CHAPTER 16

3219 Words
Nagmamadaling naglakad si Samantha papunta sa parking area, pumuslit lang kasi siya para hindi siya makita ni Yohann. Tiyak na magtatanong ito kung saan siya pupunta at baka pagmulan na naman nila ng away ang pakikipagkita niya kay Angelo. Natapos na kasi ang klase nila at napag-usapan nila ni Angelo na sa parking area sila mag-uusap. Nang makita si Angelo na kumakaway sa loob ng sasakyan nito ay dali dali siyang pumasok sa loob. Pagpasok niya ay ilang Slsegundo muna itong nanahimik. Halata sa mukha nito ang pag-aalinlangan. "Anong problema mo? Hindi ako sanay na ganyan ka." Wika niya ng hindi parin ito nagsasalita. Bumuntong hininga muna ito. "I need your help Sammy." Nagsusumamo ang mukhang tumingin ito sakanya. Hindi na siya nagtanong pa at hinintay nalang niyang magsalita ito. "May business partner si papa na nakakita saming dalawa ni Tom sa Baguio. He saw us hugging Sammy, at nakarating iyon kay papa." Frustrated na wika nito. Napatampal siya sa kanyang noo. "Bakit hindi mo nalang sabihin sa papa mo ang totoo?" "Binalak ko Sammy, pero tinatanong palang niya ako, nanakit bigla ang puso ni papa. Idinala namin siya agad sa hospital. Grabe ang takot ko, sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari kay papa." Bumuntong hininga muna ito bago nagpatuloy. "After niya magising sa hospital, tinanong niya ulit ako kung totoo ba ang nalaman niya sa business partner niya at sabi ko, kaibigan ko lang si Tom. Sinabi ko rin na baka yung yakapan na nakita ng business partner niya ay ang nasaktuhang nagkita kami roon ni Tom at nagkamustahan." "Naniwala ba papa mo?" "That's the reason why I called you." "Huh? Bakit?"naguguluhang tanong niya. "Hindi siya naniwala sakin Sammy at natakot ako dahil parang aatakihin na naman ito sa puso, kaya sinabi kong paano ako magkakaroon ng relasyon sa kapwa ko lalake kung may girlfriend ako?" Nanlaki ang mata niya, hindi pa man nito sinasabi ang susunod na sasabihin nito ay parang alam na niya ang gustong hinging tulong nito. "I need your help Sammy, kahit ngayon lang. Pwede ka bang magpanggap na girlfriend ko?" Nag-aalangan man ay tumango parin siya. Naaawa siya sa kaibigan, alam niyang hirap na hirap na ito sa sitwasyon nito. Napakahirap na sarili nitong ama ay hindi matanggap kung ano man ang kasarian nito. "Kailan ba?" tanong niya. "Ngayon mismo. Pupunta tayo sa hospital. Gusto ka ng makita at makilala ni papa." "Ha?! Agad agad?!" Gulat na tanong niya. Hindi kasi niya alam kung magagampanan niya ng maayos ang pagpapanggap nilang dalawa, at isa pang problema niya ay hindi siya nakapagpaalam kay Yohann. Tiyak na hahanapin siya nito o baka nga hinahanap na siya ngayon. "I'm sorry Sammy. Ikaw lang kasi ang naisip kong tutulong sakin. Wala na akong ibang malalapitan kundi ikaw. Pero kung hindi ka pa ready, sasabihin ko kay papa na sa ibang araw nalang kita ipapakilala." Napatitig siya sa mukha ng kaibigan. Mukhang frustrated na ito at halata sa mukha na may pinagdadaanang mabigat na problema. Why can't a father accept his son for being a gay? Ganoon ba iyon makasalanan sa mata ng ibang tao? Pare parehas silang gawa ng diyos jaya dapat pare parehas din kung ituring sila. Hindi naman kasalanan ng isang tao na maramdaman na iba ang gusto nitong kasarian. Nararamdaman iyon at hindi iyon napipigilan. May kilala siyang bading at malapit iyon sa puso niya. At hindi kagaya ni Angelo, dahil tanggap na tanggap ito ng pamilya nito at suportado sa kinahihiligan nito. Ito ay si kuya Alexis, kapatid ni Jennie. Kung sana ay ganoon lahat ng magulang, ang kayang tanggapin ang anak kung ano man ang kasarian nito nang wala ng kagaya ni Angelo na nasasaktan at nahihirapan. Hinawakan niya ang kamay nito at nginitian. "It's okay. Tutulungan kita. Puntahan na natin ang papa mo ngayon sa hospital." Nagliwanag naman ang mukha ni Angelo. "Salamat Sam!" Mabilis naman siya nitong niyakap. "Ang laki ng utang na loob ko sayo." "What are friends are for? Hindi mo ba alam na may talent ako sa pag-arte? Tara na't chikahin at etchosin na natin ang iyong fudra." Humiwalay naman ito sa pagkakayakap sa kanya saka siya nginitian. "Now I know kung bakit mahal na mahal ka ni YOhann. Hindi ka lang maganda, napakabuti mo pa, puro ka nga lang kalokohan." Natatawang anito. Nginisihan niya lang ito. "I'm serious Sammy. Nakikita ko kung gaano ka kamahal ni Yohann, masyado siyang possessive pagdating sayo." Napangiti naman siya sa sinabi nito. "And because of that, samahan mo ako kay Yohann after natin pumunta kay papa." "Bakit?" Kunot noong tanong niya. "To tell him na wala siyang dapat ikaselos sa akin. Alam ko namang pinagseselosan niya ako. Lalake parin ako Sammy, kahit pusong babae ako. Alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kaya sasabihin ko sakanya kung ano man ang pagkatao ko para hindi na niya ako pagselosan pa." Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwala. "Huh? Are you sure?" "Oo naman. Mukha namang mapagkakatiwalaan si Yohann at tsaka hindi naman siya mukhang tsismoso para ipagkalat na lalake ang gustong gusto ko." Titig na titig na anito. "Tiyak na magugulat yun pag nalaman na lalake ang gusto mo. Mas lalong magugulat yun pag nalaman niyang pinagnanasahan mo dati ang pinsan niyang si Lucas. " Natatawa niyang sabi. Patay na patay kasi ito dati kay Lucas. Nalaman niya iyon ng dumalaw siya sa condo nito noon, may mga nakadikit kasi na pictures ni Lucas sa kwarto nito. Puro stolen shots. Napansin niyang napangiwi ito pagkuwa'y pinisil ang pisngi niya. "Heh! Matagal na yun, at tsaka itinapon ko na simula ng maging kami ni Tom." "Talaga? Itinapon mo?" "Ahem, nakatago lang." Sabay silang nagtawanan nang bigla niyang maalala si Yohann. Tiyak na hinahanap na siya nito. Pagkabukas niya ng kanyang cellphone ay naka 20missed calls ito. Binasa niya ang mga txt msgs ng nobyo. "Baby nasaan ka?" "Baby?" "Bakit di mo sinasagot tawag ko? I'm worried." "Ba't di ka nagpaalam sa akin ? Nawala ka nalang bigla pagkatapos ng klase. Ni hindi ka man lang nagsabi kung saan ka pupunta." "Nasaan ka ba? Are you busy?" Hindi na niya nireplyan ito at pinatay niya muna ang kanyang cellphone. Tsaka nalang siya magpapaliwanag mamaya. Tutal sasamahan naman siya ni Angelo na sabihin ang totoong pagkatao nito kay Yohann. Mas maganda naman kasing sabihin iyon sa personal kaysa sa txt lang o tawag. At isa pa, para makapagkausap ng maayos ang dalawa. Iniimagine niya palang ang magiging reaksyon ni Yohann ay natatawa na siya. Paanong hindi? Pinakapinagseselosan nitong lalaki ay kapwa lalaki rin ang gusto. "Let's go?" Untag sa kanya ni Angelo. Nilingon tsaka tinanguan niya ang kaibigan. "Finally! Good to see you hija." Nakangiting bungad sakanya ng papa ni Angelo. Nakaupong nakasandal ito sa hospital bed. Mukhang malakas na ito at pwede ng Idischarge. "Good afternoon po Tito." Kinakabahang nakipagkamay siya sa matanda. Itsura palang nito ay mukhang istrikto na. Mula sa gilid ng mata niya ay nakita niyang kinakabahan din ang kaibigan at halatang hindi mapakali, kaya naman huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. Hindi pwedeng parehas silang kinakabahan dahil baka matiklo sila ng ama nito. Nilapitan niya ang kaibigan at iniyakap niya ang kamay sa bewang ni Angelo. Kung hindi sila aarte ng maayos ay hindi maniniwala ang papa nito. Napaigtad naman si Angelo sa ginawa niya at mukhang naintindihan naman nito ang tinging ipinapahiwatig niya. Inakbayan siya nito tsaka ipinakilala. "Dad, this is Samantha Perez, my girlfriend." Maluwag naman ang pagkakangiti ng papa nito habang pinagmamasdan silang dalawa. "I'm so happy to finally meet you hija. Marunong pala itong anak kong pumili, napakaganda mo." "Salamat po Tito. Gwapo din naman po ang anak niyo, mukhang mana po sa inyo." Pambobola pa niya. "Ang pogi niyo po pala sa personal. Sa picture ko lang po kasi kayo nakita." Natawa naman ang papa nito sa sinabi niya. "I like you hija. Mukhang magkakasunod tayo. By the way, matagal na ba kayo nitong anak ko?" "Mag-iisang buwan palang kami pa, pero matagal kaming naging magkaibigan." Si Angelo ang sumagot. Tumango tango naman ito. "Hindi ko nga po alam na may gusto pala sakin 'tong anak niyo Tito. Nakipagkaibigan sakin, yun pala ay may lihim na pagtingin. Ako naman si kaibigan, napaibig rin." Dagdag pa niya at tinusok tusok pa ang bewang ni Angelo. Natawa ito pero hindi niya lang alam kung saan ito natawa, kung sa pagkiliti niya o sa sinabi niya. Halatang tuwang-tuwa na nakatitig sa kanilang dalawa ang ama ni Angelo. "Angelo, pagkalabas ko dito sa hospital, gusto kong mag dinner tayong tatlo sa bahay." Agad namang napatingin sa kanya si Angelo, halata sa mata nito na humihingi ng pirmiso kaya pasimpleng kinuha niya ang kamay nito at pinisil saka muling binalingan ang matanda. "Sige po Tito, maaasahan niyo po. Pwede po ba kayo kumain ng cake? Ipagbibake ko po kayo." "Really? I love cakes. Sa akin namana ni Angelo ang kahiligan sa cake." "Her cakes are the best dad. If I say the best, means it's the best in the whole wide world." Singit naman ni Angelo na ikinatawa niya ng malakas. "Pambobolo na yan Angelo." Masuyong nginitian naman siya ng kaibigan. "Totoo naman. The first time I tasted your cake, I don't want to eat cakes anymore other than your bakes and my mom's cake." "Do you know hija, that my wife is a pastry chef? Kaya siguro nagustuhan ka ng anak ko dahil mahilig siya sa cakes, para narin makalibre ng cakes sayo." Sabi ng papa ni Angelo pero halatang biro ang huling sinabi nito. Akmang makikipagbiruan rin siya sa matanda ng biglang naunang nagsalita si Angelo. "That's not true dad. I love all about