Escape 1

2487 Words
Chapter 1 Introduction of the game Allison's point of view "Allison!" Mula sa malayo ay tanaw ko na ang kumakaway na kamay ni Kenn habang nakalabas ang kalahati ng kan'yang katawan. Kumaway ako pabalik at ngiting-ngiting nakatingin sa kan'ya. Tumigil ang van na sinasakyan nila sa harapan ko. Nag-umpisang silang magsilabasan para salubungin ako, at para na rin kunin sa akin ang mga chips and junks na lang ko para sa biyahe. "Myghas! Sa wakas ay natuloy rin ang pahinga," maarteng saan ni Celine habang hawak ang kan'yang ulo na animo'y nahihilo. "True. Ang tagal na rin kasi simula nang makumpleto tayo. Ilang taon na rin kasi 'yon, alam mo naman 'di ba, may dalawang---" pinaningkitan ko ng mata si Serena. Natameme naman siya, marahil ay nakaramdam at naintindihan ang labis na katahimikan ng mga tao sa paligid. "Alis na tayo?" Tanong ni Ethan katabi ang girlfriend niyang si Yssa. Tumango nalang ako at tahimik na umakyat sa van. Napangisi naman si Kenn at Dame. Nagkatinginan at nagtanguan, naintindihan ang nais ipahiwatid ng isa't-isa. "Yvy, palit tayo." Napangiwi na lang si Yvy sa sinabi ni Kenn. Naglabas siya ng tatlong chocolate bars, napairap na lang si Yvy, pero sa huli ay pumayag na rin na makipagpalit. "Selos ka 'no?" Marahan niyang bulong sa akin habang marahang hinahawi ang buhok na nakatabing sa aking leeg. "Huwag ka na magselos. sabi ko naman sa'yo, ako na lang." Bahagya niya akong niyakap at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Mapait akong napangiti, totoo naman ang sinasabi niya, nagseselos ako. Nasa sa akin na ang lahat pero nagseselos pa rin ako. I have the money, friends, fame and happy family. Pero isa lang ang wala sa akin, siya, ang lalaking noon palang ay hinahangad ko na. "Ayos ka rin 'no?" Napangisi naman siya at mas hinigpitan pa ang yakap sa akin. Pinabayaan ko nalang siya at ipinikit ang mata ko sa pagod. Ilang sandali pa ay naririnig ko na ang mahihina nilang ubuhan at reklamo. "Maawa naman kayo sa mga single dito. Parang walang tao sa paligid, ah." "Pasintabi naman po. Sana all, mga mare." "Jusko! Nakakalat ang mga langgam. 'Di ba kayo nakapagspray at linis, ah?! Nangangati na ako sa katamisan." "Lahat sila gusto sa atin, lahat sila hinihintay tayo... at ako, hinihintay pa rin kita." Bahagya ko siyang tinulak pero niyakap niya ulit ako. Nanlalamig na naman ako, napepressure, natatakot sa mga bagay na maaaring madawit habang binubuksan ang ganitong usapan. Napatingin ako sa side mirror. Mula sa pwesto ko ay kitang-kita ang malungkot na tingin ni Laine. Nang mapansin niyang tumingin ako ay ginawaran niya ako ng isang mapait na ngiti. Doon ay muli kong tinulak si Kenn. Pero muli niya akong niyakap, at ginawaran ng halik ang aking leeg. Pigil na pigil ang hininga ko, para akong mauupos sa ginawa niya. Napapikit na lang ako at bahagyang napailing. Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako. Mula naman sa kabilang side mirror ay kita kong ang titig sa akin ni Yssa habang nakangisi. Nagkibit balikat na lang ako at sinandal ang ulo ko sa ulong nakapatong sa balikat ko. Nagpatugtog na lang sila buong biyahe. Nagtulog-tulugan na lang ako habang nakatitig sa magkahawak na mga kamay ni Ethan at Yssa. Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa nangyayari. Hindi ko mapigilang manlambot. Paano mo siya nagawang piliin.. Ethan? Paano mo naatim na saktan kami para sa babaeng 'yan?! Paano mo kami natiis? Pasado alas dos ng madaling araw nang maramdaman ko ang pagtigil ng makina ng aming van. Mula sa side mirror ay nakikita ko ang marahang pagtapik ni Ethan sa magandang mukha ni Yssa. Nang hindi magising si Yssa ay napatingin din siya sa side mirror. Madilim ang kan'yang mata at nakatitig sa side mirror, napapalunok at puno ng hinanakit. Nag-iwas na lang ako ng tingin at nag-umpisang tapikin si Kenn. Bahagya siyang gumalaw bago imulat ang mga mata niya. Mapungay ang kan'yang abuhing mga mata, bahagya niya itong kinusot. "Nasaan na tayo?" Tinignan ko ang view sa labas. Malapit na kami sa pampang. "Malapit na tayo sa pampang. Sasakay na tayo ng bangka. Bilisan mo kumilos para makaalis na tayo agad." Nag-inat siya at niyakap ako. "Goodmornight." Bahagya kong sinapak ang braso niya, dahilan para matawa siya. Dahil sa likot niya ay isa-isang gumising ang mga kasama namin na nasa likod. "Nasaan na tayo?" tanong ni Celine na nag-iinat pa at bahagyang humihikab. "Maglalakad na tayo papuntang pampang, Celine. Iayos mo na gamit mo... lalabas na tayo." Nag-umpisa na silang magligpit ng mga nakakalat nilang pinagkainan at mga nakalabas na unan at kumot. Binuhat ko ang maleta ko at inilabas mula sa van. Medyo sumusuray-suray pa ako dahil sa antok at pagod. Napapahikab pa ako sa sobrang antok. Sumasakit na rin ang likod ko dahil sa haba ng biyahe at pagod. Isinuot ko ang scarf ko dahil sa panlalamig. Mula sa malayo ay sumasayaw-sayaw pa ang mga dahon ng puno kasabay ng hangin. Ganoon din ang alon na mahinang humahampas sa aking balat. Pero hindi sapat ang scarf at blazer ko para matanggal ang lamig. Nag-umpisang pasukan ng lamig ang balat ko, dahilan para manginig ang laman ko. Nagtaasan ang mga balahbo ko sa katawan, hindi dahil sa lamig. Kun'di sa kaba at takot, iba ang kutob ko sa bakasyong ito. Binalewala ko iyon at tumulong na lang sa pagbababa ng mga gamit. Nang maibaba lahat ay nag-umpisa kaming maglakad palapit sa pampang. Kada lumalapit kami ay nadarama ng balat ko ang kalamigan ng paligid, pati na ang kaba at takot. Napapikit ako at hiniling na sana ay mali ang kutob ko. Napatigil na lang ako nang maramdaman ko ang isang tela na ibinalot sa aking balikat. Napaawang ang labi ko nang ngitian niya ako. "I am so sorry," saad niya at naunang naglakad. Hindi ko mabigilang mapangiti at higpitan ang hawak sa jacket niya. Pero napangiti nalang ako nang sobrang pait. Pero hindi nito mabubura ang katotohanang.. pinila niya ang iba kay'sa sa'kin. Napabuntong hininga na lang ako at tumakbo dala ang maleta ko palapit kila Kenn. Inakbayan niya ako at ginulo ang buhok ko. "Huwag kang kiligin. May nagmamay-ari na sa kan'ya." Natahimik na lang ako, nangilid ang luha dahil sa dami ng mga isipin. Tumigil kami sa harap ng anim na bangka. Nag-umpisang magsalita si Maxx para ipaliwanag ang magiging sistema ng hatian ng grupo. "Dahil eighteen tayong lahat, at anim ang bangka, tatlo-tatlo ang laman kada bangka, kasama na ang mga bag niyo. Twelve sa atin ang marunong magpatakbo ng bangka kung may mangyayaring aberya. So, dalawa-dalawa kada bangka at isang nakaprotekta ng gamit para maiwasang mabasa o mahulog." Hinati-hati na kami sa bawat bangka. At dahil mabigat ang dala ko ay ibinigay sa akin ay dalawang bagpack lang ang dala. Si Kenn ang nagpatakbo sa bangka at ako ang taga bantay ng bag namin. Wala namn naging aberya kaya nanatiling lang akong nakaupo at bahagyang umiidlip. May napansin akong cellphone at gadget sa gilid ng bag ni Kenn at Shin kaya pasimple ko itong tinapon sa dagat. Natatawa na lang ako habang pinapanood ang paglubog ng mga ito. Napailing na lang ako sa isipin. Para akong mababaliw sa mga ganitong pagkakataon, walang kausap at nag-iisang nakatanaw sa malalim na dagat. Mababaliw at nananatiling nakaabang sa mga mangyayari. Ilang kilometro pa ang layo, pero mula rito ay nakikita na namin ang ilaw na nanggagaling sa parola nila. Pinapaikutan ng ilaw ang buong lugar na nagbibigay liwanag sa mansyon. Napangisi ako, hindi maintindihan kung bakit. Nagsisisigaw ang mga kasamahan namin na nasa kabilang bangka at ginagamit ang flashlight bilang disco ball. "Malapit na tayo!" Mula sa kinauupuan ko ay nadidinig ko ang pagsigaw ni Celine at Maxx. Nilukob ako ng saya nang tuluyan kong maaninag ang masyon ng pamilya ni Jennii. Wow. Puno ng puno at mga halaman. Meron ding swimming pool at Jacuzzi. May malaking fountain na may estatwa ng kung sino. Misteryoso dahil mukhang simple lang ang lalaki, nakangiti lang kasi ito. "Jennii anong meron dito? Mostly kasi, mytical creature ang nilalagay sa estatwa. And, this statue looks so creepy," puna ko. Nginitian lang ako ni Jennii at marahang bumulong, "It's for you to find out." Nanlamig ang katawan ko. Nararamdaman ko ang takot na lumulukob sa katawan ko. Nauna silang naglakad papasok sa double door ng mansyon. Inikot ko pa at sinuri ang estatwa. Napagtanto ko kung ano ang kakaiba sa estatwa ng lalaking nakangiti. May hawak siyang patalim sa kan'yang bulsa. "Allison!" Binalingan ko si Shin nang tawagin niya ako. "Pasok na raw tayo!" "Pakidala na lang ang gamit ko papasok. Titignan ko lang itong fountain." Tumango lang siya at dinala ang maleta ko. Nag-umpisa ulit akong magsuri, may mga dyamanteng nakalagay sa tubig, pero tanging isang bagay lang ang pumukaw sa aking paningin. May siwang sa ilalim ng katubigan. Parang maliit na pinto na naglalaman ng tubig. Kinapa ko pa iyon, parang may kung ano akong nakapa. Kinuha ko iyon at iniahon sa tubig. Isang susing napapalibutan ng diyamante at isang bote na may lamang kulay pulang likido. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. "Allison!" Patakbong lumapit sa akin si Kenn. Agad kong ibinulsa ang diyamanteng susi at ang bote ng pulang likido. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at parang galit na tumingin sa akin. "Ano pa bang ginagawa mo? Halika na at magpahinga na tayo. Akala ko tuloy ay nawawala ka. Buti na lang at sinabi ni Shin na nagpaiwan ka raw sa tapat ng fountain." "Sorry, may tinitignan lang ako." Ngumiti lang siya at pinadausdos ang braso niya paikot sa aking bewang. Nagkibit balikat na lang ako at sumabay sa paglalakad. Nakarating kami sa loob ng mansyon. Nag-ubuhan ang mga kumag pero tanging kay Ethan lang tumapon ang tingin ko. Kasalukuyan silang nag-uusap ni Yssa habang nagtitimpla ng kape si Ethan. Napabuntong hininga na lang ako at nginitian sila. Matagal niya na pala akong kinalimutan. Naupo na lang ako sa isa sa mga sofa at isinandal ang aking ulo. Parang lahat ng pagod ko ay lumabas. I can feel the coldness, dahil siguro sa bukas na aircon at ang pagpasok ng hangin, lumilipad pa ang kurtina. Bigla kong naalala na suot ko pa pala ang jacket ni Ethan, kaya hinubad ko ito at inilapag sa mesa. Napansin naman 'yon ni Yssa kaya sinamaan niya ako ng tingin at umirap. Kumuha ako ng pagkain sa maleta ko at nag-umpisang kainin ito. Agad na tumabi sa akin si Damiane at niyakap ako, ginagaya na naman ng hinayupak si Kenn. Napangiwi ako sa kalandian niyang taglay. "Baby... pahingi ako... baby..." "Lumayo ka nga sa akin. Kadiri ka." Bahagya ko siyang tinulak. Pero mukhang mas lumala pa siya. Nag-umpisa na akong mainis, ang sarap niyang tirisin sa gigil ko. Pumungay ang mata niya. "Bakit sa iba mabait ka? Bakit sa'kin hindi? Baby may ginawa ba 'kong mali... baby... sabihin mo... baby... nagugutom ako." "Maxxn nilalandi ako ni Damiene!" Pagsusumbong ko ngunit tumingin lang siya sa akin at kay Damiene sabay irap. Natawa na lang ako, halata naman kasi na gusto pa ni Maxx si Damiene, pero marami na talagang nagbago, marami na talagang hindi na kakayanin pang ibalik. Inabot ko sa kan'ya ang pagkain ko pero mas lalo lang siyang nag-ingit. Tinulak naman ni Kenn si Damiene nang maabutan niya itong nakaakbay sa akin. Ang walanghiyang si Kenn naman ngayon ang nagungulit sa akin. "Baby... subuan mo ko.... baby..." Siniko ko ang tiyan niya. Napadaing siya at mas lumala kaysa sa nauna niyang drama. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong, "Wala ka na talagang pag-asa sa akin, isa pa at basted ka na.. ." Sarkastiko siyang ngumitina may mapait na ngiti. "Sana ako na lang talaga, para pareho na lang tayong masaya." Napalunok ako. Tumayo ako at saka dinala ang maleta ko. Umakyat ako sa hagdan at pumasok sa unang kwarto na nakita ko. Doon ay umupo ako. Napahikab ako at nag-umpisang manlabo ang paningin ko. Hindi dahil sa antok.. Kun'di dahil sa tubig na boluntaryong lumalabas sa mata ko. Sinubukan ko itong unasan pero hindi maubos ang mga tubig na ito. Wala na akong nagawa kun'di ang magpahinga. Inilagay ko lang ang unan tsaka nahiga sa kama. Niyakap ko ang teddy bear ko at ipinikit ang mga mata. "Bakit Ethan? Bakit mas pinili mo siya? Bakit hindi kami?" "Ang gwapo naman ng Prinsipe Ethan at Prinsipe Kenn ko! Naniniwala ako sa kakayahan niyo. Sure akong gagawin niyo concert ang stage ng Naglecano." "Oo naman, Prinsesa Alli. Kami pa ba?" "Oo nga. Gagawin namin ang best namin para sa aming mahal na prinsesa." Napangiti ako. Sana kayang ibalik ang lahat... sana hindi na ganito... sana hindi ganito kahirap... sana. "You will always be my queen, kahit na may dumating pang mga babae sa buhay ko." You already broke your promise. You already broke my trust. And I hate you for making me so miserable. ---- Third Person's point of view Halos hindi makahinga si Arcanghel sa natanggap na sulat. Sakura. Ayon ang pangalan ng pinagmulan ng sulat. Kung 'di siya nagkakamali ay iyon ang pangalan ng game master ng code system na pinasok niya. Ilang oras na mula nang matanggap niya iyon pero nakatitig pa rin siya sa sulat. Kinatok na nga siya ng pinsang si Apollo. Ngunit hinayaan niya na lang na kusa itong mapagod at isipin na maaring tulog pa siya. Maraming bagay ang tumatakbo ngayon sa isipan niya. Gusto niyang malinawan at malaman ang tunay na nangyari, gusto niyang malaman ang kwento ng kalahati ng kan'yang pagkatao. Kung patay na ang kan'yang ina, sino ang babaeng kamukhang-kamukha nito sa video? Napahinga siya nang malalim. Nannginginig at takot na hinawakan ang kalahating puting papel na sobre. Pagbukas niya ay tumambad sa kan'ya ang isang inbitasyon. Agad niya itong binasa. Isa ka sa sampung kabataan na nagtagumpay sa pagpasok sa aking munting palaro. Nais ka naming batiin, at dahil diyan ay may gantimpalang inihain sa'yo si Sakura, sa Ika-27 ng Hunyo, nais ka naming imbitahan sa aming mansyon. Congrats Arcanghel! Paunlakan mo ang aming imbitasyon o... (punit na parte ng papel) Napakunot ang noo niya, binuklat ang sobre kung may napunit na parte ng papel. Ngunit wala siyang natagpuan. Ang tanging natagpuan niya lang ay isang cd. Inilapag niya iyon sa side table niya. Biglang may nagpop up na kung ano sa laptop niya. Maagap niya iyong pinuntahan. Use the CD to watch the video. Use the CD to watch the video. Use the CD to watch the video. Kinuha niya ang CD at nag-umpisang panoorin. Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya maaaring magkamali. Ang isa sa babae sa video ay ang kan'yang ina. Ang kan'yang inang matagal na simula nang makasama niya. Ang kan'yang nawawalang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD