"Aw.." napalingon ito sa gawing likuran niya, at dinig niya ang boses ni Rivas. "Miss..?" Kumapit siya sa braso nito. "Tarantado 'yan," hingal. Impit. Nginig. "May humahabol sa 'kin, please paki-" Mabilis pa sa alas kuwatro na pinasan siya ng lalaki. Parang sako ng bigas. Kung sinuman ang lalaking ito, mabilis ang pick up! At pumasok sa katabing establishment. Tindahan ng motor or something. "Okay ka lang ba, Miss?" tanong ng lalaki. "Nahihilo ako," tugon niya, nang makapasok sila sa loob may isang lalaki na aligagang ibinaba ang blinds. "May humahabol sa 'kin." Paulit-ulit siya ng sinasabi. Tumatango lang ang lalaki habang pinapaypayan siya gamit ang kamay nito. "Artista 'yan, bro?" tanong ng lalaking aligaga. "Ba't may nagkakagulo sa bar ni Ferol?" Maingat na iniupo siya ng la

