani ng nasa kabilang linya. "Hello ma? Okay lang po ba kayo dyan?" "May pumuntang mga sundalo sa bahay at dinala kami sa parang military base ba to? Kasama mo ba si Olivia?" "Hello po Tita, si Olivia po ito" ani ko. "Liv, iha. Kasama ko dito ang mga magulang mo. Oh eto na" "Hello, Liv? Ano ba ang nangyayari ha? Asana kayo?" "Ma, Makinig kayo sakin ni Papa ha. Wag na Wag kayong aalis dyan. Okay? Si Kuya? Kasama niyo po ba siya?" "Hello? Liv? Hello?" "Hello, Ma? Andiyan po ba si kuya?" "Liv? Olivia? Hello?" Binigay ko kay Alex ang phone. "Hello? Tita?" "Liv, Dyan lang kayo ha! Magpapadala daw sila ng rescue para sa inyo. Sabihin mo rin kay Shelly na andito rin ang Mama niya kasama namin. Magtago lang kayo dyan. Okay? at yung kuya mo-" "Hello? Hello? Ma!" Hindi ko na narinig ang last na sasabihin ni mama dahil namatay na ang phone. Sinubukan ulit ni Alex na tumawag pero wala nang sumasagot. Wala narin signal ang phone niya. "Walang signal! Meron ba kayo?" Ani ni Shelly. "Nawala narin yung amin" ani ko. "Shhhh, Quiet" ani ni Alex at tumahimik naman kami. "Bakit?" Pabulong na ani ko. "Ang Baseball bat, Bilis" ani niya. Kinuha ko ang bat at binigay sa kanya. Unti unti kaming lumapit sa isang malit na kwarto. I think storage room ng Classroom nato. Maynaririnig kami na paghikbi sa loob. "W-wag na kayong lumapit..." natatakot na ani ni Nika. "Be careful, Alex" bulong ko sa kanya. "Umatras kayo, ako ang lalapit" ani niya. Unti unti siyang lumapit sa pinto at tinulak ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD