HANNA POV “Nasaan ang Sir ninyo? Ang sabi ko ay sundan ni'yo di ba?" galit na sigaw ko sa mga tauhan kong tatanga tanga. “Inabangan po namin ang sasakyan niya Madam at hindi naman ito umalis at nasa office pa rin." “B*bo! Bakit ang sasakyan ang binantayan ninyo? Puwede siya mag commute o 'di kaya ay nakisakay sa iba edi sana sa Entrance kayo nag bantay! Arggg! Hanapin ninyo ang Sir ninyo!" Walang hiya kaya talaga Dominick nakuha mo pa akong takasan at pagtaguan! Nasaan ka na ba? Hindi! Hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal natin! Pababagsakin ko ang lahat ng mga negosyo kapag hindi natuloy ang kasal natin! Dalawang araw na hindi ka nagpakita, kapag inabot ng isang linggo I swear babagsak ang negosyo mo! “Bakit? Siguraduhin niyo lang na good news 'yang ibabalita mo!" singhal

