“Lumalabas talaga ang kulay ng isang tao kapag pera ang sadya. Noong pinaalis ko kayo sa aking bahay, simula noon ay hindi na anak ang turing ko sa inyo, Black!” Mariing sabi ng akinga Ama. Talagang lalong nadurong ang aking puso. “Ayos lang, hindi kayo kawalan sa aming magkakapatid. Saka, hindi ko kailangan ang pera ninyo. Malay ko ba kung saan galing ‘yan. Kahit mamalimos ako ay gagawin ko, ngunit hinding-hindi ako hihingi sa ‘yo kahit kailan!” mariing sabi ko. Napatingin naman ako sa pinto nang bumukas ‘yon at iniluwa si Jaya. Kitang-kita ko ang pagsingkit ng mga mata nito habang nakatingin sa akin. Kulang na lang ay sakmalin ako. “Ano’ng ginagawa mo rito? Sinong may sabi na welcome ka rito. Dahil sa ‘yo kaya napahamak si Kulas. Malas talaga kayo kapag nagpapakita sa amin---” Nakita