her, not just her cakes. But the most I like is her personality. May pagkajoker yan, hindi lang halata sa mukha." Natatawang sabi naman ni Angelo. "Ikaw naman may pagkasuplado sa babae. Daig mo pa ang babaeng nireregla." Agad na itinikom niya ang bibig pero agad ring napatingin sa ama ni Angelo ng bigla itong tumawa ng malakas na ipinagtaka niya. Napayakap tuloy siya bigla sa kaibigan. "Ahm, pa, I'm sorry but we need to go. Pasensiya na kayo kung saglit lang kami ngayon kasi sasamahan ko pa si Sam na bumili ng damit para sa nalalapit na graduation namin." Biglang paalam ni Angelo. "It's okay Son. Samahan mo na ang girlfriend mo. Okay lang ako dito. Atleast nakilala ko na siya." Halata SA mukha Ng ama ni Angelo na tuwang tuwa SA nakikitang pagkayakap niya SA bewang ni Angelo. "Basta siguraduhin mong aalagaan mo ang girlfriend mo. I like her. Nakakatuwa ang girlfriend mo." "I will dad." Tumingin naman sakanya ang matanda kaya nginitian niya ito ng matamis. "Sige po, Alis na kami. Next time nalang po ulit tayo magchikahan. Pag nagdala po ako ng cake, para sa inyo lang po iyon ha? Hayaan niyo si Angelo na mainggit." Natawa itong muli habang si Angelo ay pangiti ngiti lang. "Sige po Tito, alis na po kami. Nice meeting you po ." Aniya tsaka bumeso dito. "Sige hija, mag-ingat kayo." "Bye dad." Nakahinga silang dalawa ni Angelo ng maluwag ng makalabas sa hospital. "Thank you Sam." Angelo smiled at her. Tinapik naman niya ito sa balikat. "Okay lang yun. Basta libre mo ako ng jolibee ha?" Natawa naman ito sa sinabi niya. "Puntahan na natin si Yohann?" Tanong nito. "Bukas nalang natin sabihin. Mag-gagabi na eh." Hindi naman siya nagmamadali at may bukas pa naman. Ngumiti naman ito saka tumango. "So hatid na kita?" "Hindi na." Tanggi niya. "Magtataxi nalang ako." "I insist Sam. Gabi na. Baka kung ano pa ang mangyari sayo sa daan. Ako ang kasama mong umalis, kaya ako dapat ang kasama mong pauwi." Hinawakan niya ang kamay nito. "It's okay Angelo. Alam ko madami kang iniisip ngayon. Don't worry, I can take care of myself. Magpahinga ka nalang." Nakikita niya kasing problemado parin ito. Alam niyang mahirap para dito ang maglihim sa ama nito. "Are you sure?" Nakangiting tinanguan naman niya ito. Nang makakita ng taxi ay mabilis niya iyon pinara. "Sige na, alis na ako. Ingat ka sa pagmamaneho." Naglakad naman ito papunta sa taxi driver. "Kuya ingatan mo yang kaibigan ko ha? Alam ko plate number niyo. Pag may nangyaring masama diyan, ipapakulong ko kayo." Nakita naman niya sa rearview mirror na biglang namutla ang driver. "O-opo." Agad naman niyang sinaway ang kaibigan. "Hoy! Huwag ka ngang ganyan kay kuya. Hindi pa man kami nakakaandar baka ibaba na niya ako sa takot sa banta mo." "Joke lang kuya." Mabilis na sabi ni Angelo, pero mukha paring seryoso. "S-sige po ser." Naiiling na kinawayan nalang niya ang kaibigan. PAGPASOK na pagpasok ni Samantha sa kanyang silid ay mabilis siyang humiga at binuksan ang kanyang cellphone. Napakunot noo siya ng mga ilang minuto na ang nakalipas ay walang dumating na txt Msgs si Yohann. Ang huling txt nito ay yung kanina pang nabasa niya. Tinawagan niya ito pero hindi nito sinasagot. Isang oras na ang nakalipas pero hindi