(NORES’S POV) Muli akong tumingin sa lalaki. May naisip kasi ako na dapat kong gagawin. Kung hindi ko makukuha ang lahat ng tungkol kay Black Lipstick ay papasundan ko na lang si Black Lipstick sa private detective na kaharap ko. Oras na malaman ko na kasapi siya ng grupong Firel Syndicate na sinusubaybay namin ni Apollo ay walang pagdadalawang isip na ipapakulong ko ito habang buhay upang masulo ko ang lalaking mahal ko. “Nagbago ang plano. Ang gusto ko ay sundan mo Black Lipstick kahit saan siya magpunta, alamin mo rin kung bakit nandito siya Hagarda.” Agad kong inabot sa lalaki ang sobre ba naglalaman ng pera. Hanggang sa umalis na rin. Ako naman ay hindi ka agad umalis. Nag-isip din ako. Sino ka ba talaga si Black Lipstick? Hindi ako makapaniwala sa 50 bilyong piso ang kailanga

