VV: 20

2417 Words

Chapter 20: Agreement NAKATINGIN lang si Conal sa kanyang ina at kay Margaux habang masayang nag-uusap ang mga ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakuha nito ang loob ng kanyang ina. Hindi naman sa mahirap kunin ang tiwala nito ngunit hangang-hanga siya dahil walang kahirap-hirap nitong napangiti ang ina. Habang abala ang mga ito at napansin niya ang kanyang tatlong kapatid na panay lang ang tingin sa dalaga. Nababasa niya ang iniisip ng tatlo. Medyo iritado ang mga ito sa taglay na kaingayan ni Margaux. Lihim siyang natuwa. Iyon ang gusto niyang mangyari, ang mainis ang mga ito. “Conal,” baling ng kanyang ama. Seryoso itong tumingin, “talagang bang sigurado ka na dito ka na titira?” “Yes Pa, dito na po ako titira kasama si Margaux.” “Alam mo naman hindi ba kung gaano kapanganib s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD