Nakauwi ako sa bahay exactly 7 pm ng gabi at parang binugbog ang katawan ko. After what happened sa shop kanina, bumalik din naman sa dati ang lahat. Nagpapasalamat ako kay Sebastian dahil sa pangalawang pagkakataon, tinulungan niya ulit ako laban kay Liezel. Pagkapasok ko sa bahay, nagpunta na 'ko agad sa kwarto ko. Naupo ako agad sa kama at napatingin sa kabuuan ng room ko. Kahit apat na araw lang akong nag-stay sa orphanage, namiss ko na agad ang kwarto ko do'n. Naalala ko bigla ang teddy bear na bigay ni Sebastian. Kinuha ko naman ito sa loob ng paper bag at tinitigan. Nagkaroon na ako nito noon pero hindi ko maalala kung sino ang nagbigay at kung saan na 'yon ngayon. Kailangan kong hanapin 'yon, sigurado ako na nandito lang 'yun sa bahay. Agad naman akong napatayo at pupunta na

