Am I inlove?

1509 Words
Alexa's POV "So kumusta?" - ngiting ngiting bati ni Lux sakin habang nginangata ang mansanas ko, OO! MANSANAS KO! punyemas eh! ako pasyente dito akin ang apple na yan! "Ito buhay pa naman ako, buong buo pa yung katawan ko.. Hindi naman basta-basta mamamatay ang masamang damo 'no!" Two days after ng party at gang war na yun, ito at buhay pa naman ako pagkatapos ako saksakin sa likod ng pisteng gangster na yun.. At take note tagos hanggang tiyan ko, may araw din yun sakin pasalamat siya at tulog ako ng two days "Pfft.. Nakabusangot ka na naman.." - pagpipigil tawa ng mokong! Aish! binabadtrip talaga ako neto eh. "Alam mo kelangan mo mag enjoy kahit minsan lang.." -dugtong pa nito habang tumatawa "Tss.. Sino bang nagsabi na hindi ako nag e-enjoy?" -tinignan ko ito sa mga mata... "I enjoyed every single moment that there's a blood on my hand.." -at nginitian ito "Ms. Alexa..." - sabay kaming napatingin ni Lux sa taong kakapasok lang, "Ms. Alexa, na process na po ang paglipat ng shares of income ni Danielo Switzer sa inyo.." -inabot ng secretary ko ang isang envelope agad ko tong tinignan at napangiti, ngayon pwede ko ng mapasok ang mga negosyo ng black gang "What do you mean by that?" -naguguluhang tanong ni Lux sa secretary ko "Danielo Switzer? kapatid ni Anthony Switzer? Bakit nililipat ang shares of income niya kay Alexa?" -tanong pa nito "Hindi pa ba malinaw sayo Lux? Nililipat ang shares of income niya sakin dahil napatay ko siya.." -nakangising sabi ko dito, ang manyak na yun! pasalamat siya saksak na may lason lang ikinamatay niya "Alam mo bang hundreds billion na ang share of income ni Danielo Switzer?" -namamanghang tumingin sakin si Lux.. "Iba ka talaga Alexa.." -dugtong pa nito habang iiling iling ** Jaeger's POV Napakagandang panahon, ang gandang pagmasdan ng langit.. Inayos ko na ang motorbike ko at isinuot ang helmet.. "At saan ka naman pupunta?" -napalingon ako bigla sa nagtanggal ng helmet ko.. "Sa tingin mo ba papayag akong iwan mo ako sa boring na ospital na 'to?" -nakabusangot pa na dugtong nito.. Flashback "Tss.. Sino bang nagsabi na hindi ako nag e-enjoy?" Tinitigan niya ako sa mga mata "I enjoyed every single moment that there's a blood on my hand.." -at ngumiti ito.. Hindi lang simpleng ngiti.. Ngiting nakakatakot EndofFlashback Kapag tinititigan ko ang maganda at maamo niyang mukha, isang halimaw ang nakikita ko.. "Hoy Lux! Alam kong maganda ako, wag mo ako titigan" -nakangising sabi nito habang sinusuot pa ang isang helmet ko Beautiful Monster "Pfft! Sino bang nagsabi na maganda ka?" -pang iinis ko dito "Pakyu ka Lux!" -bulyaw nito "Ano? Gwapo ako?" -pang iinis ko pa dito lalo.. Pfft! Laughtrip talaga sa itsura niya "Gwapo? San banda? Joker ka talagang sabon ka!" -sabay suot nito ng helmet "Anong sabon?" -hindi ko muna sinuot ang helmet ko at hinintay ang sagot niya "Your surname.. Tss!" -sabay sakay sa motorbike ko.. Aba't! "Problem?" -mataray na tanong nito nang mapansin niyang tinanggal ko ang helmet na suot ko "Excuse me Ms. Alexa Jeysh Trifford, motorbike ko yan.." -at nginitian ko ito, ngiting pamatay! Ang gwapo ko kaya "Hindi ko naman aangkinin, ako lang mag da-drive!" -malditang sabi nito "At paano ako aber?" - aish! Spoiled brat, lahat ng gusto dapat makuha, tinanggal nito ang helmet na suot niya "Eh di sa likod kita! Ikaw ang aangkas!" -malditang sabi pa rin nito "Tss.. Motorbike ko yan, sa ayaw at sa gusto mo ako magda-drive nito at ikaw ang aangkas, mahal na prinsesa.." -sabay pitik ko sa noo nito "Aba't..." -magsasalita pa sana siya nang pitikin ko ulit ang noo niya "Hoy Lux! Masakit na ah.." -pfft! Laughtrip talaga sa mukha niya "Bakit hindi mo na lang ako barilin sinasaktan kita 'oh.." -pipitikin ko pa sana siya kaso bigla na siyang umilag, pfftt! "Isa pa Lux gagawin ko talaga ung sinabi mo.." -sabay suot ulit nito ng helmet "Bilisan mo na nga! kung saan mang lupalop ka ng mundo pupunta isama mo ako.." -pokerface na sabi nito ** "Oh..." -sabay abot ko dito ng pinabibili niyang beer in can at mga junk food, ito talagang babaeng 'to kagagaling lang sa ospital imbes na prutas ang kinakain at gatas ang iniinom, ito at yan ang mga pinabili "Thanks.." -sabay inom nito ng beer, pero ano daw? Thanks? Weh? Si Alexa ba talaga 'to? "May alam ka palang ganito kagandang lugar.." -nakangiti pang sabi nito, nakangiti siya? hindi.... hindi si Alexa 'to nakangiti siya eh "Hoy Lux! Magsalita ka naman!" -bulyaw nito, pfft! si Alexa nga sumisigaw na naman siya eh! "Bakit natatawa ka?" -iritang tanong pa nito, tinignan ko ang napakagandang tanawin na nasa harap ko, makikita dito ang mga city lights.. nasa roof top kami ngayon ng isang lumang hotel as in luma! abandonado na.. "Dito ako pumupunta kapag malungkot ako.." -ininom ko din ang hawak kong beer "So malungkot ka ngayon?" -curious na tanong nito "Pfft! Medyo..." -sagot ko dito "Malungkot daw pero tumatawa.." -bulong nito.. Pfft! bumulong pa rinig ko naman "Alam mo, Alexa hindi naman lahat ng nakikita mo tunay.. Maaaring nakangiti siya pero deep inside malungkot siya.." -tinignan ko ito sa mga mata at nginitian Alexa's POV "Alam mo, Alexa hindi naman lahat ng nakikita mo tunay.. Maaaring nakangiti siya pero deep inside malungkot siya.." -tinignan niya ako sa mga mata at nginitian, ngiting makikita mo ang nakatagong lungkot, pagkatapos niyang sabihin yun katahimikan ang nanaig samin, nakakabinging katahimikan "Naging assassin ako para makakuha ako ng impormasyon tungkol sa nangyari sa pamilya ko.. Pinatay sila 3 years ago.. Wala naman talaga akong balak pumasok sa mundong ito pero gusto kong malaman lahat... Gusto kong maghiganti.." -nakikita ko ang galit sa mga mata niya "Pero 3 years na ang nakakalipas at hanggang ngayon wala pa rin akong mahanap na kahit isang clue..." -yung hawak niya kaninang beer in can, ngayon ay pirat na sa sobrang pagkainis nito "So all these years hindi mo gusto ang trabaho mo? Hindi mo gustong pumapatay ka ng tao?" -pagtatanong ko dito bago ako ulit uminom ng beer "Oo" -maikling sagot nito "Eh bakit ginagawa mo pa rin?" -seryosong tanong ko "Para malaman kung anong pakiramdam pumatay ng tao.. Taong inosente man o taong makasalanan.." -sabay inom niya ng beer Pakiramdam? Ano nga bang pakiramdam kapag pumapatay ka ng tao? Ano bang nararamdaman ko? "Ikaw? Pera lang ba talaga?" -timingin si Lux sakin "Sa totoo lang hindi ko alam.." -seryosong sagot ko dito, pagkatapos ay tinungga ko ulit ang beer in can na hawak ko "Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to.. Nagpapayaman ako ng husto, OO! Pero hindi ko alam kung bakit... Kung bakit gustong gusto kong may dugo sa mga kamay ko.." -dugtong ko pa dito Bakit ko nga ba 'to ginagawa? Sa totoo lang pwede akong yumaman ng walang kasamang underground business, kaya kong magpayaman ng wala nun pero mas pinili ko pa rin ang pumatay... ** "Hoy Lux! San ba tayo pupunta?" -sigaw ko dito para marinig niya ako, nasa motor kami ngayon at kasalukuyang umaandar "Basta!" -sigaw din na sagot ni Lux Tumahimik na lang ako, hindi ko na lang sinagot ang basta niya.. Lately talaga nagiging madaldal na ako dahil dito sa lalaking 'to eh! Tss "Andito na tayo.." -masayang sabi nito, after ng halos 15 minutes naming byahe Eh? Amusement park? Seriously? "Anong ginagawa natin dito?" -masungit na tanong ko "Magsasaya.." -nakangiting sabi nito "Magsasaya? Sa lugar na 'to? Eww Lux ah! Hindi ako cheap!" -pag iinarte ko "Ms. Alexa Jeysh Trifford..." -nilapit niya ang mukha niya sakin, sobrang lapit.. s**t! "Just trust me.. Masaya dito.." -sabay kindat pa ng mokong at hinila ako, okay? what's wrong with my heart? my f*****g heart beats! bakit ang bilis? Jaeger's POV "Isa pang round kuya!" -sabay abot ni Alexa kay manong ng isang libo.. Pffft! Napakagalante talaga eh! 50 pesos lang bayad sa isang set ng bala na yan hahahhaha.. Pinagmasdan ko siya ng mabuti, tignan mo to ayaw niya daw sa cheap na lugar na to, pero nag eenjoy sa gun shooting dito, at dahil magaling nga syang umasinta at shooter talaga siya, ayun at taob lahat ng lata, pati yung mga maliit na tao-tao natamaan niya "Ma'am baka naman po maubos niyo yung pang prize ko, kanina pa po kayo eh.." -pagkasabi ni Manong niyan ay sumimangot si Alexa at... Pffft! Tinapat niya kay manong ang pellet gun na hawak niya "Gusto mo ikaw tamaan ko nito? Hindi ako intersado sa mga prize mo" -seryosong sabi ni Alexa.. At yung mukha ni manong takot na takot.. Pfft! Laughtrip talaga ** "Akala ko ba hindi ka interesado sa prize ni Manong eh bakit kinuha mo 'to?" -natatawang sabi ko dito habang hawak yung malaking teddy bear na binigay ni manong skanya dahil sobrang nasindak niya ito. Pffft! Natatawa pa rin ako pag naaalala ko yun.. "Eh ang cute eh!" -tapos ngumiti ito.. This time, a sweet one.. Hindi nakakatakot na ngiti.. Ibang klase.. "Pffft! Tara may pupuntahan pa tayo!" -pagyayaya ko sakanya To be continued....

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD