Pagkapasok ni Samantha sa kusina ay Nakangiting nilapitan siya ni Yohann at mahigpit na niyakap. Dinampian din nito ng halik ang labi niya. Parang matutunaw ang puso niya sa pagiging sweet nito. Parang may humaplos na anghel ang dumapo sa puso niya ng masuyong inalalayan siya nito para umupo. Umupo narin ito pero nagtaka pa siya ng itapat nito ang kinauupuan nito sa kanya. "Come here baby." "Ha?" "Sit here in my lap." Ngumuso siyang nangingiti. "C'mon, I just want to cuddle you for a minute." Hindi na siya nag-atubili pa at agad na umupo sa kandungan nito. Ang dalawa niyang paa ay nakalaylay sa magkabilaang gilid ng upuan nito. Agad niya ring ipinalibot ang mga braso sa batok nito. "Ang clingy mo na." Aniya rito "Namiss kasi kita. Sobra sobra pa sa akala mo." Nagkatitigan sila a

