Namamanghang ipinalibot ni Samantha ang tingin sa buong paligid. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong napakagandang tanawin, parang napakasagrado Ng lugar na Iyon. Ngayon niya lang nalaman na may itinatago pa palang ganda ang islang ito. Ibinalik niya ang tingin kay Yohann pero dali dali din siyang umiwas ng tingin dito. Para kasing napapaso siya sa intensidad ng pagtitig nito sa kanya. "Ano na naman ba ang binabalak nito?" Sa isip-isip niya. "Ibaba mo na ako Yohann, mamaya baka dumating na si Clinton at hanapin na ako." Nakahinga siya ng maluwag ng ibaba siya nito. Akmang maglalakad na siya pabalik nang magsalita si Yohann. "Wag mo na siyang hintayin pa, hindi na babalik si Clinton dito." Mabilis na nilingon niya ito. "Anong sabi mo?" Muling sumikdo ang puso niya. "Sinasabi ko na

