Ngunit nakita kong may biglang bumaril sa mga taong bumabaril din sa akin. Hanggang sa bigla akong napalingon at nakita ang mga tauhan ni Apollong Eyeliner. Shock talaga ako. Hindi ko akalain na tutulungan ako ng lalaking ito kahit pangit ang aking itsura. Aba! May pusong mamon din pala ito. Maingat naman akong tumayo mula sa pagkakadapa ko sa lupa. Kailangan ko kasing umalis dito habang hindi pa ako nakikita ng mga tauhan ni Apollo. Kailangan kong baguhin ang aking anyo. Hindi kasi ako makakilos ng maayos kung ito ang aking itsura. Mabilis ang mga galaw ko at walang lingon-lingon na tumakbo papalayo sa mga nag-away na grupo. Ilang saglit pa’y tuluyan na akong nakarating sa aking bahay na inuupahan. Dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Mabilis akong pumunta sa loob ng banyo at

