"I'm so excited for tomorrow. "
Habang inaayos ni Samantha ang mga laman ng kanyang bag ay napalingon siya kay Jennie na nasa harap ng salamin.
Hawak nito ang isang red bikini at
magkakasama silang magkakaibigan sa iisang kwarto.
"Mag guy hunting tayo bukas!"
Excited pang tinignan silang dalawa ni Crista pero ni isa ay walang umimik. Bahala ito, basta si Yohann ang hahuntingin niya.
"Boring." Jennie rolled her eyes when they didn't say a single word.
Lumapit nalang ito sa kanya.
Kinuha nito ang hawak niyang crop top short sleeve with high waist bikini na kulay brown.
"Na a ah." Iiling iling na hinagis lang nito iyon sa upuan at mabilis na kinuha ang bag nito. Inilabas nito ang isang swimsuit. "Buti nalang talaga tatlong pair ang dala kong swimsuit."
Hinagis nito sa kanya ang isang two piece swimsuit.
"Bago lang yan ,hindi ko pa yan nagagamit. Halos magkasing katawan naman tayo eh. Isukat mo muna para makita ko. "
Tinignan niya ang binigay nito. Kulay black two piece swimsuit high leg strappy bralette beach bikini.
Makahulugang nagkangitian sila ng kaibigan na agad nagkaintindihan ng iniisip.
Bakit nga ba hindi niya naisip iyon?
Napaisip siya kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Yohann pag nakita siya nito ganitong sexy na suot?
"Patingin nga." Wika naman bigla ni Crista. Kakatapos lang nitong magsukat ng swimsuit para bukas.
Nakasuot ito ng color pink ribbon style two piece. Napakasexy nitong tignan sa suot nito.
"Ang sexy naman nito. Dali na, isukat mo na para makita namin." Mabilis siyang itinulak ni Crista papasok ng Cr.
"Ano yun?"
Pagkasara niya ng pinto ng Cr ay narinig pa niyang tanong ni Sophia.
Kararating lang ng mga ito. Magkasamang umalis kanina sina Sophia at Lucas kasama si Denise.
Kinukulit pa kanina ni Jennie si Denise na dito na ito sumabay para may kasama ito pero ayaw ni Denise.
"Ang ingay mo pag nasa byahe,kailangan ko ng tulog dahil puyat ako ." Naalala pa niyang wika nito kanina.
Knowing Denise, ayaw nito ng maingay pag nasa byahe dahil pagtulog lang ang ginagawa nito pag nasa byahe na.
Pagkatapos niyang magbihis ay mabilis siyang humarap sa salamin ng Cr. Lumawak ang ngiti niya pagkakita sa kanyang suot. Saktong sakto at bagay na bagay sakanya ang pahiram ni Jennie sa kanya.
Agad na napakagat labi siya dahil halata ang cleavage niya. Ito kasi ang kauna unahang nagsuot siya ng sexy na swimsuit.
Mabilis siyang lumabas ng Cr para ipakita sa mga kaibigan ang suot.
"O MY GOD !" Gulat na wika ni Jennie pagkakita sa kanya. Nilapitan pa siya nito.
"Mas malaki pala konti dibdib mo kaysa sakin ." sabay tingin ni Jennie sa dibdib niya. "
Mahinang binatukan Naman ito ni Denise. "Bibig mo." Natatawang sabi nito. "Wala ka naman dibdib kaya huwag kang ambisyosa."
"Bakit? Pare parehas lang naman tayong mga babae dito at tsaka babe, lagpas eighteen na tayo. Graduating na nga tayo diba?'" angil nito. Ngumuso pa ito at tinignan ang sariling dibdib. "May dibdib naman ako ah."
"Oo nalang."
"Ewan ko lang talaga kung hindi maglaway yung singkit na yun sayo Sammy. Shuta ka! Napakasexy mo, nakakagigil."
Nagtawanan lang silang magkakaibigan.
"Huwag kayong pupunta sa malalim na parte ng dagat ha?" Bilin ng mama niya.
Kasalukuyan na silang kumakain sa mahabang lamesa.
"Opo ma."
"Opo tita." Sabay sabay namang wika ng mga kaibigan niya.
"Ma, hindi na sila mga bata. "Sabat naman ng kuya niya.
Binatukan naman ng papa niya ang kapatid niya na ikinatawa niya.
"Kesyo matanda o bata, mabuti ng nag iingat." Wika pa ng papa niya.
"Balita ko ang ganda ng pagpapatakbo mo ng kompanya niyo iho?" nakangiting tumingin si Tito Yohenn sa kuya niya. Papa ni Yohann.
"I'm just doing my job tito." Tipid na ngumiti ang kapatid niya.
"Mana yata yan pare sa tatay." Singit at ng papa niya. Nagmamalaking inakbayan pa nito ang kuya niya. Na kanina lang ay binatukan pa nito ang kapatid niya.
"Naku pati pagiging babaero namana sa tatay." Nakasimangot namang sabat ng mama niya.
Nagtawanan naman ang mga ito. Napansing niyang nag excuse ang kuya Clyde niya kila Tito at tita at magulang niya. May pupuntahan pa daw kasi ito. Tumango naman ang mga magulang nila.
"Ano ka ba naman mahal, mga kabataan pa natin yun. At tsaka hindi naman ako nambabae nung naging tayo hanggang ngayon eh. Loyal na ako sayo eh." Paglalambing ng papa niya na ikinaikot ng mata niya.
"Diba pare?" Humingi pa talaga ng saklolo kay Tito Yohenn.
"Oo nga naman mare, matagal na yun." Natatawa nalang na sabi ni Tito Yohenn.
Nag usap pa ang mga ito pero hindi na siya nakinig at binalingan nalang ang nasa harapan niya na kanyang Mahal na si Yohann. Sinadya niyang umupo sa harap nito para masilayan niya ng mabuti ang mukha nito.
Tahimik lang itong kumakain kaya naman mahinang sinipa niya ito sa paa. Kunot noong binalingan siya pero hindi ito nagsalita. Matamis na nginitian niya ito pero hindi siya pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain.
Napabuntong hininga nalang siya.
Ilang minuto pa silang kumain at nang matapos na siya ay dumikit si Jennie sa kanya. Magkatabi lang kasi sila ng upuan. "Tara na." Bulong nito.
Napatingin siya sa mga plato ng mga ito. Tapos narin pala ang mga kaibigan niyang kumain at hindi halatang excited ang mga Ito maligo sa dagat kaya naman magalang siyang nagpaalam sa magulang na maliligo na silang magkakaibigan sa dagat.
Papalabas na sila nang mapansin niya si yohann na sinundan sila ng tingin. Hindi pa kasi ito tapos kumain.
Nakangiting nagtinginan silang limang magkakaibigan.
"Ready ,1,2 and 3!" Sabay sabay na sigaw nila at patakbong lumusong sa dagat. Suot parin nila ang kani-kanilang loose t-shirt.
Masayang masaya siya dahil ngayon nalang ulit sila nagbonding ng ganito ng kanyang mga kaibigan.
Naunang nag-alis si Jennie ng suot nitong t-shirt at iwinagayway nito iyon sa ere. Mahabang t-shirt lang kasi ang suot nila at pare parehas pa sila ng suot. Nagpacustomize pa sila ng damit para lang dito.
Sumunod narin silang apat at sabay sabay na hinagis ang damit nila sa buhangin.
Napangisi siya ng may maisip na kalokohan. Lumangoy siya palapit kay Jennie at inilublob ang mukha nito sa tubig dahilan para magtawanan ang tatlo.
"Shuta ka Sammy!" Patiling sabi pa ni Jennie pagkaahon nito. Tumawa lang siya ng malakas at sinabuyan ito ng tubig.
Ilang minuto silang masayang nagsasabuyan ng tubig at nagtatawanan nang makarinig sila ng galit na sigaw.
"Babe!"
Sabay sabay silang napalingon ng marinig ang galit na boses ni Lucas.
Madilim ang mukha nitong nakatingin kay Sophia.
Nagtawanan naman sila sa reaction ng binata dahil alam nila kung bakit mukhang galit na galit ito.
Si Lucas kasi ang namili ng susuotin ni Sophia na swimsuit, at ang pinili nito ay longslevee rash guard.
Kaya pano ba naman hindi maiinis ito, tinago lang naman nila ang binili nito at pinalitan ng mas seksing two piece swimsuit na kulay itim ang gagamitin ni Sophia. Wala ng choice si Sophia kundi suotin nito ang sexy na swimsuit na ipinalit nila.
Habang papalapit si Lucas ay bigla silang napanganga dahil inalis ni Lucas ang damit nito kaya ito ang kauna unahang nakita nila ang katawan ng binata.
Napansin niya ring napatunganga ang mangilan ngilang kababaehan sa beach habang nakatitig kay Lucas.
May tattoo pala ito na dragon sa kanang tagiliran at sa bandang dibdib nito ay may tattoo na kasing laki ng kamao na mukha ni Sophia ang nakaguhit doon.
May walo din itong abs at para rin itong modelo na nakikita niya sa mga magazine. Napabaling ang mata niya sa V-line nito. Lucas was really a god gift to women. Ruggedly and dangerously handsome.
"Hey! Mga mata niyo!" Angil ni Sophia at tinalamsikan pa sila ng tubig.
Nawala ang atensyon niya kay Lucas at nagtawanan nalang sila sa ginawa ng kaibigan.
Para sa mga mata niya, si Yohann parin ang pinakagwapo sa lahat. Hindi man walo ang abs nito kagaya ni Lucas ay may apat din naman na abs ang Yohann niya at hindi papahuli sa kagwapuhan. Ang pagkakaiba lang ng dalawa, Yohann is a silent type of guy, while Lucas is dangerous and a badboy.
Napangiti siya nang mabilis na sinalubong ni Sophia ang nobyo nito.
Sa pag-ahon nito ay pinalo pa niya ang matambok na pwet nito pero ni hindi siya nito nilingon.
"Bakit ganyan ang suot mo?" Madilim ang mukhang bungad ni Lucas.
Dali daling isinuot ni Lucas kay Sophia ang tinanggal nitong t-shirt. Sa laki ng t-shirt ni Lucas ay parang lumiit tignan ang kaibigan nila.
Pinulot naman ni Sophia ang basa ng loose tshirt nito na inihagis nito kanina.
"Hindi ko mahanap yung binili mo eh." Pagkasabing iyon ng kaibigan nila ay pasimpleng nagtinginan silang magkakaibigan, bukod lang kay Denise na walang nalalaman. Tulog kasi ito sa ginawa nilang krimen.
/>Siya, si Crista at Jennie kasi ang nagtago ng binili ni Lucas para kay Sophia.
Napadako naman sa iba ang tingin nilang apat dahil bigla silang tinignan ng masama ni Lucas.
"Ah, naalala ko may bibilhin pala akong souvenir." Mabilis namang umahon si Jennie at naglakad ng mabilis palayo kay Lucas.
"Oo nga, ako rin!" Mabilis na sinundan ni Crista si Jennie.
"Sama." Denise.
Nang siya nalang ang naiwan ay mabilis din siyang umahon.
"Yung cover-ups ko naiwan ko pala."
Totoo naman kasing naiwan niya ang cover-up niya.
"Alam mo bang kanina pa kayo pinagtitinginan ng mga lalaki dito?"
Rinig niya pang sabi ni lucas habang papalayo siya sa dalawa.
"Sammy?"
Nangunot ang noo niya at mabilis niyang nilingon ang tumawag sa kanya.
"Isiah?!" Gulat na bulalas niya pagkakita sa binata. Si Isiah Williams.
Kababata at kapitbahay nila ito noong maliliit pa sila pero nagmigrate ang pamilya nito sa America at doon na ito nag aral. Ninong ni Isiah ang papa niya.
Pinasadahan niya ng tingin si Isiah. Nakaboard short ito at may hawak na surf board. Nagulat siya dahil ang laki na ng pinagbago ng itsura nito ngayon.
Kung dati ay payatot ito, ngayon ay sobrang ganda na ng katawan nito.
Batak na batak rin ang katawan nito at may abs pa.
Maluwag na nginitian niya ito. "Ang gwapo mo na ah!" Puri niya dito.
Mukha kasi itong hollywood star. "Hindi ko alam na nandito ka na sa Pinas. Nadagdagan na naman ako ng kaibigan, mala hollywood star pa." Biro niya pa.
Tinawanan siya nito. "Bolera ka parin pala hanggang ngayon. Long time no see, ang sexy mo na ah?" Sabi nito at akmang yayakapin siya ni Isiah ng biglang humarang si Yohann sa harap niya.
Nagulat pa siya sa biglang pagdating ng binata. Saglit siyang napatitig sa malapad na likod ni Yohann.