parin niya makontak ang nobyo, hanggang sa makarinig siya ng busina ng sasakyan. Dali dali siyang pumunta sa may bintana at tumingin sa ibaba. Nakita niya ang sasakyan ni Yohann na papasok na sa garahe ng mga ito. Nagtaka pa siya dahil nauna pa siyang makauwi dito. Saan kaya ito nanggaling? Mabilis siyang nagbihis at pumunta kila Yohann. "Oh Sam, hindi ata kayo sabay ni sir Yohann?" Tanong ni yaya Rosa. "May pinuntahan kasi ako 'ya. " "Ah sige. Puntahan mo na si sir Yohann sa taas." "Sige po." Excited na umakyat siya sa silid nito. Nang pihitin niya ang siradura ng pintuan ay bumukas iyon. Napangiti siya dahil hindi iyon nakalock. Pagkabukas na pagbukas niya ng pintuan ay nagulat siya sa nabungaran. Nagkalat kasi ang mga gamit nito sa sahig. Basag rin ang isang antique vase nito na iniingatan nito. Puno ng pagtatakang tinignan niya ang nobyo na nakahigang nakapikit. Hindi pa ito nakakapagbihis. "Yohann, baby, okay ka lang? May problema ba?" nag-aalalang nilapitan niya ito. Alam niyang gising ito. Dahan dahan baman nitong iminulat ang mata tsaka umupo. "Get out." Walang emosyon na tinignan siya. Agad siyang pinanlamigan at hindi niya alam kung bakit kinabahan siya sa klase ng tingin nito. Ito ang unang beses niyang marinig ang ganoong boses nito. Kahit pa noong hindi pa siya nito pinapansin ay hindi pa niya ito naririnig na magsalita kagaya ng pananalita nito ngayon. Walang bakas na kahit anong imosyon sa mukha nito na lalo niyang ikinabahala. "A-ano bang problema Yohann?Bakit mo ako pinapaalis?"Kinakabahang wika niya. Ang mga palad niya ay nag-umpisa ng mamawis at manlamig "I said GET OUT." "Yohann, ano ba kasi ang problema mo? May sakit ka ba?" Akmang idadampi niya ang kamay sa noo nito ng hinawi nito ang kamay niya. Ngumisi ito ng nakakaloko. Parang ibang ibang Yohann ang nakikita niya ngayon. Sa buong buhay niya, ngayon niya lang ito nakitang ganoon. "Umalis ka na. Tapos na tayo Samantha. Simula ngayon, hindi na kita girlfriend. Naiintindihan mo ba? Hindi na kita girlfriend." Parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito. "T-teka lang n-naman Yohann. A-ano bang problema mo?" Naluluha ng tanong niya, ang boses niya ay nanginginig narin. Hindi niya matanggap ang sinabi nito. Hindi niya kaya. Bigla bigla nalang itong magsasabi ng ganoon ng walang dahilan. Sobrang mahal niya ang binata kaya parang gumuho ang mundo niya sa sinabi nito. Nanginginig ang katawan niya sa takot at hindi matanggap ang sinabi nito. "Hindi pwede. Hindi pwede!" Akmang yayakapin niya ito ng itulak siya ni Yohann. Napakagat labi siya para pigilan ang paghikbi. Bumabalot na ang takot sa buong pagkatao niya dahil sa mga kilos at sinasabi nito. Ano bang ginawa niya?! "Hindi mo ba narinig? Wala na tayo Samantha. Ayoko na sayo. Sawa na ako sayo. Kasawa-sawa ka pala." Tumawa pa ito ng nakakainsulto. "Ang sarap mo palang paglaruan no? Pero dahil nagsawa ako agad, nakikipaghiwalay ako sayo." Mabilis niya itong sinampal na agad naman niyang pinagsisihan. Nilapitan niya agad si Yohann. "I-im sorry Yohann. Hindi ko sinasadya." Akmang hahaplusin niya ang pisngi nitong nasampal niya ng mabilis nitong hinarang ang kamay nito, kaya nagsalita siyang muli. "Ano bang problema? Sabihin mo sakin please... Babaguhin ko. Wag mo naman akong iwan Yohann. Mahal na mahal kita." Mabilis niyang pinunasan ang sunod sunod na pagtulo ng Luha niya. "Tapos na tayo Samantha. Umalis Ka na." May diing pahayag nito. "Diba sabi mo mahal mo ako? Ramdam kong mahal mo ako Yohann. Sabihin mo sakin kung anong problema mo. Mahal na mahal kita eh. Hindi ko kaya. Yohann Naman." Pinipilit niyang yakapin ito pero itinutulak lang siya palayo. Nasasaktan siya dahil parang diring dito ito sakanya. Pero napatulala siya ng nakakalokong tumawa ito. "Wala akong problema." Ngumisi si Yohann habang nakatitig sa kanya. Parang diring-diri na tinignan siya mula ulo hanggang paa. Kahit umiiyak na siya at nagmamakaawa sa harap nito ay parang wala itong pakialam sakanya. "Mahal? At naniwala ka naman? Lahat ng sinabi ko sayo sa Baguio ay puro kasinungalingan. Katawan mo lang ang gusto ko Samantha. Wala ng iba. Ikaw 'tong lapit ng lapit diba? Kaya pumasok sa isip ko na, bakit hindi kita tikman? Kung ikaw naman ang lapit ng lapit diba? Tinikman ko lang yang katawan mo at nagsawa na ako. Hindi mo naman kailangan magsisi diba? Gustong gusto mo pa nga." ngumisi pa ito na parang demonyo. Kay Lucas lang niya nakita iyon, pero ngayon ay sa taong pinakamamahal na niya, at sakanya pa talaga ipinakita. "I'm done using your body Samantha. Anyway, thank you for letting me used you. Don't worry, you satisfied my needs. I just don't want your body anymore. And you know what? I see you as a w***e that's why I love f*****g you. Wala ka kasing kapalag palag kahit ilang beses kitang angkinin. Kaya siguro agad akong nagsawa sayo." Malakas na sinampal niya ito at hindi na niya iyon pinagsisihan pa. Nanginginig ang buong katawan niya sa pinaghalong galit at sakit dahil sa mga binitawan nitong salita. Para siyang tinarakan ng punyal sa dibdib ng paulit ulit. Bakit nito nagawa iyon sa kanya? Wala siyang ibang ginawa kundi ibuhos lahat dito ang pagmamahal niya! Sunod-sunod ang luhang namalisbis sa mata niya habang nakatingin sa mukha nito. Hindi siya makapaniwala na ang lalakeng mahal niya ay nakakapagbitiw ng ganoong salita para saktan siya. Pinunasan niya muna ang kanyang mga luha gamit ang kanyang kamay. Hinding hindi na niya sasayangin ang luha sa ganitong klaseng lalake. Pinagsisisihan niyang minahal niya pa ito. Sobrang sakit at para siyang pinapatay ng paulit ulit. Pagkatapos ng masasayang araw na nangyari sa kanila, pagkatapos iparamdam nito na mahal siya, sasabihin lang nitong hindi siya mahal at katawan lang ang gusto nito sa kanya?! Parang ginugutay gutay ang puso niya habang nakatitig sa walang emosyon nitong mata. Ilang segundong punong puno ng galit at pagkasuklam na tinitigan niya ito. Ipinakita niya dito kung gaano niya ito kinasusuklaman. "Is that all? Wala ka ng iba pang sasabihin?" "Just get out. And I don't want to see you face, ever again Samantha." Nginitian niya ito na ikinatanga nito. "Okay. As you wish." Aniya at hindi ito nililingon na lumabas siya sa silid nito. Ipinapangako niyang hindi na ito magkakaroon ng puwang sa puso niya. Wala na ang mahal niyang Yohann. Para sa kanya, hindi na niya ito kilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD