Habang hinihintay ni Samantha na matapos ayusan ni Crista si Sophia ay napaayos siya bigla ng upo. Paparating kasi ang nakasimangot na si Yohann sa pwesto nila.
"Samantha, pwede ba tayo mag-usap?" Naiinis na nakapameywang pang bungad nito.
Kahit biglang bumilis ang t***k ng puso niya ay matamis na ngumiti parin siya dito.
"Bakit mahal kong Yohann? Nag-uusap na tayo, miss mo na ba ako?" nakangiting tiningala niya ito.
Saglit na natigilan ito pagkakita sa kanya. Biglang para itong natulala na
Wari'y naninibago sa ayos niya.
Para itong nagtanggal ng bara sa lalamunan bago nagsalita.
"Aminin, nagandahan ka?" Napangisi siya sa naisip.
"Ano bang-"
"Ako kasi namiss na kita eh." Pilyang putol niya sa sinasabi nito habang rinig naman niya ang mga kaibigan niya na natatawa na at may kunwaring inuubo pa dahil sa sinabi niya.
Hindi nalang niya nilingon ang mga kaibigan dahil nakatitig siya sa gwapong mukha ni Yohann.
Medyo nangawit lang leeg niya dahil nasa mahigit anim na talampakan ang taas nito.
Napadako naman ang tingin niya sa mga biceps nito pababa sa tiyan nito na alam niyang may mga abs kahit natatakpan ng t-shirt.
Nakita niya kasi ito dati na nakaswimming trunk lang noong mag outing ang pamilya nila kasama ang pamilya nito. Fourth year high school ata sila noon at may abs na ito.
Magbest friend kasi ang mommy ni Yohann at mommy niya noong kabataan at magpahanggang ngayon, kaya iyon rin ang dahilan kung bakit magkatapat lang ang bahay nila. Sa sobrang close ng magulang nila ay napagdesisyunan ng mga ito na magkaroon ng bahay na magkakasama o magkakadikit parin sa isa't isa. Bestfriend forever ang peg ng mga magulang nila.
Kaya mula paglaki niya ay kasa- kasama na niya si Yohann.
At habang tumatagal ay nagkakagusto siya rito noon hanggang sa nareliaze niyang mahal na niya ang binata.
Kahit pa ba lagi siya nitong sinusungitan ay hindi naalis ang pagkagusto niya sa binata. Dati naman kasi ay hindi ito ganoon kasungit sa kanya pero simula ng magkolehiyo sila ay nag-iba na ang pakikitungo nito sa kanya, na akala mo nakagawa siya ng kasalanan dito kahit wala naman siyang ginagawang masama.
Akmang ibababa pa niya ang tingin sa katawan nito, nang walang ano ano ay ang mukha na ni Yohann ang kaharap niya. Halos magkapantay na ang mukha nila dahil mabilis na umupo ito sa tapat niya.
Nakangiting pinisil niya ang pisngi nito subalit mabilis din nitong hinawi ang kamay niya.
"Sungit talaga!"
"It's Yohann, at wag mo akong tatawaging mahal."
"Eh Baby?" hirit pa niya pero sinamaan lang siya nito ng tingin.
Napanguso siya pero napansin niyang napatingin at napalunok ito sa pagkakatitig sa nguso niya.
Nasagwaan ata ito sa itsura niya kaya mabilis siyang umayos.
Pacute na ngumiti nalang siya dito pero nawala ang ngiti niya ng magsalita ito.
"Hanggang kailan mo ba ako titigilan huh?"
Ouch..!
Parang may patalim na tumarak SA puso niya sa mga binitawan nitong salita.
"Hanggang maging tayo." pacute na Sabi nalang niya sabay kindat dito.
Kahit na nasasaktan siya sa trato nito sa kanya ay okay lang. Mahal niya eh.
Pasasaan ba't mapapasakanya din ito.
Nagtawanan na naman ang mga kaibigan niya sa sinabi niya pero para sa kanya, seryoso siya sa sinabi. Hindi siya titigil hanggang maging sila ng binata. Kung alam lang ni Yohann kung gaano niya kamahal. Hindi naman niya ito kukulitin kung hindi totoo ang nararamdaman niya. At hindi niya ibababa ang Sarili magpapansin lang dito kung hindi niya ito Mahal.
Sa ganda niyang ito maghahabol siya ng lalaki? Pero dahil si Yohann naman ang nakapana ng puso niya, hindi na niya inisip pa ang dignidad bilang babae, makuha niya lang ang puso ng mahal niya.
Sa pananaw niya sa buhay, kung may gusto ka, gawin o sabihin mo, para Hindi maagaw ng iba. At kung wala man mangyari sa pagtatapat ng pag ibig mo hanggang sa nakahanap na ng mamahalin ang taong gusto mo, atleast alam mo sa sarili mo na gumawa ka ng paraan para maipakita sa isang tao kung gaano mo siya kagusto. Para hindi ka magsisisi sa bandang huli kung bakit hindi mo ginawa ang dapat ay ginawa mo na.
"Tigilan mo na yang kalokohan mo Samantha. Hindi ka nakakatuwa." Seryosong napabuntong hininga nalang uto. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga pinaggagawa mo." Para itong naiinis na Ewan.
"Bakit hindi mo nalang ako mahalin Yohann? Alam mo naman na mahal kita." Seryosong tinitigan niya ito.
Natigilan ito pagkuway para itong nanggigigil na ewan. Ano bang ikinakagalit nito? Pasalamat nga ito at may magandang kagaya niya na naghahabol rito.
Swerte mo dude!
"Hindi ko alam kung nakikipagbiruan ka sakin o ano pero hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo."
"Sa palagay mo ba, biro lang ang pagkagusto ko sayo?" nasasaktan siya na parang ayaw nitong maniwala na Mahal niya ito.
"Simula pagkabata hanggang ngayon biro pa ba yun?" Sigaw ng isip niya.
"Bakit sa palagay mo ba natutuwa ako na araw araw mo ako nirereject?" pagpapatuloy pa niya. Totoo naman yun. Hindi lang halata pero masakit sa kanya na lagi siya nitong nirereject, na pinaparamdam nito na parang wala itong pakialam sa kanya. Na parang walang Samantha itong nakikita sa paligid.
Na kahit harap harapan niyang ipinapakita na gusto niya ito ay parang hindi nito pansin.
Pero wala siyang magagawa, hangga't hindi niya nakukuha ang puso nito, hindi siya titigil.
Sobrang mahal niya ito para pakawalan ito. Mas masakit sa kanya na makuha ito ng iba. Iyon ang hindi niya kaya.
"Bakit sa palagay mo rin ba natutuwa ako sa pangungulit mo sakin? Bakit hindi mo nalang ituon ang buong atensiyon mo sa pag aaral?"
Nasaktan siya sa sinabi nito kaya hindi siya nakaimik.
Nag-aaral naman siyang mabuti ah?
Matataas ang grado niya kahit pa puro kalokohan ang alam niya pagdating dito. Hindi lang niya kayang hindi pansinin ito kahit pa isang araw lang.
"Wala kang mapapala sakin kaya tigilan mo na ako." seryosong Sabi nito sabay tayo." Hindi ako nakikipagbiruan sayo, kaya tumigil ka na." anito sabay alis.
"G*go yun ah!" inis na wika ni Jennie.
Akmang hahabulin nito si Yohann ng pigilan niya ito. "Huwag mo akong pigilan Samantha! Jujumbagin ko lang ang singkit na yun! Ang kapal ng fez! Wala naman mata!" Nagpupuyos sa galit na sabi ni Jennie.
"Kalma Jennielee." Mahinahong sabi naman ni Crista, pero matalim ang matang sinundan ng tingin ang malayo ng pigura ni Yohann.
Napatingin siya sa mga kaibigan, lahat sila mukhang galit sa ginawa ni Yohann.
"Ano ba kayo, okay lang yun. Kasalanan ko naman." Malungkot na nginitian niya ang mga kaibigan. "Ako naman yung lapit ng lapit sa kanya eh."
"Napakamanhid niya." Sabi naman ni Sophia.
"Sinabi mo pa. Anong akala niya kay Sammy? Nakikipaglaro lang? Eh kayang kaya na nga niyang gumawa ng bata eh!" Jennie. Kinaltukan naman ito ni Sophia.
"Eh di titigil ka na?" Tanong bigla ni denise. Bibihira lang kasi ito sumali sa usapan basta pag-ibig ang topic.
"Hindi." Mabilis niyang pinakita ang ngiti ng kanyang labi para hindi mahalata ng mga kaibigan niya na nasaktan siya ng sobra sa sinabi ni Yohann. Kaya niya pa. Hindi siya basta basta sumusuko. Isa lang naman ang magiging dahilan Ng pagsuko niya.
Ang makitang may mahal na si Yohann. Pero hanggat wala siyang nakikita o nakikilalang babaeng nagugustuhan nito, hindi siya titigil.
"Baliw ka na." Naiiling nalang na pinagpatuloy ni Denise ang pagbabasa.
"Mahal ko ehh. Ganun talaga. Huwag ka mag-alala, mararanasan mo din kung paano magmahal." Tudyo niya.
Hinintay niyang magreact ito sa sinabi niya pero as expected, mukhang napipi na naman.
"Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sakanya." Biglang sabi ni Denise na ikinagulat niya. Akala niya hindi na ito magsasalita. "Hanggang ilang beses ka bang magtitiis sa pag-ayaw niya sayo? Ang pagmamahal, hindi yan pinipilit, kusang mararamdaman yan." napabuntong hininga itong tumitig sakanya. "Kung talagang gusto ka niya, sana noon pa. Sana hindi ka nahihirapan sa araw araw na panunuyo mo sa kanya. High School palang tayo lagi kang nakabuntot sa kanya pero ano bang napapala mo? May nangyayari ba? Nasusuklian ba yang pagmamahal mo sa kanya? Graduating na tayo pero ganyan parin ang trayo niya sayo. Maawa ka naman sa sarili mo." Mahabang Sabi nito.
Nasaktan siya sa mga sinabi ni Denise dahil natamaan siya sa mga binitawan nitong salita. Pero wala siyang magagawa ,mahal niya si Yohann. Hindi niya maisip ang sarili na magmahal ng iba kung hindi si Yohann lang.
"Oo nga naman Sam, bakit hindi mo nalang ifocus ang sarili mo sa iba?"
Concern na sabi ni Jennie. "Alam mo bang madaming nagkakagusto sayo?"dugtong pa nito. "Hindi lang sila makalapit dahil alam nilang may gusto ka kay Yohann. Halos buong campus ata alam ang pag-ibig mo sa kanya." Bigla itong ngumisi. "Gusto mo tulungan kita? Sabi ni kuya Alexis, kung gusto ko daw maghanap ng ums, dapat daw criminology student. Karamihan daw kasi mga Dakota." Anito at humagikhik siya.
Namula ang pisngi dahil sa sinabi nito.
"Anong Dakota?" Inosenteng tanong naman ni Crista na lalong ikinapula ng mukha niya. Alam niyang silang dalawa lang ni Jennie ang nagkaintindihan.
"Wala Crista babe. Pero nakakatiyak akong magugustuhan mo yun pagdating ng panahon. Basta ba hindi juts ang mahanap mo." Patawa tawang sabi pa ni Jennie.
"Sa ganda mong yan hindi mo deserve ang maghabol Sammy." Biglang wika naman ni Sophia, inaayusan parin ito ni Crista. "Madami pang iba diyan. Bata ka pa. Bata pa tayo."
"Oo nga." Segunda ni Crista at Jennie.
"Si Yohann lang talaga gusto ko." Malungkot siyang ngumiti sa mga ito.
Alam niyang nag-aalala ang mga ito sa kanya kaya nagpapasalamat siya at naging matalik na kaibigan niya ang mga ito. Ang mga ito ang nagpapasaya sa kanya kapag lagi siyang pinagtutulakan ni Yohann.
Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila nang biglang magsalita si crista.
"Okay, okay! Tignan niyo nalang ang ating kaibigan na si Sophia." pag-iiba nalang ni Crista sa pananahimik nila.
Ngingiti ngiting pinaharap nito sa kanila si Sophia. Napangiti siya.
Sobrang ganda talaga ni Sophia. Light make up lang ang ayos pero mas lalo itong gumanda. Para talaga itong naglalakad na Barbie. Madaming nagkakandarapa rito kahit may boyfriend na ito.
"Tara sa Gym." pilyang sabi niya sa mga kaibigan.
Iwinala niya muna ang sakit na nararamdaman at nagfocus sa mga ito. Hindi niya feel ang magdrama.
Nakangiting sumang-ayon naman ang mga kaibigan.
Nagkatinginan silang tatlo, ni Jennie at Crista. Mukhang nalaman agad ng mga ito ang balak niyang kalokohan
"Let's go!" Excited namang tumayo si Crista, bitbibitbit ang kulay pink na shoulder bag nito.
Ang cute talaga nitong tignan.
Pagkapasok palang nila sa gym ay rinig na niya ang mga bulong bulongan. Medyo sanay na siya doon lalo na kapag kasama nila si Sophia at kompleto silang lima.
"Ang cute talaga ni Crista."
"Kahit poker face si Denise ang ganda parin."
"Grabe ang sexy ni Jennie. Bagay niyang maging modelo."
"Ang ganda talaga nilang Lima.,"
"Ang ganda ni Samantha. Sayang may Yohann na siya."
"Ay thank you po!" Sa isip isip niya
"Tignan mo si Sophia parang barbie."
Natigil ang bulong bulongan ng nakakunot noong palapit sa kanila si Lucas.
Basta basta nalang nitong hinagis ng malakas ang hawak nitong bola sa kung saan.
Nakakulay dark blue basketball Jersey ito at ito rin ang captain ng basketball team.
Napabaling tuloy kay Lucas ang lahat ng teammates nito.
Si Lucas ay four years ng boyfriend ni Sophia. Si Sophia lang din ang may boyfriend sa kanilang lima.
Lucas de Silva, pinsan ito Yohann.
Badboy ito sa campus nila kaya ganoon nalang ang pagtahimik ng mga tao sa loob Ng gym.
Habang naglalakad kasi ito palapit sa kanila ay mahahalata mong naiinis.
"O ow...." Natatawang sipol ni Jennie habang nakangiti sa papalapit na nakakunot noong si Lucas.
"Diba eto naman talaga balak niyo?" nakataas kilay na nilingon sila ni sophia. "Alam niyo namang ayaw na ayaw ni Lucas na nagmimake up ako."
Napahagikhik sila.
Balak kasi nilang asarin ang Badboy ng campus na si Lucas, ayaw kasi nitong nagmimakeup si Sophia dahil nga madaming napapatingin sa huli, at iyon ang ayaw na ayaw ni Lucas. Masyado kasing takaw pansin si Sophia, lalo na kapag naayusan. Para itong diwata na naglalakad sa loob ng gym. And knowing Lucas, super duper ubod ng seloso ito.
Baliw rin naman kasi itong si Lucas, para mag make up lang si Sophia ikinakainis na nito. Dapat nga matuwa pa ito kasi napakaganda ni Sophia.
"Kahit naman wala Kang makeup madami parin napapatingin sayo,at tsaka syempre satin narin." katwiran pa ni Crista. Natatawa pa ito habang tinitignan ang naiinis na si Lucas.
"Ang sabihin mo, masyadong Oa ng boyfriend mo. Ang damot damot pagdating sayo." Jennie.
Paglapit ni Lucas ay mabilis na niyakap nito ang nobya.
Parang gustong itago nito sa bisig ang kaibigan niya.
Ang swerte talaga ni Sophia dahil halata kay Lucas na mahal na mahal nito ang kaibigan nila.
"Ako Kaya kailan ko kaya yan mararanasan kay Yohann?" napatigil siya sa pag-iisip ng inis na nagsalita si Lucas.
"Who did that to you?" Tanong ni Lucas kay Sophia pero nakangiting nagkibit balikat lang ang kaibigan nila.
Naiinis na bumaling naman si Lucas sa kanila.
Masyadong seloso ito at ayaw nitong madaming tumitingin kay Sophia lalo na sa mga lalaki.
Nagtinginan silang magkakaibigan sabay kibit balikat.
Ang sarap talaga nitong asarin.
"Hayaan mo na, minsan lang naman. Bonding narin namin to." nakangiting sabi nalang ni Sophia.
Halatang sanay na ito sa pagiging seloso ng nobyo nito, sa maliit man o malaking bagay. Hinawakan pa ni Sophia ang kamay ni Lucas.
"Pero babe, halos lahat ng lalaki dito sayo nakatingin." Umamo ang tingin nito kay Sophia pero pag lingon nito sa kanila ay ang sama bigla ng tingin.
ika nga, if looks can kill, they're dead.
Sophia how to be you po?
Maamong parang tupa si Lucas pagdating kay Sophia, pero pag sa ibang tao ay masungit ito. Ni hindi mo ito basta basta makakausap.
''Hep"! Awat ni Jennie na nakapameywang pa." Sa ganda namin impossibleng si Sophia lang noh? OA mo talaga Lucas. SUPER..." maarteng hawi pa nito ng buhok
at may pagbubuhat pa ito ng bangko.
"Oo nga naman." segunda nalang din niya. Syempre nagbuhat narin siya sa sarili. "At lahat naman ng babae rito magaganda, hindi lang kami. " Dagdag pa niya.
"See? Wala kang laban sa mga lokaret kong kaibigan." Wika ni sophia.
"Why don't you remove that now? Do you have tissue babe? I'll wipe that out." nakasimangot paring wika nito sa nobya sabay nakakamatay parin ang tingin ang ibinaling sa kanila na Akala mo'y nakagawa sila Ng malaking kasalanan.
Natawa sila sa sinabi ni Lucas.
Umiling naman si Sophia "Hindi pwede ,sayang naman ang effort ng mga Yan ." Tawa pa nito. "Lalo na si Crista."
Napabuntong hininga nalang si lucas at wala Ng nagawa.
"Let's get out of here. Let's go to my car. I don't like men seeing you like that. Nakakairita." sabay hila nito kay Sophia.
"Teka anong gagawin niyo dun?" Pilyang pigil ni Jennie, may naglalarong ngiti sa labi ng kaibigan. Kahit siya ay napangisi rin. "Sa dami ng lugar na aayain mo ang kaibigan namin, sa sasakyan mo pa talaga? Kayo ha?"
Kitang kita naman niya ang pamumula ng pisngi ni Sophia kaya napangiti siya.
"Wala ka na dun." badtrip paring wika ni Lucas sabay hila sa kaibigan nila. Pero bigla itong tumigil at binalingan ang tatlong lalaki sa di kalayuan.
"Keep staring at her and you all be dead!" Sita nito sa tatlong lalaking kanina pa nakatingin kay Sophia.
Akmang pupuntahan ni Lucas ang tatlo ng mabilis na nagsitakbuhan ang mga iyon.
Napansin narin niya iyon kanina pa. Halata talagang malakas ang mata ni Lucas pagdating kay Sophia.
Samantalang si Sophia ay natatawa nalang sa asta ng boyfriend nito.
Napangiti nalang siya ng nakitang tinatawanan ni Sophia si Lucas.
Simula kasi ng maging boyfriend nito si Lucas ay lagi na itong nakangiti at tumatawa.
Hindi na ito yung dating Sophia na nakilala nila na laging may sariling mundo at bibihira ngumiti.
Napatingin siya sa mga kaibigan na
Natatawa paring nakatingin sa papalayong badtrip na si Lucas, hawak ang kamay ng kaibigan nilang si Sophia.
"Ang swerte talaga ni Sophia no? Sobrang gwapo ni Lucas. "
Rinig niyang sabi ng babaeng malapit sa kanila.
"Nood muna tayo?" Baling naman ni Jennie Sa kanila . Sabay sabay naman silang tumango at umupo Sa ibabang bleacher.
Tumambol ang puso niya ng makitang pumasok si Yohann at nakauniporme na ito ng pang basketball.
Nakarinig pa siya ng tilian pagdating ni Yohann pero mukhang wala itong pakialam sa mga babaeng nagtitilian. Seryoso lang ang mukha nito at parang may malalim na iniisip.
Bubwelo na sana siyang icheer ito ng pigilan siya ng kamay ni Denise.
"Don't. "
Nang lingunin niya si Denise ay umiling pa uto. "Kahit ngayon lang Sam, na kasama mo kami. Hayaan mong mawala ang init ng ulo ko dahil sa sinabi niya sayo kanina. Kasi kapag ipinahiya ka na naman sa harap namin, baka masuntok ko na yan."
Tumango nalang siya. Uminit naman ang puso niya dahil sa concern nito.
"Tama si Denise, pakipot rin minsan." sabad naman ni Jennie. "Hindi mo makukuha si singkit sa santong paspasan. Dahan dahanin mo minsan."
Napansin niyang umiling si Denise sa sinabi ni Jennie.
"Malay mo Sammy, hahanap hanapin niya ang pangungulit mo." Wika naman ni Crista.
"Sana nga" dalangin niya.
Napangiti naman siya dahil sa mga ito. "Salamat guys "
Nang mag-umpisa na ang basketball practice ng mga ito ay panay tilian na ang mga babae. Silang apat naman ay abala lang sa panunuod. Halos karamihan ay pangalan ni Yohann ang naririnig niya sa mga sigawan ng mga babae.
Grabe ang pagpipigil niyang tumili pag napapashoot si Yohann ng Bola. Bibihira lang itong magmintis kaya naman halos mga babae ay dito nagtitilian.
"Ang galing magshoot ni Yohann no? Sa kama kaya, magaling din siguro. I wondered why he's not dating anyone. Tiyak na swerte ang magiging girlfriend ni Yohann, napakayummy at gusto silent type of guy. Ang sarap pikutin."
Napantig ang tenga niya sa narinig, naghagikhikan pa ang mga babaeng nasa itaas nila. Sabay sabay silang magkakaibigan na napabaling itaas at nakita nilang natigilan ang tatlong babae nang makita sila. Tatlong bleacher ang pagitan nila sa tatlong babaeng iyon.
Natahimik naman ang mga ito at ibinalik nalang ulit ang tingin sa panunuod.
Pagbaling niya sa mga naglalaro ay saktong napatingin naman sa kanya si Yohann.
"Wag mong ngingitian." Rinig niyang babala ni Crista.
Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya si Crista pero hindi ito nakatingin sa kanya, pero alam niyang siya ang tinutukoy nito.
Hindi niya inalis ang pagtingin kay Yohann, pero ito ay hindi na nakatingin sa kanya.
Kasalukuyan na itong nagpapahinga.
Napabuntong hininga nalang siya pero bigla siyang napasimangot nang may babaeng lumapit kay Yohann at binigyan si Yohann ng towel at tubig.
Hindi kinuha ni Yohann ang bigay ng babae, sa halip ay napabaling ng tingin si Yohann sa kanya, tumitig rin siya rito pero bigla siyang tumayo at inalis narin ang tingin sa binata. Baka kasi kapag nakipagtitigan siya rito ay hindi niya mapigilang lapitan ito. "Tara na." Yaya niya sa mga kaibigan, pinilit niyang wag ibaling ang tingin kay Yohann. Baka kasi pag nagtagal sila ay hindi niya mapigilan ang sarili at kausapin parin ito. Kailangan niya munang lumayo rito dahil baka masuntok nga ito ni Denise.
Tumayo naman agad ang mga kaibigan niya. Madadaanan nila ang pwesto ni Yohann pero hindi niya ito tinignan. Ipinangako niya sa mga kaibigan na hindi muna ito papansinin ngayon, lalo pa't kasama niya ang mga kaibigan. Kilala pa naman niya si Denise, alam niyang hindi ito nagbibiro kanina tungkol sa pagpapahiya sa kanya ni Yohann sa harap ng mga kaibigan niya.
Ayaw muna niyang madouble kill, dahil baka pag pinansin niya ngayon si Yohann ay baka mapahiya na naman siya.
"Wag kang titingin sa kanya." Pasimpleng sabi ni Jennie.
"Pag tinignan mo siya, susuntukin ko yan."
Napangiwi naman siya sa sinabi ni Denise kaya pinigilan niya ang sarili, takot niya lang sa gagawin nito. May pagkabrutal talaga ito minsan.
Pakiramdam niya ay nakatingin sa kanya si Yohann pero hindi niya ito tinignan dahil natatakot siya sa Babala ni Denise.
Nakahinga siya ng maluwag nang malagpasan na nila si Yohann ng hindi siya tumitingin dito pero muntik na siyang mapahinto sa paglalakad ng marinig niyang nagsalita ang binata.
"Samantha.."
Nagtuloy tuloy siya sa paglalakad at nagkunwaring hindi ito nakita o narinig.
"SAMANTHA...." Rinig niya ang mariing pagbigkas ulit ni Yohann sa pangalan niya, pero tuloy lang siya sa paglalakad.
Ni hindi niya pinansin o nilingon at nagpasalamat siya sa sarili ng makalabas na sila sa court. Nakahinga pa siya ng maluwag pagkalabas nila, marupok siya pagdating kay yohann pero pinanghahawakan niyang huwag pansinin muna ito dahil sa babala ni Denise.
Pero ang ipinagtaka niya lang ay kung anong sasabihin ni Yohann sa kanya.
Habang hinihintay nila ang prof nila ay may kumalabit sa likod ni Samantha.
Si Albert. Kaklase niya.
Nginitian naman niya ang binata. "Bakit?" Tanong niya. Iniwasan niyang mapatingin sa likod ni Albert dahil nakaupo roon si Yohann.
Nangako siya sa kaibigan na si Denise at Jennie na hindi muna niya papansinin si Yohann hanggang nandito siya sa campus nila .
"Pag uwi nalang." pilyang aniya sa sarili. Hirap na hirap siyang hindi pansinin si Yohann.
"May extra pen ka?" Nakangiti namang tanong ni Albert.
Malawak na ngumisi siya. "Oo."
"Pahiram."
"Bilhin mo nalang." Nakangisi paring wika niya rito. May nakakalokong pumasok sa isip niya.
"Magkano?"
"100. Pang jollibee."
Natawa naman ng malakas si Albert dahilan para maglingunan ang mga kaklase nila rito. "Bat ang mahal?" Parang tuwang tuwa pang tanong nito. Ni hindi man lang nainis na napakamahal ng iprinesyo niya.
She shrugged. "Ganun talaga. Ayaw mo? Take it or leave it." Pigil na pigil ang tawa niya. Hindi naman niya ibebenta iyon ng isang daan, gusto niya lang biruin ito dahil wala pa naman ang prof nila. Kabiruan niya rin kasi ito minsan. Sa katunayan ay nilibre niya ito noon ng quek-quek sa labas pagkatapos siya nito noong tulungan magbuhat ng mga pinamili niyang ingredients para sa ibibake niya. Bigla kasing nagkabungguan ang landas nila roon, kaya para pasalamatan ay inilibre niya ito ng quek-quek sa labas, na first time din nitong matikman iyon.
Natawa siya bigla ng maglabas nga ng isang daan si Albert. Kilala niya ang pamilya nito at alam niyang nasa prominenteng pamilya ito, pero ballpen hindi makabili bili.
Binabawi na niya ang sinabi niya sa isip niya na biro lang ang paniningil niya rito. At dahil wala naman itong pagdadalawang isip na kumuha ng isang daan ay kukunin na niya.
Sayang naman kung tanggihan ang sinadyang grasya.
Agad na kinuha niya ang isang daan nito at ibinigay naman kay Albert ang nagtatae na extra ballpen niya.
"O hayan, bibihira lang ang nagamit niyan ngayon." Tumatawang wika niya.
Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niya na hindi maipinta ang mukha ni Yohann, siguro dahil nakukulitan ito sa kanilang dalawa ni Albert.
Tahimik lang kasi ito at ayaw nito ng maingay at magulo sa klase.
Tumawa ulit ng malakas si Albert, dahil pagkabigay niya ng ballpen ay may maliit na tinta ang nahulog sa papel nito.
"You're so witty Sammy. Ang sarap mo sigurong maging close friend kahit na luging lugi ako sayo."
"Talaga? Pero pwede naman tayong maging close friend." Nakangising aniya.
"Talaga?" Tanong nito na parang tuwang tuwa sa kanya. Ang mukha nito ay parang gusto siyang ibalot at iuwi sa bahay nito.
Narinig niyang sunod sunod na umubo si Yohann pero hindi niya ito pinansin. Deadma muna ang peg niya rito. Baka kasi totohanin ni Denise ang pagsuntok kay Yohann, mahirap na.
Sinenyasan nalang niya si Albert na lumapit sa kanya.
Pero bago makalapit si Albert sa kanya ay narinig niyang nagsalita si Yohann.
"Parating na si prof. "
Hindi niya nilingon si Yohann na parang naiirita ang boses, bagkus ay tumingin siya sa pintuan pero wala namang prof na dumating.
Dahil wala pa ang prof nila ay sinenyasan niya muli si Albert na lumapit sa kanya.
May narinig siyang parang may mabigat na bumagsak sa sahig pero hindi niya iyon pinansin at nang lumapit na si Albert sa kanya ay agad binulungan na niya ito. "Pwede tayong maging close."
"Paano?" Bulong naman ni Albert.
May narinig siyang parang nagpupunit punit ng papel pero hindi niya ulit iyon pinansin .
Inilapit niya ang bibig sa tenga ni albert at ginamit ang dalawang palad niya pantakip para walang makarinig sa sasabihin niya. " Dapat bading ka. 'Pag bading ka, tiyak magiging close friend tayo. Baka kasi pag naging close friend tayo magkagusto ka sakin." Biro niya sa huli niyang sinabi.
Nanigas saglit ang katawan ni Albert hanggang sa bigla itong tumawa ng malakas.
Umayos na ito ng upo habang natatawa parin. "Ang cute cute mo talaga Sammy."
"Si Crista ang cute. Maganda ako."
"Oo na. Pakurot nga ng pisngi mo." Tuwang tuwa na wika ni Albert.
Sino ba siya para tumanggi? Isa lang naman siyang magandang nilalang.
Nginitian niya ng matamis si Albert. "Syempre may bayad ulit. Limang daan para sa isang pisnging kurot."
Tumawa na naman ng malakas si Albert.
"Uuyy, baka kayo ang magkatuluyan niyan ha?" Tudyo ng isang kaklase nila.
Sasabihan niya sana na may Yohann na siya ,nang mapabaling ang tingin niya kay Denise at tinaasan siya ng kilay. Kilala niya ang kaibigan, at alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ni Denise. Alam nito na babanggitin niya ang pangalan ni Yohann kaya siya tinaasan ng kilay na parang sinasabing
"Subukan mong banggitin si Yohann ."
"Bagay daw tayo Sammy."
Napabaling ulit ang tingin niya kay Albert. Pangiti ngiti pa ito at parang sinasakyan ang sinabi ng kaklase nila.
Nakangising tinaasan naman niya ito ng kilay. "Wala naman silang sinabing bagay tayo ah."
Ngumisi naman sa kanya si Albert. "Kaya nga sabi ko bagay tayo, kasi diniretsong magkatuluyan agad ang sinabi nila. Gusto mo bang magkatuluyan nalang tayo?"
Nagtudyuan na naman ang kaklase nila. Natatawang naiiling nalang siya. "Pag ako nakatuluyan mo, baka mamulubi ka." Biro naman niya.
"Basta ba kasama kita." Pagsasakay naman nito.
''Kahit pa ano ang ipabili ko?''
''Kung saan ka masaya, masaya narin ako. Hindi ka naman magastos eh.''
"At pano mo nasabi yan?"
"Kasi ikaw, kumakain ka ng quek-quek, samantalang ako, never pang nakakain nun pero dahil sayo, nakakain ako nun. Mura na pero masarap pa. Salamat pala dahil nilibre mo ako ng quek-quek noon, dahil sayo nalaman ko na masarap din pala ang mga Street food."
"Hala, nagdate na kayo?!" Sigaw ng isang kaklase nila at muling kinantyaw ulit silang dalawa.
"Fake news yan!" Natatawang sigaw niya rin sa nagsalita.
"Naku, malay mo Sam, si Albert pala talaga ang para sayo!"
Nagtawanan at nagsigawan na naman ang kaklase nila.
Mula sa gilid ng mata niya ay nagtaka siya nang mapansin si Yohann na padabog na inilalapag ang tatlong notes nito sa desk nito.
"Pahinging limang daan at pag iisipan ko." Tumatawang biro niya nalang ulit. "Sabagay, hindi na masama. Gwapo ka naman at mabait. Mukhang magkakasundo tayo." Pagsakay niya rin.
Parang may mahinang boses na nagmura pero hindi nalang niya iyon pinansin. Masyadong maingay ang mga kaklase niya sa panunudyo sa kanila ni Albert kaya baka namali lang siya ng pandinig.
Pero napaangat ang tingin niya ng biglang padabog na tumayo si Yohann. Walang emosyon ang mukha nito ng tignan niya ito.
Pero ganoon nalang ang pag-awang ng labi niya ng maglakad ito at huminto ito sa upuan niya, saka nito hinugot ang wallet nito at padabog na inilapag ang isang libo sa mesa niya.
"Ang ingay mo." Malamig na boses na wika nito saka walang emosyon na bumalik sa upuan nito
Wala ni isa ang nagtangkang magsalita dahil sa dilim ng anyo ni Yohann.
Wala sa sariling napatingin siya sa isang libo na nasa harap niya hanggang sa unti unti siyang napangiti.
One week jollibee
Yohann De Silva