Hanggang sa mabilis itong lumapit sa akin. Ngunit agad kong kinuha ang aking kutsilyo at basta ko na lang tinarget ang leeg nito. Maliksi rin akong naglagay ng bala sa aking baril at sunod-sunod kong kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko para mamatay na ang mga mga Hanggang sa muli akong tumambling papunta sa isang mananakop. Nang makalapit ako sa likuran ng mananakop ay basta ko lang sinaksak ang leeg nito. Mayamaya pa’y tuloy-tuloy na bumagsak sa lupa ang aking kalaban. Ngunit mabilis akong umalis sa aking pwesto at mabilis na nagtago dahil nakita ko si Apollo. Hindi niya ako puwedeng makita. Kailangan kong umalis dito. Kaya naman nagmamadali na akong tumakbo papalayo. Hindi naman kalayuan ang bahay na inuupahan ko. Hingal na hingal tuloy akong makarating sa bahay na inuupahan k

