Chapter 2

333 Words
On my way to the hospital, one of the nurses called me. It’s Nurse Santos. She was the head nurse. “Doc Lei, may emergency operation po. Wala pong available na doctor ngayon,” sabi ni Nurse Santos, medyo kabado ang boses niya. “I’m on my way. Paki-update ako about sa pasyente, and make sure na ready na lahat bago ako dumating,” sagot ko, trying to stay calm kahit ramdam ko na ang pressure. “Doc, binaril po siya sa upper left abdomen. Marami na pong dugo ang nawala, pero nagta-transfuse na po kami ng blood ngayon.” Dere-deretsyong ani ni Nurse Santos. “Okay, malapit na ako. Just keep him breathing, do everything you can para stable siya hanggang makarating ako.” Pagkaparada ko sa hospital sa harap ng entrance door, mabilis akong bumaba ng kotse at binigay ang susi kay Manong Ramon. “Pakipark na lang po, emergency po ih. Salamat, Mang Ramon.” sabay takbo papasok. Muli, naramdaman ko na naman ang bigat ng bawat hakbang na aking ginagawa. Nasa punto na parang sinasalo ko na naman ang buhay ng isang pasyente. Pagdating ko sa ER, sinalubong ako ni Nurse Santos. “Nasa OR na po siya, naka-intubate na rin. Stable ang vitals pero critical pa rin.” “Okay, let’s do this.” Pumasok ako sa operation room. “Scalpel,” sabi ko habang nagsisimula na kaming mag-operate. Naka-focus ako sa sugat niya, kitang-kita ko kung gaano kalala ang tama ng bala. Habang tumutulo ang pawis ko sa ilong, hawak ko ang buhay ng pasyente sa mga kamay ko. “Retractor... Suction... Clamp…” Tahimik ang lahat, bawat galaw ko may kabuntot na pag-asa. After more than an hour, naramdaman ko ang gaan sa dibdib ko. “Okay, natanggal na ang bala. Bleeding is controlled. Suturing na tayo,” sabi ko, habang ramdam ko ang pagbalik ng konting kulay sa mukha ng pasyente. At that moment, I knew—another life was saved. At kahit pagod, sulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD