"Why do you have to do that?" Bungad agad ni Sungit pagkapasok na pagkapasok ni Jeanna. Nakipag meet siya kay Baste, Sebastian Rivera na kaibigan rin pala ni Chase, the coffee farmer. "Sayang naman, kaysa nakatambay ako habang naghahanap ng work eh." Hindi maipinta ang itsura ni Prince, hindi mo malaman kung gusto ka niyang ilubog sa dagat o itapon sa bibig ng bulkan. Tama nga si Senyora. Automatic ang selos ni Sungit. "Puwede ka namang tumambay habang naghihintay." Katwiran pa nito. "Tapos araw araw ka pang wala rito sa bahay. Paano kung makita at masunda ka na naman ng humahabol sa iyo?" "Oy, love birds! Awat na muna." Saway ni Kim. "Kumain muna tayo ng lunch bago ninyo ituloy ang away ninyo." Ipinaghila siya ng upuan ni Prince, siyempre tumabi rin sa kan'ya. Ipinagsandok pa

