LOAN 4

1172 Words
WARNING: s****l, VIOLENCE, AND LANGUAGE. R/18! Tahimik ay payapa na ang maliit na apartment na kanina ay parang masukal na gubat sa kalat. Sinulit ni Dionne ang isang araw na day off, dahil alam niyang isang linggo na naman bago siya makakapagpahinga. Gabi na nang matapos niyang ayusin ang lahat ng gawaing bahay. Mabilis siyang naligo at handa nang humiga sa higaan—ngunit agad siyang nabalikwas nang may mabilis na kumatok sa pintuan. "Sino 'yan!" sigaw niya. Walang sumagot. May sumunod nanaman na pagkatok—mas malakas ngayon. Sumibol ang malakas na kaba sa dibdib niya. Wala siyang inaasahang bisita; si Jade naman ay abala sa bisyo niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at sumilip sa peephole. Nagulantang siya nang makitang duguan at hinang-hina si Jade sa tapat ng pintuan. Agad niyang binuksan ang pinto at sinalo ang katawan nito na nawalan ng malay. "JADE! JADE GUMISING KA!" sigaw niya, nanginginig ang boses. Parang tinakasan ng kaluluwa si Dionne sa nakita. Lubos siyang nabigla—wala siyang ideya sa ganitong sitwasyon. "Sino gumawa sa'yo nito! Jade! Sumagot ka!" aniya, umiiyak na. Hindi sumasagot ang lalaki. "TULONG!" Halos mapunit ang lalamunan ni Dionne sa sigaw. Pinilit niyang hilahin ang katawan ni Jade papasok sa loob ng apartment. Duguan ang labi nito. May pasa sa gilid ng mata. Halos hindi na makahinga nang maayos. "Jade... Jade, gumising ka," pabulong niyang sabi. Pinunasan niya ang dugo sa mukha nito. Nang biglang umungol si Jade at bahagyang dumilat ang mga mata. "D-Dionne..." Hinawakan ni Dionne ang kamay nito, puno ng pasa. "A-Anong nangyari? Bakit ka nagkaganito?" ani niya, tumutulo ang luha. "Ayos lang... Wag ka nang mag-alala," sagot ni Jade. "HINDI KA AYOS! Mang-hingi na tayo ng tulong sa pulis!" "Hindi!" sagot ni Jade. "Wag... wag kang tatawag ng pulis." Napayuko si Jade, halatang hirap magsalita. "Kasalanan ko 'to..." bulong nito. "Anong ibig mong sabihin?" "May utang ako," bulong ni Jade, at sa isang kisap-mata, nagbagal ang t***k ng puso ni Dionne. "Magkano?" maingat niyang tanong. "Limang milyon," sagot ni Jade. Nanlaki ang mata ni Dionne. "ANO?! Jade, baliw ka ba?!" Napayuko si Jade. "Sa sugal..." Parang unti-unting nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Dionne. Alam niyang hindi na magiging tahimik ang kanilang buhay. Tahimik ang opisina sa itaas ng lungsod. Malaki, malamig, at may mabigat na aura ng kapangyarihan. Nakaupo si Hanze sa likod ng malaking mesa, nakatingin sa blueprint at litrato ng maliit na apartment ni Dionne sa tablet. Ang pangalan sa tala: Dionne Clemente. Huminga siya. Kalma, tahimik... ngunit sa ilalim ng katahimikan ay may apoy. Isang interes na bihirang maramdaman sa kahit sino. "Limang milyon... hindi biro ang utang ng taong ito," bulong niya sa sarili. Pinagmamasdan ang litrato ni Jade—duguan, hinang-hina, takot sa mga mata. Pag-swipe niya sa mga litrato, lumitaw si Dionne—ngiting matamis habang nagtatrabaho sa grocery. Napangiti siya ng mapait. "Makakangiti ka pa kaya ng ganyan kapag nasa ilalim kana ng kontrol ko?" Binunot niya ang telepono at tumawag sa isa sa mga tauhan niya. "Handa na ba ang lahat?" "Yes, Boss. Bukas, alas-otso ng gabi sa South St. Highway. Hihintayin namin siya doon," sagot ng tauhan niya. "Wag niyo siyang sasaktan," utos niya, may kalmadong boses ngunit may nakatagong pagbabanta. "Copy, Boss!" sagot ng tauhan. Binaba ni Hanze ang tawag at dahan-dahang huminga, pakiramdam niya ay bawat segundo ay mahalaga. Hinawakan niya ang mamahaling coat niya at mabilis na isinusuot, pinipilit panatilihing kalmado ang mukha habang ang utak niya ay gulong-gulo sa plano. Lumakad siya papunta sa kanyang luxury car na nakaparada sa ilalim ng building. Ang malamig na ilaw ng parking area ay naglalarawan ng bawat sulok ng sasakyan—perpektong kaharian para sa isang taong sanay sa kontrol. Sumakay siya, isinara ang pinto at hinawakan ang manibela. Sa bawat pag-ikot niya ng susi, ramdam niya ang tensyon ng lungsod sa labas—mga ilaw, sasakyan, at tahimik na mga gabing nagtatago ng sikreto. Habang pinapabilis ang sasakyan, tumakbo sa isip niya ang bawat detalye ng gabing iyon. Ang maliit na apartment ni Dionne, ang utang ni Jade, at higit sa lahat, si Dionne—ang babaeng naging sentro ng interes niya sa unang pagkakataon sa mahabang panahon. Ngiti, malamig at halos mapanlinlang, ay bumuo sa kanyang mga labi. "Makikita niya... walang makakapigil sa gusto ko," bulong niya. Habang papalapit sa event, ramdam niya ang bawat galaw ng lungsod—ang bawat tao parang parte lang ng laro niya. Ngunit gabing iyon, isang delikadong laro ang nakahain: ang unang hakbang para makuha ang babaeng hindi niya pa kilala—pero gusto na niyang ariin. Sa bawat segundo, mas malinaw: sa mundong ito, si Hanze Wyatt ay laging nananalo. "This is my son, Hanze Christ Wyatt. He is the one who inherits what I have," aliw na sabi ni Don Marco sa mga bisita. "Good evening, gentlemen. I'm Hanze Christ. Founder of Villa De Casa Resort, isa sa pinakamalaking hotels sa Asia," sabi ni Hanze, hawak ang baso ng alak. "Ang galing mo, Don Marco. Mukhang namana ng anak mo ang business sense mo," biro ng isa sa senador. Humagikgik si Don Marco at tinaas ang baso. "Buti nga, may nagawa akong tama sa buong buhay ko," dagdag niya, taas noo. Kitang-kita kay Hanze ang tuwa—bihira siyang purihin ng ama, kaya espesyal ito. "You can visit there for special moments," sabi ni Hanze sa mga bisita. "Yes, I will bring my wife there. Siguraduhin mo lang na mananalo ako," biro ng isa sa ka-negosyo, tinutukoy ang underground business ni Don Marco. "If that's your fate, why not?" biro ni Hanze, sabay tawa ng mga kalalakihan. "Daddy..." tawag ng isang babae sa isa sa senador. "Oh sweetheart," nakipag-beso ito sa anak. "This is my daughter, Shanice. She is an international model," sabi ni Don Marco. "Hi, I'm Shanice!" bati ng babae, malandi at kay Hanze lang nakatuon. Wala namang emosyon si Hanze—wala siyang pakialam. Bahagya siyang siniko ni Don Marco at bumulong, "It's your chance, son—" Hindi niya pinansin. Si Shanice na ang gumawa ng paraan para mapalapit sa kanya. "Excuse me, pwede ko ba siyang hiramin sandali?" sabi ni Shanice at hinila siya palayo. Nagpa-pahila lang siya, walang magawa, at nakita niyang pumunta siya sa sasakyan. Agad na umibabaw si Shanice. Alam ni Hanze ang intensyon ng mga babaeng lumalapit sa kanya: pera at atensyon. Hinalikan siya nito. Lasa niya ang alak sa bibig nito—pinaka-ayaw niya. Tinulak niya palayo si Shanice, pero hindi ito tumigil. Mas lalo nitong pinilit ang halik at tinanggal ang butones ng polo niya. Malakas niyang tinulak ito nang halikan siya sa leeg. "What the f*ck?!" sigaw ng babae, nagulat. Pilit na bumaba sa sasakyan si Hanze at mabilis naglakad. Sinusundan pa rin siya ng babae. "Hey! Stupid!" binato siya ng sandals. Natigilan siya sandali. "Are you gay? What the f*ck are you doing?" tanong nito, nakakunot ang noo. Hindi na siya lumingon. "F*ck off or I'll kill you," pagbabanta ni Hanze. "F*CK YOU!" sigaw ng babae habang papalayo siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD