(DOCTOR FEM’S POV) NASUNDAN ko na lamang ng tingin si Black na ngayon ay papalayo sa akin. Napatingin din ako sa basong hawak ko. Ngunit ang aking dibdib ay nagpupuyos sa galit para sa babaeng 'yon. Gigil na gigil ako sa babaeng ‘yon sa totoo lang. Gusto ko na itong lasonin. Ang lakas ng loob niya na utusan ko. Tapos ngayon lamang may nagsaboy ng juice aking mukha. “Doctor Fem, ano pong nangyari sa mukha mo? Bakit po basang-basa?” nag-aalalang tanong sa akin ng kasambahay. “Dalhin mo sa kusina!” mariing utos ko. Sabay lagay ng baso sa kamay ng kasambahay. Hindi ko pinansin ang mga tanong nito sa akin. Dali-dali akong pumasok sa kwartong nakalaan sa akin. Parang sasabog ang aking dibdib dahil hindi ako nakaganti sa babaeng ‘yon. Pagpasok sa aking kwarto ay pabalik-balik tuloy ang lakad

