Mariin kong ikinuyom isang kamay ko. Seryoso akong tumingin sa aking ama na walang kwente. “Kahit katiting na pagmamahal ba ay hindi mo kayang ibigay sa mga kapatid ko, kahit sa kanila lang sana?!” mariing tanong ko sa aking ama. Hindi ka agad nagsalita ang aking Ama. Parang nag-iisip pa ito kung ano’ng isasagot nito sa akin. Hanggang sa narinig ko ang buntonghininga nito. “Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo, Black. Anak lang kita. Wala kang karapatan na magtanong sa akin. Dapat nga magpasalamat ka sa akin dahil kung wala ako ay hindi kayo mabubuhay ng mga kapatid mo. Tapos ngayon ayaw mong sabihin sa akin kung na saan sila---!” galit ng aking Ama. Magkakasunod akong napailing. Wala talaga itong kwenta. Dahil parang sinusumbat pa nito sa amin ang pasilangan namin sa mundong

