We Will Kill You

1603 Words
Alexa's POV We will kill you Alexa Jeysh Trifford -GIX Agad kong binulsa ang note! Tss! Death threat! Kinuha ko agad ang phone ko to call my secretary, not in this company but my secretary in the underground society "Hello? Yes... I Just want you to clean some mess here in my company.." - after I end the phone call, tinignan ko ulit ang babaeng nakahandusay at wala ng buhay sa harap ko, kada may ginagawa akong ganitong bagay may taga linis ng kalat ko, at walang bahid ng konsensya akong nararamdaman lalo na kapag buhay ko na ang pinag uusapan.. Tss! Umpisa pa lang to GIX hindi ako matitinag sa death threat niyo... *** "Excuse me, Ms. Trifford nandito na po si Mr. Lux" - namumula at nahihiyang sabi ng secretary ko.. Wtf! Anong meron at namumula yun? "Papasukin mo!" -utos ko dito nang mapansin kong halos nakataas ang paldang suot nitong secretarya ko sinuri ko pa siya ng husto medyo burado ang kaninang mapula at napaka kapal niyang lipstick at naka unbutton ng dalawa ang kanyang suot na blouse, what the? "Hi Ms. Trifford" -agad naman akong bumalik sa ulirat ng sumulpot sa harap ko itong si Jaeger Lux! I hate his presence! Grrrr! Tumingin ako sa secretarya ko "Makakaalis kana" - utos ko dito, pero bago ito umalis tumingin muna siya kay Jaeger Lux at ang mokong na 'to may pakindat pang nalalaman.. What the hell was that? "So.. Anong plano mo bukod sa pakikipag landian mo sa secretarya ko?" -mataray na tanong ko dito, pero imbis na sumimangot ang mokong eh ngumiti pa or should I say ngumisi pa sakin, problema neto? "Bakit Ms. Trifford inggit ka ba? Alam mo pwede naman nating gawin yung ginawa namin kanina eh.." - naka smirk sa sabi nito.. What? Ano bang ginawa nila? Sinasabi na nga ba! Kababuyan! "Tss!" - inis na tumingin ako sakanya, ang pervert talaga hayup! "So back to the business tayo Ms. Trifford.. Alam kong nakatanggap ka ng death threat ngayon ngayon lang" - seryosong sabi nito "How did you know?" -nagtatakhang tanong ko, kasi punyeta kanina lang nangyari yun tapos alam niya kagad "Nakasalubong ko sekretarya mo sa underground society at nakita ko ung bitbit niya kanina.. Yun ung babaeng lagi kong sinusundan" "So? Wag mo sabihing type mo yun?" -inis na tanong ko dito, napaka manyakis talaga ng isang 'to "Hahahaha! Type ko yung katawan niya, mukhang masarap sa kama kaso pinatay mo kagad!" -wtf? kalibugan nga, tinarayan ko ito at... "Pero seriously, alam ko na yung babaeng yun ang inutusan nilang pumatay sayo, gusto niyang sumali sa GIX kaya ang pagpatay sayo ang unang initiation sakanya" -dugtong pa nito "Tss! Baguhan! Walang binatbat.. Natakot pa nga nang makita ang baril ko eh.." -walang ganang sagot ko dito "Alam kong magaling ka Alexa, pero kailangan mo mag ingat.. Madami kang kalaban hindi lang GIX..." - pagbabanta nito "Tss! Hindi ako takot sakanila, p*****n ba gusto nila? Then ibibigay ko yun sakanila!" - walang ganang sabi ko dito "By the way, nandito ako para i-propose sayo ang aking project.. Since we are business partners na..." -inabot niya sakin ang isang folder "Those project is under the black market where we can have much income.." -tinignan ko ang binigay niyang folder "So... Gusto mong magbenta tayo ng computer with bomb?" -nakangising tanong ko dito "Not Just computer with bomb, but also a compact knife with poison.." -nakangising sabi nito. Actually maganda ang proposal niya, and hell yes! Bukod sa company ko ngayong pinapatakbo may iba pa akong business na part ng black market "Kelan naman natin 'to iri-release?" "That means approve mo na ang proposal ko?" -nakangising tanong nito "Magtatanong ba ako kung hindi?" -masungit na sagot ko dito. Kainis! Jaeger Lux's POV Agad akong pumunta sa parking lot kung nasaan naka park ang kotse ko, umalis kagad ako sa office ng babaeng masungit na yun pero buti na lang maayos siya katrabaho huh! *Ring! Ring!* Unknown Number "Hello? Sino 'to?" [Jaeger Lux...] "Ako nga, sino to?" [Malalaman mo din kung sino ako, pumunta ka sa Gang Coliseum, makipagkita ka sakin malalaman mo kung sino ako] *toot toot tooot!* Tangna! Binabaan ako? Sumakay na ako sa sasakyan ko, at pinaharurot papuntang Gang Coliseum Ang Gang Coliseum ay isang fighting area ng mga gang.. Tss! Assassin ako pero hindi gang member bakit naman dun pa makikipag kita to? Nang makarating na ako sa Gang Coliseum agad kong chineck ang baril ko sa coat na suot ko, chineck ko ung magazine, perfect! Madami pang bala! Agad akong lumabas ng kotse ko at dahan dahang pumasok sa Gang Coliseum, walang security dito at pwede kang maglabas pasok lang, "Nandito na ako! Sino ka?" -sigaw ko, para naman lumabas na kung sino man ang nakikipagkita na to' "Jaeger Lux" - nakangising hinarap ako ng babaeng... Ugh! Hot! s**t! Na-L ako, lalapit na sana ako sa sexy'ng babaeng nasa harap ko ng biglang... *block out* *** Ugh! s**t ang sakit ng ulo ko, anong nangyari? Petengene! It's a trap! At ngayon nakagapos ako, hays! Ang kagandahan kong lalaki, pwede naman niyang sabihin sakin na gusto niya akong matikman hindi na kailangang itali pa "Jaeger Lux" -huh? Si Ms. Sexy "Totoo nga yung sabi nila na gaano ka man kagaling babae lang katapat mo" - nakangiting dugtong pa nito, weh? Babae lang katapat ko? How come? "Hahahahahaha! Totoong naisahan mo ko dun, pero hindi mo ko ganun kadaling matatalo.." - pinakita ko sakanya ang dalawang kamay kong kanina ay nakagapos "Pa-papaanong?" "Well!" -nakangising sambit ko dito "Si Jaeger Lux ay si Jaeger Lux... Hinding hindi siya ganun kadaling matatalo..." - sambit ko dito habang nag uunat, tss! Sakit ng likod at ulo ko ah? Ano bang pinalo nila sakin? "Anong hindi? Isang kalabit ko lang dito sa gatilyong hawak ko patay ka!" -pananakot nito, ang daming satsat kung babarilin niya ako barilin na niya psh! Agad akong kumilos at tumakbo papunta sa likod niya, tulad ni Alexa dati sa first encounter namin distracted din itong babaeng 'to kaya agad akong nakapuslit sa likod niya at ang hawak niyang baril ngayon ay nasa kamay ko na at nakatutok sa ulo niya.. "So Ms. Beautiful.. Anong pakay mo sakin huh?" - bulong ko sa tenga nito Third person's POV Walang kaalam alam si Jaeger Lux na madaming mata ang nakatingin sa kanilang dalawa ng babaeng tinututukan niya ng baril, hindi lang mata ang nakamasid sakanila kundi napakaraming baril ang nakaabang sakanya upang tamaan siya "Shoot him!" -inis na utos ng babae sa mga kasamahan niya, Sa bawat pagbaril kay Jaeger Lux ay naiiwasan niya ito, isa na ring advantage na hawak pa rin niya ang babae sa leeg kaya nahihirapan din silang tamaan si Jaeger.. "f**k! Patayin niyo siya! Arrrggh!" - lalo pang nainis ang babae kaya siniko niya na si Jaeger kaya nakawala siya rito "So long Jaeger Lux..." -sabay tutok ng babae sa hawak niyang baril kay Jaeger Lux *Bang! Bang! Bang!* Napakaraming putok ng baril ang umalingawngaw sa buong Gang Coliseum... Putok ng baril galing sa babaeng kararating lang "Am I late?" -nakangising sabi nito Makikita mo sa kabuu-an ng Gang Coliseum ang mga nakahandusay at naliligo sa sarili nilang dugo gawa ng babaeng kakarating lang "A-Alexa Jeysh Ti-trifford?" -natatakot na sambit ng babae kay Alexa, tama kayo! Si Alexa ang babaeng dumating "So.. Are you scared? Why all of sudden?" - nakangising sambit ni Alexa sa babae habang nakatapat ang hawak nitong baril sakanya "I will count 1 to 3, at pag hindi ka pa umalis dito kagaya ng mga kasamahan mo maliligo ka rin sa sarili mong dugo! 1...." - agad tumakbo ang babae palabas ng coliseum "2....." *bang!* At bago pa tuluyang makaalis ang babae binaril ito ni Alexa sa binti Jaeger's POV "Ang brutal mo talaga.." - natatawang sabi ko kay Alexa "Tss! Anong brutal don? Ni hindi ko pa nga siya pinatay eh!" -nakasimangot na sabi nito "Paano mo pala nalaman na nandito ako?" - pag iiba ko sa usapan "Magaling ako that's why i knew it!" -cold na sabi nito "Yieee! Ini-stalk mo ko 'no?" - sabay sundot ko sa tagiliran niya, f*ck! Ang sexy niya pala, yung curve niya yung nasundot ko "Mukha mo stalker! Nilagyan ni daddy ang phone mo ng gps connecting to his phone at kanina kapa niya hinahanap since tayo ang partner in crime kuno sabi ng tatay ko puntahan daw kita" - namumulang pag e-explain nito, makikita mo sa mukha nito na galit na siya.. Hahahahhaa! Ang cute eh.. "Weh? Bakit defensive?" - pang aasar ko pa dito "Bahala ka sa buhay mo diyan!" - at ayun walk out ang madam niyo, hahahahhaaha! Ang cute talaga Alexa's POV Kanina pa ako iniinis ng mokong na to! Aish! Stalker his face! "Yieee! Stalker!" -asar pa nito Kanina pa yan ng aasar, nakapunta na kami sa head quarters lahat lahat ng aasar pa din siya "Yieeee!" -sabay sundot ulit nito sa tagiliran ko "P*tang ina Jaeger Lux! Isa pa sige!" -halos lahat ng tao dito sa head quarters nakatingin na samin dahil sa pagsigaw ko "Pfft..." -nagpipigil na tawa ng mokong "Alexa... Jaeger..." -biglang sulpot ng tatay ko "Dad!" -lumapit ako dito at parang batang nag sumbong "dad, paki usap ilayo mo sakin ang lalaking to kundi masasapak ko 'to!" - bigla namang natawa tong ama ko, tss! Anong nakakatawa? "Ehem.. Ehem! Tigilan niyo na yan para kayong bata! By the way, may pupuntahan kayong party Jaeger at Alexa, you need to sabotage the party" -seryoso pang sabi ng magaling kong ama Sabotage? what? Hmm... Mukhang magugustuhan ko 'to ah! To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD