Kitang-kita kong lalong nagalit ang babae sa akin. At kulang na lang ay sakalin ako. Ngunit wala akong pakialam sa galit nito. Saka inis na inis din ako rito dahil sa ginawa nila kay father na pambabastos. “Ang lakas ng loob mong sabihin na tanga ang aking anak. Nakikilala mo ba siya kung sino siya. Samantalang isa ka lang namang pulubing busura na walang mararating?!” sigaw ni Mrs. Uy at halos lumabas ang litid sa lalamunan nito. Ngunit malakas lamang akong tumawa habang panay ang iling ng ulo ko. High blood na high blood ito sa akin. “Umalis na kayo sa aking harapan masyado na kayong nakakaabala sa mga taong katulad kong namamalimos!” Pagtataboy ko sa mag-ina. Dahan-dahan namang tumingin sa akin ang babaeng natumba mula sa aking mga paa. Nanlilisik ang mga mata nito. “Sino ka para sa

