Kahit hindi nakatulog nang mabuti si Jeanna, gising at mulat na mulat ang diwa niya. Balik sa pagiging bato mode na naman si Prince, na hindi niya nakausap matapos ang eksena nila sa kusina. Hindi rin siya nakaalis dahil mas lumakas pa ang ulan kinagabihan, pero parang nakalaklak siya ng energy drink. Kahit pa yata mga himaymay ng katawan niya, alertong alerto. Pagbaba niya sa sala, si Prince at isang babae ang naabutan niya roon. Automatic na nakangiti ang babae sa kan'ya. Si Senyora lang pala. Tumayo ito kaagad nang makita siya. "Good morning," bati nito sa kan'ya. "Good morning," ganting bati niya. "Ano.." eherm.. "Pasensya na talaga sa abala, nakituloy na naman ako dito." "Walang problema do'n," kumabit sa kan'ya si Senyora, galak na galak pa yata. Hawa hawa lang. "Masaya ng