Likod palang ni Yohann nakakapaglaway na, paano pa kaya pag sa humarap na ito? Hindi na niya kailangan ng palaman dahil kontento na siya sa pandesal nito. Yummy and hot.
Nang makahuma siya sa pagpapantasya sa kanyang mahal na Yohann ay sinilip niya si Isiah.
Hindi naman kasi niya alam na may pagka the flash si Yohann sa bilis kaya nagulat siya at hindi ito agad napansin.
Halatang nagulat din si Isiah sa pagdating ni Yohann pero nagtaka siya ng unti unti itong ngumiti ng nakakaloko.
"Kumusta pare?" ani Yohann.
Hindi man niya kita ang mukha ni Yohann dahil nakatikod ito sa kanya ay nabosesan niyang wala ito sa mood.
"Lagi naman yan wala sa mood!"
"Kailan ka pa dumating?" Singit niya sa dalawa. Kay Isiah siya nakatingin.
"Nung isang linggo pa." Matamis na ngumiti naman si Isiah sa kanya. Gumilid ito para makita siya dahil natatakpan siya ni Yohann.
Gumilid ulit si Yohann dahilan para matakpan na naman siya ni Yohann, kaya siya na ang nag-adjust para makita si isiah. Bawat pagsilip niya kasi kay Isiah ay saktong tinatakpan siya ng binata.
"Ano bang problema ng mahal kong Yohann?" Nagtatakang tanong niya sa isip.
Ibinuka ulit ni Isiah ang kamay nito at nakangiting sinilip siya. "Hindi mo man lang ba ako yayakapin Sammy? Ang tagal nating hindi nagkita ah. Namiss ko ang mga kalokohan mo, pero syempre namiss din kita. Buong buo. Walang labis walang kulang."
Ngumiti siya at sinilip rin ito. Para silang timang na nagsisilipan dahil narin sa pagharang ni Yohann. "Namiss rin kita unggoy, namiss kong ayusan ka at gawing mala barbie. Next time ayusan kita ulit ha?" Biro niya kay Isiah na ikinatawa nito ng malakas.
Noong mga bata pa kasi sila ay lagi niya itong inaayusan at pinagmumukhang Barbie. Tuwang tuwa siya dahil gustong gusto rin naman ni Isiah at lagi siyang pinagbibigyan at walang karekla-reklamo.
Ngumiti siya at akmang maglalakad na siya palapit kay Isiah nang hilain siya ni Yohann sa kamay.
"Anong problema mo Yohann?" nagtatakang tanong niya rito. "Bat ba parang tinatago mo ako kay Isiah?"
"So Yohann nalang ?"
"Ha?" Lalong nangunot ang noo niya sa sinabi nito. "Bitawan mo ako, yayakapin ko lang saglit si Isiah. Kaibigan natin siya Yohann, ilang taon ko ring hindi nakita yang unggoy na yan."
Nakita niyang nagdilim ang mukha nito. "Yayakapin mo siya ng ganyan ang suot mo?!" Sigaw nito at mas lalo siyang itinago sa likuran nito. "You don't need to f*****g hug him! No f*****g way! Damn it!"
Biglang lumapit si Yohann kay Isiah at napansin pa niyang naiinis na may binulong si Yohann. Nakita niya pa ang pagngisi ni Isiah dahil sa pagbulong na iyon ni Yohann.
"Bat di ka pumunta sa bahay?" tanong nalang niya kay Isiah nang matapos magbulungan ang dalawa. Pinamaywangan niya rin ito.
Noong isang linggo pa pala ito nandito sa pinas pero hindi man lang ito nagpakita sa kanya. Malapit na kaibigan pa naman niya ito noong bata pa sila.
Nakangising tinignan ni Isiah si Yohann na seryoso paring nakatingin sa kanila. "May Tao kasing nagsabing lagi ka daw busy. Hindi ako nakakapunta sa bahay niyo kasi lagi ka daw wala."
"Ha? Sino nagsabi niyan? Hindi naman ako ganun kabusy ah! Dapat pinuntahan mo ako sa bahay!" Takang wika niya.
"Sige next time dadalawin kita sa bahay niyo." Sabi nito pero kay Yohann parin ito nakatingin. "Payag akong ayusan mo ako. " Natatawa pang sabi nito.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Pero sino ba ang nagsabi sayo na busy ako? Baka baliw naman ang napagtanungan mo."
