VV: 13

2366 Words
Chapter 13: Spark ANG BUONG akala ko of what I did to her ay aalis siya. Pero nanatili siya sa aking tabi matapos ko siyang tulungan. "Totoo ba talaga kayo?" bigla niyang tanong sa akin. Ang buong akala ko ay hindi na siya magsasalita. "Nakita mo naman kami hindi ba? Nakita mo yong sumalakay sa iyong bampira at tumulong sa atin," seryoso ang boses ko. Wala din ako sa mood ngayon. Ayokong makipagtalo sa kanya. Iniisip ko pa rin ang nangyari sa bahay. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap doon matapos akong umalis. " Ayos ka lang ba?" kumunot ang noo niya. "Oo, wala naman akong problema," pagsisinungaling ako. "Alam mo hindi ka magaling sa patago ng emosyon. Halatang-halata na nga tapos magsisinungaling ka pa. "Sorry," wika ko. "Alam mo, masarap sa pakiramdam kapag may nasasabihan ka ng iyong problema. Nagagawa mo itong maipalabas kahit hindi man nito nare-resulba." Napatitig ako sa kanya. Nakatingala lang siya sa kalangitan at animo'y may kung anong malalim na iniisip. "May problema ka rin ba?" Napatingin siya sa akin at tipid na ngumiti, "alam mo… ang problema ay kakambal na yan ng ating kasiyahan o ng ating pagkatao. Sa tuwing masaya tayo at pagkatapos no'n ay malulungkot naman." "Tama ka," Tumango akonsa kanya. "So tell me your problem. I am so much willing to hear you." "Hala? Hindi pa nga kita kilala masiyado, e. Baka ikalat mo pa ang problema ko." "Okey, I am Conal," ngumiti ako sa kanya sabay lahad ng aking kamay. "And you are?" "Ako si Margaux." Tinanggap nito ang aking kamay at may kung anong bultahe ng kuryente akong naramdaman. Mabilis ko iyong kinuha. "Ayos ka lang ba?" naningkit ang kanyang mga mata. "Hindi mo 'yon naramdaman?" "Ang alin? Wala naman akong naramdaman bukod sa malamig mong kamay." "May kuryente kasi akong naramdaman, e." "Naku, guni-guni mo lang' yon," napatawa si Margaux. "Anong guni-guni?" hindi ko alam ang salitang 'yon. "Guni-guni something naisip mo lang, imahinasyon." "Ahh, baka nga," ani ko nalang. Mas mabuti ayokong i-insist sa kanya ang kuryente. "So mauna kang magkuwento ng iyong problema," hindi ko alam kong utos ba iyon ni Margaux o simpleng statement lang. "Ako talaga? Ikaw na muna. Hindi ba lady's first." "Ikaw ang mauna, ako kaya ang unang nakaisip sa usaping problema. Ako, okay lang naman sa akin na wala akong pagsasabihan. Pero ikaw, sobrang bigat ng mukha mo. Namumugto pa iyang gilagid ng mga mata mo." Giit ni Margaux at wala talaga itong plano na maunang mag-kuwento. "Okay fine, alam mo naman na bampira ako at siyempre bampira din ang aking pamilya." "Oh no, mga bampira kayong lahat?" nanlaki ang kanyang mga mata. "Huwag kang maingay," napatingin ako sa paligid. Mukhang abala naman ang mga tao sa kani-kanilang ginagawa. "Sorry, nagulat lang talaga ako." "It's okay, wala iyong kaso sa akin," tipid akong ngumiti. "Sige na, ipagpatuloy mo na ang iyong kwento tungkol sa problema mo." Tumango ako kay Margaux, "nagsimula to kanina, e. Nang pumunta kami sa mundo ng mga diwata." "Diwata?" nanlaki na naman ang kanyang mga mata! Mabuti nalang talaga at mahina lang ang kanyang pagkakasabi. "Oo." "Sige, ipagpatuloy mo lang." Muli akong nagpatuloy sa aking pag-kuwento, "ayon sinabi ko sa kanila tapos nang may masabi ako tungkol sa mga athapos." "Athapos? Ano 'yon." "Katulad namin ay mga imortal silang tao. Kung saan namuhay rin ng mahabang panahon na kasabayan ng aking lahi." "Nakakapagtaka naman' yon. May mga