Lumaki ang mga mata ni Natalie sa sinabi ni Dane. Lalong naging mapanukso ang ngiti ni Dane. "Alam kong pinagpapantasyahan mo rin ako, Natalie," sabi niya ng may matalim na tinig. "Gusto mo pa ata kaming tuhugin ng lolo ko, ‘di ba?" Napatingin si Natalie kay Dane, ang mga mata ay bumangon mula sa mga papeles at nakaharap kay Dane na puno ng halong galit at pagkabigla. Ang mga salitang iyon ay parang mga patalim na tumusok sa kanyang dibdib. Hindi niya inaasahan na sasabihin ni Dane ang mga iyon, at hindi rin niya alam kung paano siya tutugon. May kasamang pang-aasar, at sa ilalim ng mga salitang iyon, naramdaman ni Natalie ang unti-unting pagdapo ng hiya at galit. Tumingin si Dane sa kanya ng may kasamang pagpapakita ng dominasyon. "I don't care what is your intention to marry my grand

