One: Jaja Gabriella Herce

856 Words
Kasalukuyang taon, 2045 Sa ika dalawampung beses na pag subok sa makinang ginagawa ni Jaja ay muli itong nag buga ng itim na usok sa mukha niya. Napapikit at napahinga ng malalim ang dalaga. Simula bata ay nais na niyang makagawa ng makinang mag babalik sa kanya sa nakaraan dahil sa kasalanang nagawa nya noong siya ay paslit pa. Iniisip niyang iyon ang dahilan kung bakit nag kanda letse letse ang buhay niya habang ume edad siya. Nung nasa kolehiyo siya (home school) ay nakuha ng araling Science ang loob niya lalo na ang patungkol sa paglalakbay sa nakaraan. Wala man itong scientific proof ay nais niyang siya ang unang tao makapag lakbay sa nakaraan. "Lunch na! May naka hain na dito sa lamesa, may pupuntahan lang ako!" iniwan ng dalaga ang ginagawa at masama ang loob na pinuntahan ang pagkain na inihain sa kanya ng ate niya. Ngunit bago pa man makarating sa lamesa ay napasilip siya sa bintanang nadaanan niya. Mahigpit ang seguridad sa bansa. Natatakot na mangyari muli ang nangyari nung taon na siya ay ipinanganak (2020). Nung mamulat ang isipan niya sa nangyayari sa ekonomiya ay saka niya lamang naunawaan ang lahat. Nung limang taon gulang siya ay naikwento sa kanya ng kanyang ina ang Pandemyang nangyari sa buong mundo na tumagal ng higit limang taon at pagkatapos ay nagkaroon ng tag gutom na tumagal rin ng limang taon pagkatapos nang kumalat na sakit. Noong panahon ng tag gutom, isa siya sa mga kumapit sa patalim. Sa edad na sampu ay pinilit niyang nakawan ang isa sa mga pinaka asensadong pamilya nang panahong iyon. Sa kasamaang palad nga lamang ay kulang siya sa plano kaya't siya ay nabigo. Dahil menor de edad, ang ikinulong at hinatulan ay ang magulang niya. Nangakong papakawalan ang mga ito kapag nag disi otso siya at siya naman ang papalit. Ngunit sinabihan na siya nang kanyang ina na huwag maniwala sapagkat ipapatay sila ng pamilyang ninakawan ni Jaja. Sa sobrang takot ay nagtago siya non buong buhay niya. Laking pasasalamat niya at may nag magandang loob pang kumupkop sa kanya. Si Jillian at ang nanay niya. Ito ang itinuturing niyang pamilya ngayon. Namatay naman, 3 taon na ang nakakalipas ang foster mom niya dahil sa malubhang karamdaman. Kaya't sila na lamang ng ate niya ang namumuhay ng magkasama. Bukod roon ay bente singko na siya. Matagal na siyang hinahanap ng awtoridad ngunit nanatili siyang sikreto ng ate niya. Tahimik na kumain sa jaja bago binalik ang atensyon sa makinang ginagawa niya. Dalawang taon na niyang tinatrabaho iyon nang walang financial support mula sa Gobyerno. Natatakot siyang baka kumpiskahin ang nasimulan niya kung hihingi siya ng tulong. Nais man niyang sumuko ay hindi niya magawa sa tuwing maalala niya ang nakaraan niya. "C'mon jaja! Kilos na!" Pilit niyang pag kausap sa sarili upang hindi tamadin. Lumipas muli ang mahapon niya sa pag aanalisa at pag kukumpuni ng makina. Dadaan nang muli ang gabi ngunit wala pa ring improvement. Sa sobrang frustration ay nahampas niya ang makina na nag sanhi ng makapal na itim na usok na muling napunta sa mukha niya. Naglakad siya patungo sa banyo upang maghilamos. Nadako ang paningin niya sa wall clock sa silid niya. Nang makitang mag aalasais na napagdesisyunan niyang magluto nang dinner para sa kanilang mag kapatid. Ngunit bago pa man makalabas ang dalaga sa silid ay isang malakas na pagsabog ang nagdala sa kanya sa kadiliman. ***** Samantala, nagulantang ang ilang kalapit bahay at ang mga pulisyang naka bantay sa lugar na iyon. Unti unti nagliliwanag ang paligid dahil sa lumalaking apoy na nagmumula sa bahay nila Jaja. Agad na kumilos ang ilan at nagpatawag ng bumbero Kasabay na dumating ng mga bumbero si Jillian, ang kapatid ni jaja. Nabitawan pa nito ang mga pinamili nang makitang bahay nila ang nagninngas, ngunit hindi iyon ang nagpapalago ng kab sa dibdib niya. Ang kapatid niya! Hinanap ng mga mata niya ang dalaga ngunit walang kahit na anong bakas nito na nagsanhi nang pagsigaw at pagtakbo niya palapit sa bahay. Pinigilan siya ng ilang awtoridad ngunit hindi siya nag pasindak. "Ang kapatid ko! Nasa loob! Ang kapatid ko!" bakas ang pagkagulat at confusion sa mukha ng pulis. Nagkaroon din ng ilang bulungan ukol doon. Sa pagkakaalm nila ay walang kapatid si Jillian. Saka lamang napag tanto ni Jillian na nag tatago at sekreto nga pala si jaja. Pero sa kabila noon ay agad na umaksyon ang mga bumbero at nag boluntaryo na pumasok sa loob. Isa at kalahating oras bago maapula ang apoy ngunit walang kahit na anong katawan o bakas ng tao sa loob ng bahay. Inakala nilang nababaliw na si Jillia dahil sa tagal na nitong naninirahan mag isa . Madami din ang medic na nakapaligid sa bahay ngunit ukopado ang isipan niya. Ang kapatid niya! Days and Weeks had passed and Jaja's still missing. No one believes Jillian, people think that she's suffering from a mental illness because of her mother's death and living alone for a long time. A/N: please spare me. This is my first time to wrote a novel. The next chap is Jaja's PoV. Stay tuned!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD