BIGLA kumunot ang aking noo nang mapansin ko ang maliit na wire na nandoon sa may leeg nito. Kailangan kong maputol ‘yon baka roon nanggagaling ang lakas nila. Agad akong naghanda sa pag-ataki. Ngunit bigla kong nahawakan ang aking noo na patuloy na nagdurugo. Dali-dali ko tuloy pinahid ang dugo sa aking noo. Kinuha ko rin ang panyo upang itali sa noo ko. Kailangan kong mag-ingat. Hindi ako papayag na muli nitong mahawakan. Tiyak na lalo akong manghihina oras na ibato nito. Isang buntonghininga na muna ang aking ginawa. Pagkatapos ay mabilis akong gumalaw papunta sa halimaw na aking kalaban. Nakita kong balak akong hawakan nito. Ngunit panay ang iwas ko. Pagkatapos ay maliksing umangat ang aking katawan sa ere. Agad akong dumaan sa uluhan nito. Maliksi ko ring kinuha ang aking kutsilyo

