KINABUKASAN ay gumanda na din ang pakiramdam ni Natalie kaya maaga siyang pumasok. Pero medyo makirot pa rin bandang ibaba niya. Pero hindi naman ito hadlang upang hindi siya makapasok. Nagulat pa si Percy ng makita si Natalie. "O, Nat, bakit naandito ka, magaling ka na ba?" Nilapitan nito si Nathalie at sinalat ang noo nito. "Okay na ako. Huwag kang mag-alala. Nilagnat lang naman ako." "Sana bukas ka na pumasok. Dapat ipinahinga mo muna ang katawang lupa mo, no. Feeling wonder woman ka naman kasi." "Percy!" Parehong nagulat sina Natalie at Percy. "Ay! ......Sir PJ ikaw pala....Good morning po." Hinarap nilang dalawa ang Manager. May hawak itong Ipad.. Tumingin ito kay Natalie. Nag tama ang mga mata nila pero yumuko ng bahagya si Natalie. Tapos binaling ang tingin kay Percy. "Siya