ganoon palang mga nilalang?" Tumango ako, "alam mo, sobrang lawak ng mundo. At hindi mo alam kung sino pa ang namumuhay rito bukod sainyong mga tao o sa aming mga bampira, diwata, Athapos at taong lobo." "Taong lobo? Totoo din sila?" ngayon ay napalakas na ang kanyang boses. "Oo," mabilis kong tanong. "Hinaan mo ang boses mo." "Sorry, s**t… baka taong lobo ang tumulong sa akin kahapon." "Tumulong sa'yo?" "Oo, hindi naman kasi iyon aso kasi sobrang laki at halos nasa leeg ko na iyong likuran no'n." "Nasa panganib ka naman pala?" Tumango siya, "oo at mga kalahi mo na naman ang muntikang mambiktima sa akin. Mabuti nalang talaga at dumating iyong taong lobo. Kitang-kita ko mismo kung paano nito patayin ang dalawang evil vampire." May mga mabubuti palang taong lobo? Sabagay, hindi ko pa nakilala sila ng lubusan. Baka kagaya lang din sa amin na may mabuti at may masama. " Teka, magkwento ka na sa problema mo. Naku, nililihis mo pa ang ating usapan." "Ikaw naman kasi itong panay putol sa akin kaya hindi ko magawang maipagpatuloy ang aking sasabihin." "O siya, hindi na ako magsasalita. Makikinig na ako sa iyo. "Much better… nang sabihin ko sa kanila na gusto kong magsanay kasama ang aking kaibigan para matalo ang mga masasamang nilalang ay nagalit ang isa kong kapatid. Tapos ayon, nagpalabas ito ng kapangyarihan at napatilapon ako." "Sandali," napatitig siya sa aking dibdib. "Iyan bang dumi na iyan? Na parang bilog. Sa dibdib ka ba natamaan?" "O - oo." "Loko yata ang kapatid mong 'yon. Bakit ka niya nagawang saktan? Magkapatid kayo hindi ba? Paano nalang kung napatay ka?" "Easy, relax ka lang. Kaya nandito pa ako hindi ba kasi buhay ako?" may pagka-praning yata ang dalagang ito. "Sabagay, pasensya na, na carried away lang talaga ako." "Okey lang, kaya minsan naisip ko kung pamilya ko ba talaga sila?" "Naku, alam mo… huwag mong kwestyunin sila ng ganoon. Baka hindi lang talaga napigilan ng kapatid mo na saktan ka. Diba iyong mga bampira ay minsan mainitin ang mga ulo?" "Ha? Bakit mo naman nasabi 'yon?" "Iyon kasi ang mga nababasa ako sa mga novel. Tulad ni Edward Cullen, kilala mo' yon? Ang init ng ulo no'n nang nasa book 1 pa. Pero naglaon ay mabait din naman." "Hindi ko kilala si Edward Cullen, e." Napakamot ako sa aking batok. "fictional character siya right?" "Kaya nga novel hindi ba?" sarkastiko nitong wika at napatawa ng malakas. "Naku, pagpasensyahan mo ako. Minsan kasi bipolar akong tao kaya yon, ibaba ang weather ko." "Okey lang, mabuti at sinabi mo baka maisip ko na baliw ka na." "Grabe siya, ang harsh mo naman sa akin." "Joke lang," nagawa ko nang tumawa. "So saan ang plano mo ngayon? Uuwi ka ba?" "Hindi na muna, magpapalipas na muna ako ng oras." "So dito ka buong gabi?" "Parang ganoon na nga siguro," wala naman na akong pupuntahan, e. "Hindi ba kayo natutulog?" "Hindi… ayos lang sa amin kung wala kaming tulog. Huwag lang talaga kaming mauhaw o maubusan ng dugo." "Oy, alam ko iyong blood thing na 'yan. Hindi ba iyan' yong iniinom ninyo kasabay ng mga prutas, kanin at iba pa. Hindi kayo umiinom ng tubig." "Medyo tama ka ngunit may malaking mali saiyong sinabi." "Ha? Alin naman doon?" naningkit ang mga mata ni Margaux. "Dugo lang talaga, hindi kami kumakain ng mga solids or any liquid bukod sa dugo ng tao o mga hayop." "Eww, nakakadiri naman 'yong dugo ng hayop." "Hindi ka mandidiri kapag bampira ka na. Sobrang sarap ng dugo." Napalunok ng laway si Margaux. Nandidiri talaga ito sa aking sinabi. I can't blame her. Tao siya at bampira ako. Alam ko kung ano ang pakiramdam at wala naman siyang alam. "Alam mo, nakakarami ka na sa akin. Ikaw naman ngayon ang magkuwento." "Naku, ayos na ako. Hindi na natin iyong pag-uusapan kasi maliit lang naman na bagay." "Maliit man o malaki kailangan pa rin iyon pag-usapan. Kasi iyang maliit na problema kapag pinabayaan tutubo 'yan." "Sabagay, may point ka rin naman kahit papaano." "Yeah,kaya huwag kang mahiyang sabihin sa akin ang problema mo. Ako nga, e. Wala na akong sekreto sayo." "Ay sos, pinapa-guilty mo ako, ha." "Hindi naman pero parang ganoon na nga." Malutong kong tinawanan si Margaux. "Ganito kasi 'yon. Kasi di' ba, sinabi ko saiyo a while ago na may dalawang evil vampires na umambang sa akin. Tapos may taong lobo na dumating para sagipin ako. Sa aking takot ay hindi na ako pumasok sa aking trabaho kaya nang pumasok ako kanina ay tinanggal na pala ako." "Iyon lang?" naitaas ko ang aking kilay. "Hindi dapat iyon ginawa ng amo mo. Dapat kaltas lang iyon sa suweldo mo." "Kaya nga, e. Hindi na maki-usapan kasi pinagseselosan ako ng bruhang 'yon." "Pinagseselosan? Bakit naman?" "Iyong kasamahan ko kasi ay boyfriend niya. Tapos nahuhuli kaming nagtatawanan at nagkwe-kwentuhan lang tapos ayon. Selos na selos ang bruha. Naghanap lang pala ng butas para tuluyan akong mapatanggal." "Gusto mo puntahan natin?" "Ha? Ano naman ang gagawin mo do'n? Huwag na baka magkagulo pa." "Sigurado ka? Paano ang work mo?" "Hindi ko nga rin alam, e. Iwan ko ba, kung saka pa ako nagpa-enroll ay doon pa ako nawalan ng trabaho." "Ano ba kasi trabaho mo?" "Taga-luto lang sa karenderya. Minsan suma-sideline ako ng labandera, taga-linis ng bahay at kahit ano basta desenting trabaho lang. Gusto ko kasing makapagtapos, e." "Saan ang mga magulang mo? Hindi ba dapat ay sila ang nagpapaaral sa'yo." "Nasa probinsya sila, e. Matatanda na rin kaya nakikipagsapalaran ako rito para may pambili ng kanilang gamot and at the same time mapapaaral ko ang aking sarili. Baka may kilala kang naghahanap ng kasambahay o part time." "Wala, e." "Please," bigla siyang napahawak sa aking kamay. "Sige." "May kakilala ka?" "Oo, sumama ka sa akin." Tumayo ako sa aming inuupuan. Napatingin ako nang nakaupo pa si Margaux. "Akala ko ba kailangan mo ng trabaho?" "Teka, baka iba ang work na iyan, ha? Diyos ko, hindi pa ako handang isuko ang bataan." "Haist, huwag kang assuming," hinila ko siya at dinala sa aking kotse. "Saan ka nakatira?" tanong ko nang masuot na namin ang seatbelt. "Bakit mo tinatanong?" "Mahal kasi ang pambayad ng hotel o motel. Kaya sa inyo nalang tayo." "Ha?" nanlaki ang mga mata niya at kasabay noon ay ang pamumula ng kanyang pisngi. Napalunok ako ng laway. It teasing me. "Sira ka ba? Hindi ko ibibigay ko katawan ko sayo kahit na pogi ka." Hindi ko alam ngunit napatawa ako sa sinabi niyang iyon. Sobrang lakas ng tawa ko at sumakit pa ang aking tiyan. "Bakit ka tumatawa?" "Saan nga ang bahay mo?" "Hindi ko nga ibibigay pagkakababae ko sa'yo." "Edi, dito nalang tayo sa kotse ko." "Ha? Bwesit ka! Ang bastos mong bampira!" ngayon ay galit na galit sa akin si Margaux ngunit napatawa lang ako! "Baliw!" Napahinto akong tawa, "saan ka nga nakatira. Kunin mo lahat ang iyong mga gamit dahil doon ka na titira sa bago mong work. Hindi ba kailangan mo ng trabaho?" "Ayy, hindi pala s*x ang ibig mong sabihin?" "Hindi, kaya natatawa ako sa'yo, e." "Nakainis ka!" hinampas niya ako sa braso dahilan para napatawa na naman ako. Nang ibigay ni Margaux ang address ng kanyang tinitirhan ay kaagad akong naawa sa kanya. Nasa squatter pala ito at nag ri-renta lang. Susunod sana ako papasok ngunit hindi na niya ako hinayaan kasi marami raw tsismosa. Isang oras din akong naghintay sa kanya. Nang makalapit siya sa akin ay isang maleta at bag lang ang dala nito. "Iyan lang lahat ang gamit mo?" tanong ko sa kanya. "Oo, ito na lahat." "Akala ko naman marami kang gamit. Isang oras kitang hinintay." "Kailangan ko pa kasing magpaliwanag sa kanila. Tapos madaling araw na kaya kailangan ko pang gisingin ang mga tao sa loob ng squatter apartment. "Okay, tayo na." Kinuha ko ang kanyang maleta at inilagay iyon sa trunk ng kotse. Kaagad na rin kaming umalis at kaagad na dumating sa aming pinuntahan. "Dito ka nakatira?" nanlaki ang mga mata ni Margaux. "No," sagot ko sa kanya at bumaba na kami. Ako na ang nagkusang magdala sa kanyang gamit. Sobrang laki ng gate kaya kailangan ko pang mag-doorbell. "Ahhhh! Putek!" gulat na gulat si Margaux nang biglang lumitaw si Marfire. "What the… ang sakit sa tenga," reklamo ni Marfire. "Sorry, nagulat lang talaga kasi ako, e." "Teka, hindi naman kaya matatanan hindi ba?" nag palipat-lipat ito ng tingin sa amin. "I'm just helping here. Papasukin mo muna kami," ani ko. "Sa loob tayo," aniya at naglaho si Marfire. Hinawakan ko si Margaux at mabilis kaming naglaho dalawa. Napunta kami sa loob ng malaking bahay. Nang bitawan ko si Margaux at muntikan na itong matumba. "Bwesit, nakakahilo yon ha?" Naiinis niya akong tiningnan. "Sorry, iyon lang ang madaling paraan." "Sa susunod ay ipaalam mo sa akin. Hindi iyong humahawak ka nalang bigla." "Yes po, madam." "Teka nga, ano ba kasi ang ginagawa ninyong dalawa rito?" Hinila ko si Marfire at napunta kami sa isang sulok habang si Margaux ay naningkit lang ang mga mata nitong nakatingin sa amin. "She's a human." "Alam ko, naamoy ko ang mabango niyang dugo, Conal." "Kailangan niya ng work para sa kanyang family at sa kanyang pag-aaral." "At tapos?" "Ikaw ang naisip ko. Tutal ikaw lang naman ang mag-isa rito." "Dude, woohhh? Wait, hindi puwede, may mga girls na nagpupunta rito minsan you know I'm a man." "Please, para sa akin lang Marfire. Naaawa ako sa kanya at alam naman niya ang tungkol sa atin, e. At isa pa, muli na naman siyang bibiktimahin sana ng mga bampira." "What? Totoo ba iyang sinasabi mo?" "Yes," tumango ako kahit hindi sigurado. Basta, naniniwala ako kay Margaux. "We need to help Margaux for her safety." "Conal?" "Don't worry, I'll be staying here too." "What? Hindi orphanage ang bahay ko." "Okey, pansamantala ay dito na muna kaming dalawa. Maghahanap ako ng bahay for us." "So magtatanan nga kayong dalawa?" Tumango lang ako bilang sagot. Mas mainam na hindi alam ni Marfire na may nangyari sa bahay. Lalo pa't si Marfire ang kasama ko sa pagsasanay. "Fine, hanggang bukas lang kayo ng hapon dito. It means, you need to leave by tomorrow." "That's fine then, tulungan mo akong humanap ng bahay ngayon." "Are you crazy, Conal? Sino ang ang gising na tao ngayon sa ganitong oras? Do you really love her? Kamakailan lang siya nakilala right?" "Love has no time and date. It comes in an unexpected way." "Okay, ikaw na ang in love. Pero bukas ng umaga nalang kita sasamahan. Now? no, for Pete's seek. Walang gising ngayon." "That's fine then."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD