Nanatiling tahimik sa kwarto. Nakikiramdam si Natalie.
Tapos na ba?
Babangon na sana si Natalie ng biglang yumakap sa kanya ang lalaki.
Shit! Paano ako makaalis nito."
Naghintay muna siya ng ilang sandali. Napalingon siya sa lalaki at tinitigan niya mabuti ang mukha nito. Pinakikinggan niya ang hininga nito. Kung malalim na ang hininga ibig sabihin mahimbing na itong natutulog. Biglang may sumilay na konting liwanag mula sa bintana kaya nakita niya ang mukha ng lalaki.
Pinakatitigan niya ito ng mabuti. Napakagwapo nito. Napangiti siya.
Biglang ginalaw niya ang kanyang kamay at idinako ang daliri sa matangos na ilong ng lalaki.
Gusto na niyang umalis, pero parang may pumipigil sa kanya. Gusto niya ang pagyakap nito.
Pero hindi, kailangan na niyang umalis. Baka biglang may dumating. O, kaya yong sinasambit ng lalaking ito na Ilustre ang pangalan.
Naramdaman niyang parang lumuwag ang pagkayakap nito, unti unti niyang inalis ang kamay nito na nakaakap sa kanya.
Dahan dahan siya tumayo mula sa kama. Buti na lang at lumuwag na din ang sinturon na itinali sa kamay niya.
Pagkatanggal ng sinturon ay isa isa na niyang dinampot ang mga damit niya. At dali daling nag bihis.
Pagkabihis ay pinagmasdan niya muna ang lalaki. Wala sa isip niya nilapitan niya ito at ginawaran ng halik sa pisngi.
At lumabas na siya sa silid na iyon.
KINABUKASAN.
"Boss Dane,......." Niyugyog na ni PJ ang amo para magising dahil tanghali na at may importanteng meeting pa itong pupuntahan.
Napabalikwas na lang si Dane. Hubo't hubad pa rin ito. Pero sanay naman na si PJ ng ganitong sitwasyon. Minsan nga ay napapasukan pa niya sa loob ng silid ang amo na may katalik na babae.
"Okay ka lang ba? masama ba pakiramdam mo.?" Tanong ni PJ."Gusto mo pagtimpla na kita ng coffee."
Kinusot kusot ni Dane ang mata at kinuha ang kumot at itinakip sa maselang parte ng katawan niya.
"Saan si Ilustre?"
Nagtitimpla si PJ ng Coffee. "Pagdating ko wala ka namang katabi. Baka maagang umalis?" Tsaka iniabot sa amo ang kape.
Hinanap ni Dane ang cellphone.
"Pakihanap nga ng cellphone ko...wait parang iniwan ko ata sa bathroom".
Kaya pumunta naman ng bathroom si PJ para kunin ang cellphone ng amo. Nang makita ay bumalik agad at ibinigay agad rito.
Nakita niyang may dalawang missed call si Ilustre at may message ito sa kanya.
Kaya binasa niya agad ang message nito.
"Sweetheart, I am so sorry, I cannot make it tonight. Ang daming dumating na VIP's hindi ako makaalis dito sa club. Maybe some other time?😘"
Biglang sinakluban ng malamig na tubig si Dane.
"No!"
"Bakit anong nangyari?" Natapon ng konti ang kapeng iniinom ni PJ ng napasigaw ang amo.
"No! hindi dumating si Ilustre kagabi. E, sino ang babaeng pumasok dito sa kwarto ko?"
Naalala ni Dane ang sikip ng lagusan ng babae ng nakipagtalik ito. Bigla niyang hinawi ang kumot at nakita niyang may bahid ng dugo ang kama.
Parehong lumaki ang dalawang mata nila ni PJ ng makita ang dugo.
Pumalakpak si PJ at ngumiti. "Boss, congrats nakadali ka ng sariwa."
Binato niya ito ng unan. "Bweset ka!"
Tumayo na siya sa kama at pumunta ng bathroom. "Help me find this woman, PJ. or else....mababaliw ako...!"
Pumasok siya ng bathroom at naligo.
Shit!!! Binato niya ang sabon sa shower habang naliligo.
Naisip niya ang nangyari kagabi.
"Why I am so dense. ang tanga ko...!"
"I need to find her."