Humalakhak na naman si Isiah tsaka tumango tango pa. "Oo, halata ngang baliw." Sa halip sa kanya at tumingin ay si Yohann ang tinignan ni Isiah. "Baliw na baliw."
Nagtatagis naman ang bagang ni Yohann na nakatitig kay Isiah, pero mahahalata mong pulang pula ang pisngi at ilong.
Si Isiah naman ay tumigil na sa pagtawa at pangiti ngiti nalang.
"Gusto mo bang turuan kitang magsurf?" Baling nito sa kanya.
Bigla naman siyang naexcite sa sinabi nito. "Sige-"
"Oo nga pala Isiah, naalala ko, hinahanap ka ni Tito Samuel, gusto ka atang makausap." Putol ni Yohann sa sinasabi niya.
"Hindi pa kayo nagkita ni papa?"
"Hindi pa, -Ata. " Natatawang sabi nito na ipinagtaka niya.
Hindi naman nakakatawa ang tanong niya. Pansin niya ring kanina pa ito patawa tawa, o kaya pangiti ngiti.
"Sige alis na ako. Puntahan ko nalang ulit si Tito." Tatawa tawa paring wika nito.
Hindi na siya nakapagtanong pa ulit dahil hinila na siya ni Yohann.
Dinala siya nito sa malaking puno at sa medyo malayo layo sa mga tao.
"Are you out of your mind Samantha?! Bakit ganyan ang suot mo?!" May diing sabi ni Yohann sa kanya. Tiim bangang na pinasadahan pa siya nito ng tingin.
Takang niyuko naman niya ang sarili. "Bakit? Bagay naman ah?Ano bang problema sa suot ko e andito tayo sa beach para magswimming? Don't expect me to wear jeans yohann. Hindi ito park."
"Hindi niyo ba napapansin ang tingin sa inyo ng mga tao? Especially men!"
Parang nanggigigil pa ito na ewan.
"Ano naman?" Natatawang sabi nalang niya. Nagtataka talaga siya dito ngayon. "Hanggang tingin lang naman sila eh. Samantalang ikaw, sayong sayo ako." Biro niya pa. Mainit na naman kasi ang ulo nito.
Pansin niyang namula ito sa sinabi niya at mabilis na nag-iwas ng tingin.
"Ayie, kinikilig na yan."
"Shut up!"
Napanguso siya. Bat ba ang init Ng ulo nito?
"Nasaan yung cover ups mo?" Maya Maya'y tanong nito. "Dapat sayo binabalutan ng bubble wrap."
"Balutan mo nalang ako ng yakap mo mahal ko."
Seryoso naman siyang tinignan ni yohann. "Kapag ginawa ko ba, papalag ka?"
Nagulat man siya sa tanong nito ay nagawa niya parin itong nginitian. "Bat naman ako papalag? Yung puso ko lang ang papalag pag niyakap mo ako, papalag palag sa kilig. Pwede rin kakawag kawag. "
Yohann chuckled.
"Kinilig ka na naman. Sabi ko naman sayo, mahalin mo na ako. Araw araw kitang papakiligin."
Yohann shooked his head. "It should be the other way around Samantha."
"Sige nga, pakiligin mo ako. Say some kilig to the bones lines mahal kong Yohann."
"Daldal mo." Anito at mahinang pinitik ang noo niya. "Nasaan na ang cover ups mo?"
"Naiwan ko ata sa kusina noong kumakain tayo."
Kahit ang t-shirt niya na suot kanina naiwan niya rin sa buhanginan ng lumusong silang lima sa dagat.
Tumalikod naman sa kanya si Yohann. "Hintayin mo ako at ako na ang kukuha."
Akmang maglalakad narin siya para balikan ang tinapon niyang t-shirt niya ng magsalita si yohann. "At saan ka pupunta?"
Nilingon niya ito. "Kukunin ko yung t-shirt ko doon." Turo niya malapit sa pinaghagisan niya ng kanyang damit.
"Diyan ka Lang. Hayaan mo na yun."
"Pero-
"Papalitan ko nalang yun. Bibilhan kita kahit ilang piraso pa yan. Basta huwag mo ng balikan okay? Huwag Kang makulit Samantha. Kanina pa ako naiinis kaya huwag mong sagarin ang pasensiya ko."
Napasimangot naman siya. " Ano bang nagawa ko? Wala naman akong kasalanan sayo."
Hindi ito umimik at mabilis na naglakad ito patungo sa beach house ng mga ito pero napakunot noo siya ng huminto ito at mabilis na lumapit sa kanya at hinila siya sa kamay.
"Bakit?''
"Samahan mo nalang ako. Baka mapaaway ako pag iniwan kita dito mag-isa. "
"Ha?" Nagtaka siya sa huling sinabi nito.
"Tumahamik ka nalang."
Hinayaan nalang niya itong hilahin siya habang hindi niya naiwasang mapatingin sa magkahawak kamay nila. Hindi niya maexplain ang sayang nararamdaman dahil para silang magkasintahan na magkahawak kamay na naglalakad papunta sa beach house ng mga Ito.
"Anong nginingiti ngiti mo diyan?"
Nilingon siya nito.
Nakangiting umiling nang siya at hindi na umimik. Ninanamnam parin niya ang pagkahawak kamay nila. Baka pag sinabi niya rito ang dahilan ng pagngiti niya ay bitawan nito ang kamay niya.
"Nasan yung cover ups mo dito?" Tanong ni Yohann nang makarating sila sa beach house. Iginagala nito ang tingin sa kusina .
Hindi nila makita sa pinag upuan niya kanina ang kanyang cover ups.
"Yung floral na cover ups po ba?"
Biglang singit ng caretaker nila Yohann na si aling Selya.
"Opo. Diyan ko po kasi iniwan."
"Alam ko po dinala po ng mama niyo sa kwarto niyong limang magkakaibigan. Doon niya po iniwan."
"Sige po manang, alamat po."
Nakangiting nagtungo siya sa taas.
Nag iinit ang pisngi niya dahil habang naglalakad siya paakyat sa kwarto nilang magkakaibigan ay nakasunod din si Yohann sa kanya.
Para tuloy ramdam niya ang init ng titig nito sa kanyang likuran.
Pagpasok niya sa kwarto nilang magkakaibigan ay nakita niya agad sa kama ang cover ups niya. Akmang lalabas na siiya ng hinarangan siya ni Yohann.
"Bakit Yohann?''
"Palitan mo nalang kaya yang suot mo?" Hindi ngumingiting sabi nito.
"Huh? Okay naman tong suot ko ah."
Katwiran pa niya. Tinignan niya pa ang Sarili.
"Wala ka bang kahit rash guard diyan? Yun nalang isuot mo. Masyado Namang revealing Yang suot mo, nakakairita. Magsuot ka ng matino." anito na mukhang inis na inis sa suot niya.
Nangingiting nilapitan niya ito.
Niyakap niya ito sa batok na ikinagulat ito. Mabilis namang umiwas ng tingin si yohann sa kanya.
"Da moves ka talaga Sam!" Sigaw ng isip niya.
"Bakit? Ayaw mo akong pinagtitinginan ng mga lalaki no? Aminin...." Biro niya dito.
Ilang sandali silang nagkatitigan pero hindi parin umiimik ito kaya napabuntong hininga nalang siyang umalis sa pagkakayakap dito.
"Ang tahimik mo tlaga. Makaalis na nga at magpagpaturo pa ako kay Isiah magsurf board." Wala sa sariling banggit niya dito. Mukhang kasing nakakaexcite din magsurf board.
Pero bago pa siya makalabas bg pintuan ay hinila siya ng binata at mabilis na isinara ang pinto saka siya isinandal sa nakasarang pintuan.
Nagulat naman siya sa ginawa nito.
Pinamulahan siya ng mukha ng seryoso itong tumitig sa kanya. Ilang dangkal nalang ang layo ng labi nila sa isat isa.
Napapikit naman siya at hinintay na halikan siya nito pero ilang segundo na ang nakalipas ay walang labi na humalik sa kanya.
"Wag kang assuming!"
Agad na nanghinayang siya. Akala pa naman niya ay hahalikan siya nito. "Sayang!"
"Huwag ka ng magpaturo kay Isiah."
Mabilis siyang nagmulat ng mata dahil sa sinabi nito. Magkalapit parin ang mukha nila kaya amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito.
"Magjetski nalang tayo." Dugtong pa nito. At sa kauna unahang pagkakataon ay matamis na ngumiti ito sa kanya.
Saglit siyang napatulala sa nakita.
Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman dahil sa sinabi nito.