Chapter 62

1161 Words

VIENNA'S POV Ito na dapat ang araw kung saan makakasama ko siyang kumanta pero hindi na mangyayari. Ang oportunidad na para sa'kin ay mapupunta sa iba at wala na akong magagawa para baguhin 'yon. Nakalabas na ako ng ospital at nakauwi na rin ako sa bahay pero iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Sebastian kahapon. At hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Pero wala na akong magagawa—susundin ko ang inutos niya kahit na ang hirap para sa'kin na gawin 'yon. Maayos na rin naman ang pakiramdam ko, hindi na mas'yadong masakit ang likod ko pero nakakaramdam pa rin ako ng kaunting pagkahilo. Habilin ng doktor magpahinga ako pero ayoko ng mag-stay ng matagal dito sa kwarto ko. Gusto kong lumabas at pumunta sa university. "Maam Vienna.." Napalingon ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD