Chapter 33: Sudden Change HINDI mapakali si Margaux habang naghihintay na siya kay Drake. Sabay silang papasok ngayon sa eskwela at ngyon din ang unang pasok ni Teejay sa Winston University. “Okay ka lang ba ate? Hindi ka mapakali, ah?” tanong ng kapatid sa kanya. “Ayos lang naman ako. Excited lang ako na pumasok sa University ngayon.” “Dahil ba kay Kuya Conal?” “Hindi naman,” mabilis niyang sagot. Ngunit sa puso ni Margaux ay isa din ang binata na kanyang gustong makita. “Ang tahimik pala dito, ate no?” “Oo?” hindi siya sigurado. “Bakit mo naman nasabi iyon?” “Kasi ang mga taong lobo ay umiiwas sa atin. Si Kuya Drake at mga kasambahay na taong lobo lang naman ang kumakausap sa atin rito.” “Hayaan mo na sila, Teejay. Mukhang naninibago lang ang mga ito dahil walang mag-aakalang

