Palapit si Prince sa terrace ng beach house na tinutuluyan ni Jeanna nang maulinigan niyang kausap sa cellphone ang dalaga. Hindi muna sana siya tutuloy upang bigyan ng privacy si Jeanna pero nagbago ang isip niya nang marinig niya ang pangalang Rivas sa galit na tono. Right. Jeanna is dealing again with her freaking crazy ex-boyfriend. Damn. Naupo siya sa pasimano, at nakinig. "Hindi mo ako naiintindihan? Ayoko. Kailan mo ba ako titigilan? Ano ba ang hindi mo ma-gets sa ayaw at hindi? Wala akong pakialam kung magkahyper acidity ako, acid reflux na sinasabi mo, ang akin lang huwag na huwag mo na 'kong kokontakin! Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Ginamit mo pa si Tatay Borz para kausapin ako? Gosh!" Napaiiling na lamang si Prince habang pinagmamasdan ang kabuuan ni Jeanna, tangin

