Gusto kong humalakhak ng tawa dahil sa itsura ng mukha ng babaeng si Nores. Saka totoo naman ang aking sinabi na sabik ito sa lalaki. Handang magbayad ng tatlong milyon upang makuha si Apollo. “How dare you! Ang lakas ng loob mong sabihan ako nang kung ano-ano, sino ka ba sa akala mo? Isang babaeng kakapit sa mayamang lalaki upang makakuha ng pera!” mapang-uyam na anas ng babae sa akin. Ngunit bigla na naman akong napangiti. Pagkatapos ay muli akong tumingin sa babae. “Ganoon talaga ang buhay, ‘di ba nga sabi mo mahirap ako? Kaya naghahanap ako ng lalaking mag-aahon sa akin sa hirap. Utak lang ang aking gagamitin, Nores. Pasensiyahan na lang tayo kung hindi ko ibibigay sa ‘yo si Apollo. Aba! Mayroon na akong hawak na ginto, papakawalan ko pa ba? Sayang din ‘yon. Kung gusto mong makuha

