Habang namimili si Samantha at Clinton ng souvenir ay napakunot-noo siya nang may marinig siyang pamilyar na boses ng bata. "Hi po kuya angel, do you have cellphone? Can I borrow it? I just need to call my dad." Mabilis siyang napabaling ng tingin. Nagulat siya ng makita ang batang kumausap kay Clinton. "Angel? Why did you call me angel?" Masuyong nginitian nito ang bata na kilalang kilala niya. Masyado itong tutok na tutok kay Clinton kaya hindi siya napapansin. "Because you look like an angel." Inosenteng ani ng bata. Natawa naman ang boyfriend niya kaya sumingit na siya sa mga ito. "Aeros..." Tawag niya sa batang kausap ng nobyo. Mabilis namang lumingon ang bata at nanlaki ang mga mata nito pagkakita sakaniya. "Tita Ganda!" Tuwang tuwang tumakbo ito palapit sakanya, niyakap siy

