Iniwan muna siya ni Mrs. Delgado. Siya naman ay tinapos na din ang almusal. Hindi na niya tinawag si Mrs. Delgado. para magligpit ng mga pinagkainan. Siya na ang nagligpit. Wala naman siyang ginagawa kaya siya na lang ang gumawa. Lumapit siya kela Mrs. Delgado na nag aasikaso ng hardin. "O, Natalie tapos ka na bang kumain?" "Tapos na po." "O siya ligpitin ko muna ang mga pinagkainan ninyo..." "Huwag na po. Naayos ko na po." Aniya. Nagulat si Mrs. Delgado. "Talaga, iha, niligpit mo?" "Opo. Naboboring kasi ako wala naman po akong magawa kaya niligpit ko na po. Baka meron po akong maitulong?" "Ito nagtatanggal kami ng mga damo. Medyo mahaba-haba na din ang mga ito." "Sige po tutulong po ako." ALAS Singko ng hapon ay kumakatok si Dane sa labas ng pintuan ng opisina ni Ilustre. Secr

