"Angelo is gay Yohann. Kaya imposibleng maging boyfriend ni Sam si Angelo." Natatawa paring sabi ng kanyang ina. Nang sabihin iyon ng kanyang ina ay parang natuklaw ng ahas si Yohann. Bigla itong namutla at parang wala sa sariling naibaba nito ang hawak na kutsara at tinidor, na nagdulot ng malakas na tunog. Napabaling din ang tingin niya kay Akira ng bigla itong nabulunan. Agad naman itong binigyan ni tita Amanda bg tubig at dali dali iyong ininom ng dalaga. Nang mahimasmasan ito ay binalingan nito si Yohann na tulala parin hanggang ngayon. "Tita, excuse me lang po." Pilit na ngiting binalingan ni Akira si tita Amanda na halatang nagtataka sa itsura ng anak nito. "Naalala ko po kasi na may pag-uusapan pala kaming business ni Yohann." "Are you okay son?" Takang tanong naman ni Tito Yo

