Sana ay magawa kong patamaan ng Lion na ‘yun. Ito na lang ang tanging paraan upang mailigtas ko ang mga madre rito. Pasimpleng umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Nakita kong nagkalat ang mga mananakop. Mahirap kumilos dito kapag maraming kalaban. Ang karayom ko lang na hawak ang pagagalawin ko. Hindi rin kasi ako basta kumilos nang basta-basta dahip maraming mapapahamak na mga madre. Kailangan kong mag-ingat sa mga galaw ko. Habang naglalakad ang dalawang madre na umiiyak papunta sa bulwagan ay mabilis kong pinitik ang dalawang karayom. Kitang-kita ko sa suot kong salamin na tuloy-tuloy na tumusok ang karayom sa katawan ng dalawang lion. Agad na nagwala ang dalawang lion. Tila hindi sila mapakali sa kulungan at para bang may masakit sa katawan. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng m

