Inis na inis akong tumingin kay Apollo. Lalo at patuloy na gumagapang ang kamay nito sa aking balat. SUBALIT nakita kong may dalawang mananakop ang nasa likuran ni Apollo. Mabilis ko tuloy inangat ang aking baril at basta ko na lang binaril ang dalawang mananakop. Tumaas ang kilay ko na tumingin kay Apollo at wala akong makapang takot sa mukha nito. Seryoso lamang itong nakatingin sa akin. Hanggang sa itutok ko ang baril kong hawak kay Apollo. Kitang-kita kong nagsalubong ang kilay nito. Hanggang sa kalabit ko ang gatilyo ngunit wala na pa lang bala. Isang malakas na suntok na lang sa mukha nito ang binigay ko. Agad kong hinila ang aking paa na agad nitong nabitawan. Nang tuluyan akong nakawala rito ay nagmamadali na akong umalis sa aking pwesto. Baka kasi bigla akong damdahin ng lalaki

