MATULING nagdaan ang mga araw at ngayon ay halos apat na araw na ang nakakalipas. At sa loob ng apat na araw na ‘yon ay hindi na kami nagkita ni Apollo. Wala na rin kasi itong paramdam sa akin at tuluyan na akong kinalimutan ng pesteng Eyeliner na 'yon. Pwes! Nakalimutan ko rin siya. Hayop siya! Panay tuloy ang paghinga ko ng malalim. Kasalukuyan akong nandito sa kalye habang nakaupo sa bangketa. Nakatingin ako sa mga taong nagdadaan at tila nagmamadali. Kahit na sabihin pang may problema ang lugar na ito ay mababakas pa rin sa mukha ng mga tao ang tuwa. Saka halos isang linggo na rin na walang kagaguhan na ginagawa ang grupong Firel Syndicate. Sana lang ay tuloy-tuloy na ang katahimikan dito sa Hagarda. Upang hindi na matakot ang mga tao rito. Dahil awang-awa na ako sa kanila. Ngunit ka

