Dali-dali tuloy akong lumabas ng kotse. Nag-aalala rin ako at baka may mga taong nadamay sa pagsabog na 'yon. Malalaki tuloy ang hakbang ko upang alamin kung saan galing sang pagsabog. Nakita ko ang isang babaeng nagtatakbo at para bang takot na takot ito. “Ano’ng pong mangyari?” tanong ko sa babae. “Ang sabi ay pinasabog daw ang mga kotseng nakatigil. Mabuti na nga at walang tao sa loob ng mga sasakyan. Walang makapagsabi kung sino ang may kagagawan!” anas ng babae. Agad ko namang hinawakan ang kamay ng babae. Baka kasi kung anong mangyari rito dahil sa takot na namamahay sa puso nito. “Relax lang po, saka mukhang naagapan naman po ang apoy,” anas ko sa matanda. Ngunit ang mga mata ko ay nakatingin sa lugar na kung saan nangyari ang pagsabog. Medyo nakahinga rin ako dahil walang na

