Tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo mula sa kamay ko at pumapatak sa aking mukha. Gigil na gigil kong ingat ang aking paa papunta sa kalaban kong nasa uluhan ko. Buong lakas kong sinipa ito sa leeg. Dahil kaya tumalsik ito at nabitawan ang katana na naiwan sa aking kamay. Agad kong binitawan ang katana. Dali-dali akong bumangon. Tiningnan ko rin ang aking dalawang palad na may sugat. Peste! MUNTIK na ako roon, ah? Dali-dali kong pinunit ang laylayan ng aking damit na suot para itali sa sugat ko. Umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Nakita kong may mga dumating pa na mananakop. Dali-dali akong lumapit kay Alcara. Balak na sana nitong sipain ang kalaban nito nang walang habas kong inilagay sa leeg nito ang karayom na may lason. “Alisin mo na ang mga matatanda rito. Dalhin mo sa kuta n

