Sumilip muna siya sa bintana kung sino ang mga kumakatok. Ang dalawang body guard ni Don Danilo. Sina Milo at Choco. Pinagbuksan niya naman ang mga ito. Nagsalita si Milo. "Maam, ihahatid po namin kayo sa ospital para magpa-checkup." Baritono ang boses nito at seryoso. Inaya niya ang dalawa na pumasok muna sa kanyang apartment. Pero tumanggi ang dalawa. Sa labas na lang daw sila mag-aantay. Ayaw niya sanag magpa checkup kaso ay panay ang message sa kanya ng matanda. Pagkadating ng hospital ay may sumalubong na agad na doctor sa kanya. Nagpakilala itong si Dr. Levy...Private Doctor ni Don Danilo. Pagkatapos siyang macheckup ay binigyan naman siya kaagad ng doctor ng gamot para sa lagnat. Bumaba naman agad ang lagnat niya. Pero hindi niya sinabi na may masakit siyang nararamdaman.

